Chapter 2: Meet up

42 2 0
                                    

Rage's POV

Malapit na ako sa destinasyon ko, at ayon nakita ko na, parang cafe lang siya huh? Lumapit ako at may nakapaskil sa taas na "Black Phantoms' Lair." basa ko rito.

Pumasok ako, biglang may tumunog at may umilaw na kulay green sa pinto. Wow, ang galing naman nito. Pinagmasdan ko ang loob, para siyang bar, pero may mga juice rin na naka-display, may isang tao, siya yung bartender.

"Rage?" tanong ng isang lalaki sa akin, tumango naman ako, "Nice, pre. Skull pala." sabi nito, nakipag-bro fist naman ako sa kaniya.  "Saan sila?" tanong ko, napatingin siya sa gilid at sinundan ko naman iyon.

"Woy! Andito na si Rage!" sigaw ni Skull kaya naman napalingon sa amin yung dalawang babae at isang lalaki. Lumapit kami sa kanila, pa-square yung upuan, para siyang sofa sa mga bar. Tapos sa kabila naman parang tulad sa restaurant apatan ang upuan.

"Rage, si Vile, si Fiery at si Lily." pakilala ni Skull sa kanila, "Sa wakas nagkita na rin tayong lahat!" sabi ko at tumawa, napatawa rin sila. Tapos umupo na si Skull, umupo naman ako sa tabi niya.

Vile           T             Skull
Lily           A             Rage
Fiery        B             
                  L
                  E

"Si Eon na lang at si Demon." sabi ni Skull, kaya naman napatingin kami sa kaniya, "Baka nga babae talaga si Demon at nagkita na sila ni Eon, tapos nag-date muna sila." sabi ni Vile na kunwari nag-iisip, kahit kailan talaga yung Demonyong 'yon, laging pabida ampt. Hindi ko rin alam kung bakit nainis ako sa sinabi ni Vile.

"Tsk! Lalaki si Demon, pangalan pa nga lang e." sabi ni Fiery, tapos tinarayan niya si Vile, napailing na lang kami dahil kahit sa personal nagtatalo pa rin sila.

"Sino nga pala yung tao na 'yan? Bakit ganito yung base natin?" tanong ko sa kanila, kaya naman lahat sila ay napatingin din sa akin. "Hindi rin namin alam nahihiya kami magtanong sa kaniya." sabi naman ni Lily, kaya naman napatango na lamang ako.

"Sayang nga at hindi babae e." reklamo naman ni Skull, "Gago ka talaga." natatawang sabi ko at napailing. Buti naman at parehas lang yung ugaling pinapakita nila.

Hindi sila nahihiya at parang matagal na kaming magkakakilala at matagal na kaming nagkita. Mabuti naman at walang awkward dito sa amin, ang saya ko kasi nakilala ko sila.

Bigla naman lumapit sa amin yung lalaki, na parang bartender, wala naman alak kasi, I mean meron kakaonti lang pero puro juice at iba't-ibang flavor ng kape.

"My name is Flame, I am your subordinate. Please to meet you Masters." sabi ng lalaki sa gilid namin at gulat kaming napatingin sa kaniya. Subordinate???????

Tama ba pagkakarinig namin? Subordinate namin siya? Paano nangyari 'yon? May subordinate kami?????

"What do you mean?" tanong ni Fiery, kumain lang ako kasi nagugutom ako, saan nga ba nagpunta si Eon at Demon? Magkasama ba talaga sila? Babae ba talaga si Demon?

BladesmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon