Chapter 10: The Moderators and Admins

23 0 0
                                    

Noble's POV

Nagsinungaling ako sa kanila, hindi talaga iyon yung rason kung bakit sinama ko si Demon, kahit ako hindi ko rin alam kung bakit. Tsk, may mga halimaw na nga na kinakalaban namin, dumagdag pa yung mga pumapatay. Malamang Moderators or Admins 'yon, sila lang naman pwedeng mag-teleport. Kami pala, kahit pa buhay si Shadow, ginawa na nila akong Moderator.

Sinabi ko lang 'yon para hindi na sila magtanong pa, alam kong naguguluhan na rin sila sa mga nangyayari, at alam ko na may hinala rin sila na baka isang Admin or Moderator ang gumawa no'n.

Tumingin ako kay Demon, prenteng nakaupo lang sa sofa, andito na kami sa HQ, nasa conference room kami, hinihintay na lang namin ang ibang Admins at Moderators, napatingin ako sa kaniya, familiar siya, pati yung mga galaw niya, hindi ako pwedeng magkamali, siya kaya 'yon? Si Demon ba pati siya ay iisa?

"I'm gonna punch you in the face if you keep staring at me like that." malamig na sabi ni Demon sa akin, umiwas naman ako ng tingin agad, "P-Pasensiya na, may naalala lang kasi ako sa'yo." paliwanag ko, hindi na siya sumagot pa at umiwas ng tingin.

Ilang minuto pa ang lumipas may nagteleport sa loob ng room, si Knight at si Zeus, "Hi Noble, hi Demon." sabi ni Knight, pagkatingin niya kay Demon ay nag-bow siya, hindi naman alam kung bakit kailangan namin mag-bow kay Demon, pero may sinabi siya sa amin.

"I respect Demon, so you should respect her as well." hindi kaya? Admin si Demon? Kung Admin siya bakit ang baba ng rank niya at wala siyang position? Napaka-misteryoso niya, pero familiar mga galawan niya. "Hey Demon *bow* how's your day?" tanong ni Zeus sa kaniya, "Hello Knight, Zeus and pls stop with the bow thing." sabi ni Demon at halata sa mukha niya yung inis.

"Sorry, ayon kasi sabi niya Demon, Admin siya, at kung mataas position niya tapos nirerespeto ka niya, dapat lang talaga na igalang ka namin." sabi ko naman sa kaniya, "I'm not even a fcking Moderator or Admin, why am I even here?" inis na sabi ni Demon, ramdam ko yung madilim na aura niya, gano'n din siguro sila Knight at Zeus.

"Chill Demon." sabi ni Knight, nakakatakot pala magalit ito si Demon, "Cute magalit." sabi naman ni Zeus, hindi na ako magugulat pa, niligawan ni Zeus si Demon. Kaso na-busted eh kaya ayan, "Where are they?" naiinip na tanong niya, kala mo siya yung Admin eh—wait oo nga ano, what if isa siyang Admin at nagsisinungaling lang siya na hindi?

"It's getting boring here, I'm not even a Moderator or Admin. Why am I here?" Tanong ni Demon at halatang galit na siya, wala naman kaming masagot kasi kahit kami hindi rin namin alam yung isasagot. "Because that's my order." sabi ng isang lalaki sa may gilid namin kaya naman kaming apat ay napatingin sa kaniya.

"Aries." bigkas ko na lamang, andito siya? Hindi na ako magtatakha kung andito siya, napatingin ako sa ibabaw ng ulo niya. May nakalagay na number 2, oo hindi kayo namamalikmata, si Aries ang pangalawa sa ranking. "Aries, himala at sumulpot ka." Sabi ni Zeus, nakakaramdam ako ng matinding tensyon.

"Oo naman pre, ako pa ba?" sabi ni Aries at ngumisi siya, napatingin ako kay Demon, ano kaya nasa isip neto? "Demon!" biglang sigaw ni Aries at niyakap si Demon, kita ko naman ang inis sa mukha ni Zeus, parang magkakaroon ata ng labanan ah. "Gusto talaga kita makita Demon, and I know that you know something." sabi ni Aries at humiwalay na kay Demon, kita ko pa rin ang nakakamatay na titig ni Zeus kay Aries, at parang wala lang ito sa kaniya.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Demon sa kaniya, "Kasi iba ka, I followed you, at nakita ko mga galaw mo, at alam mo rin naman na may sumusunod sa'yo." paliwanag ni Aries, biglang umupo si Zeus, umupo na lang din kami sa may conference table, "Hi Demon, nice to meet you." sabi naman ni Akame, tumingin lang sa kaniya si Demon sabay ngiti, tapos umupo na rin sila.

BladesmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon