Rage's POV
Lumipas pa ang ilang minuto ay base na lang ang natira sa Soaring Tigers, habang ang tore ng Deadly Mamba ay anim, grabe ang lalakas.
"Ang lalakas nila." nabanggit ko na lamang ng manalo ang Deadly Mamba, ang intense nga ng laban, "Woah! Ang galing!" rinig kong sigaw ni Vile, tinignan ko rin yung iba kong kaibigan, kita sa mga mukha nila ang mangha.
"The battle ends with the score of 34-17, congratulations to Deadly Mamba! You have received a battlegolds worth of 50k and 50,000 points." sabi ng babae, hindi ko kasi talaga alam name niya or kung anong itatawag sa kaniya, "And the MVP is Cobra! Can you give us some speech?" tanong niya kay Cobra, ibinigay niya naman yung mic sa kaniya.
"Thank you all for supporting us and for not giving up on us! Do not give up and have a safe day!" sigaw niya at nagingayan naman ang mga tao, kahit mga katabi ko ay nagsigawan din, ang kukulit hahahaha!
"Thank you Cobra! Soaring Tigers, better luck next time." sabi ng babaeng Moderator ulit, tapos naghiyawan na yung mga tao, ang ingay na lalo. Sino naman kaya yung sunod na maglalaban?
"Next battle, the fight you have all been waiting for! Dark Souls vs Seven Rings!" sigaw nung babae at lalong lumakas ang mga sigawan, teka, Dark Souls vs Seven Rings? Yung dalawang malakas na Squad? Napatingin ako kay Demon na nakakunot ang noo.
"Demon." si Noble, nakatayo siya sa gilid ni Demon, napatingin ako sa itaas niya, t-teka. "Rage diba yung...." hindi na natuloy ni Fiery yung sasabihin niya ng mapatingin din siya kay Noble.
"Flame, pwede palit muna tayo?" tanong ni Noble, tumayo naman si Flame, "Masusunod, Master Noble." at nagbow ito, teka? Bakit siya nagbow? At bakit niya sinunod si Noble? At bakit Master ang tawag niya?
Walang nakakarinig sa amin kundi kami lang dahil busy ang ibang tao sa panonood, pero ang iba ay napapatingin sa ibabaw ng ulo ni Noble.
"Salamat, Flame." nagpakilala ba si Flame kanina? Tinawag ba namin si Flame? Kaya nakilala niya? Ang daming tanong ngayon ang bumabagabag sa isip ko.
"Uhm Rage, usog ka." pakiusap ni Noble pagkaalis ni Flame, pumunta na siya sa pwesto ni Noble. Umusog naman si Demon, tapos sa dulo si Noble.
Lahat kami ay nakatingin lang kay Noble, tapos ang ibang tao ay nakatingin lang din kay Noble, yung mga makakakita sa ibabaw ng ulo niya.
<Noble>
⭐9⭐Ayan kasi ang nakalagay sa itaas ng ulo niya, diba? Ibig sabihin, malakas siya, at ibig sibihin, kasama siya sa Highest Rank 10, hindi ko napansin kanina dahil nga hinanap ko ang pangalan ko. Kaya hindi ko na tinignan pa yung mga nasa rank 10.
"Ang baba naman ng rank mo Demon, ikaw ba 'yan? HAHAHA!" pang-aasar ni Noble, medyo naiinis ako kasi pota. Hindi ko alam kung bakit!
"Cut the crap, Noble." seryosong sabi ni Demon, at nagpeace-sign naman siya, kaya naging seryoso na rin si Noble. Lahat kami ay seryosong nakatingin sa kanilang dalawa.
Hindi namin alam na ganitong malakas pala si Noble, tapos napagsasalitaan siya ng ganiyan ni Demon, eh mas mataas nga rank niya. KASAMA PA SA HIGHEST RANK 10, hindi kaya? Moderator si Noble?
Naalala ko kasi yung sinabi ni Flame sa amin tungkol sa mga Moderators. Posible nga na isa siyang mod, mamaya ko na lamang itatanong.
BINABASA MO ANG
Bladesmith
FantasyNot your ordinary online game. A place where fantasy meets reality.