Chapter 6: Bladesmith Stadium

26 0 0
                                    

Rage's POV

"Demon, paano mo nakilala si Noble?" tanong ni Eon sa kaniya ng makarating kami sa uupuan namin. "Niyaya niya ako makipaglaban." sabi ni Demon, "Tapos natalo ko siya." rugtong niya sa sinabi niya, hindi na kami magtatakha, kung matatalo siya ni Demon, ang lakas niya kaya tapos ang galing psh. Oo na, natalo na ako ng babae.

"Woah! Ang laki talaga rito at ang ganda ng view, hi-tech talaga!" manghang sabi ni Fiery at umupo sa upuan niya, gano'n din ako, tapos uupo sana si Demon sa tabi ni Eon pero, "Demon!" sigaw ko, napatingin naman siya sa akin, kaya napahinto rin si Flame.

"Ah, Flame upo ka na." sabi ko kay Flame at pinaupo siya sa tabi ni Eon, kaya kami na lang ni Demon ang nakatayo. Tsk, hindi ko alam kung anong ginagawa ko. "Hmm?" tanong ni Demon, "U-Upo ka muna." sabi ko sa kaniya at umupo naman siya, doon siya sa may dulo at ako naman sa tabi ni Flame.

"B-Bakit kilala ka nung Flare na tinawag mo? Bakit kilala niyo ni Flame?" tanong ko sa kaniya, "Kilala niya lahat ng player actually." sabi ni Demon, "Ikaw Flame? Bakit kilala mo yung Flare?" tanong ko kay Flame, "Master Rage, Flare is my sister. We are both subordinates, but she's one of the P.A.'s of Moderators." paliwanag niya kaya naman napa-ahh na lang ako.

Ah, ibig sabihin, kilala ako nung Flare din? Tapos magkapatid sila ni Flame? Paano sila naging magkapatid kung AI sila diba? Napatingin naman ulit ako kay Flame.

"Flame!" sigaw ni Fiery, ay sige siya muna magtanong, "Yes? Master Fiery." medyo malakas na tanong ni Flame sa kaniya. "Bakit may shield?" tanong ni Fiery, "Para po hindi tayo matamaan ng mga bagay na maaaring makasakit sa atin. That is a barrier to protect us." paliwanag ni Flame sa amin. Medyo nabibingi na ako sa mga sigawan ng tao.

Hindi ko na sila masiyadong marinig dahil sa ingay, ang laki nito at ang dami pang tao, lalo na sa pinakataas, ang daming tao. May apat na monitor na nasa gitna, paikot ito, parang sa mga Arena, pero malaki ito.

"Hello, dear players. Welcome to Bladesmith Stadium." sabi ng isang babae sa mga monitor. "I am one of the Moderators." dugtong niya sa sinabi niya. Kaboses niya yung babaeng nag-announce kanina, hindi kaya iisa sila? "Some of you now are wondering if I am the moderator who announced the rules and battles a while ago, and yes you are right." mind reader ata ito, walang nag-iingay, lahat kami ay nakatingin sa malaking monitor.

"We are gathered here to witness the most outrageous battle in the game, and you dear players will no longer use your characters to fight, instead, you will fight it by yourself." kahit na alam ko na, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi kabahan, kalmado ang boses niya, tapos, napakaseryoso, may maskara siya, hindi ko pa rin talaga makikita ang mukha niya, ngunit kita ang bibig niya. Kulay skyblue ang mata niya, at light brown ang kulay ng buhok niya sa itaas, sa baba naman ay skyblue, mahaba ito at straight, may bangs din siya.

"Flame, bakit siya may maskara? Bakit gano'n itsura niya?" tanong ko sa kaniya kaya naman napatingin siya sa akin, "From what I know Master Rage, that is to hide their identities." sabi ni Flame sa akin, "Hindi rin siya nagpapakilala kung sino siya, bakit?" tanong ko ulit sa kaniya, diba? Kanina ko pa napapansin na hindi siya nagpapakialala.

BladesmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon