Chapter 8: Meet the Dark Soul

19 0 0
                                    

"And there you have it! The Dark Souls!! And our MVP Knight!" sigaw nung Moderator na babae at naghiyawan naman yung mga tao, grabe ang lalakas nila! Napatayo naman si Noble, "Magkita na lang tayo mamaya Demon." Tumango lamang si Demon bilang sagot. Umalis na si Noble, hindi kaya isa siyang Moderator?

Ano kayang meron mamaya? Umiling ako, wala naman siguro. "Grabe! Ang lalakas nila, baog na baog yung kalaban." Sabi Skull, oo nga, sobrang lakas nila, hindi lang sa laro, kundi pati na rin sa totoong buhay.

Paano? Bakit ang lakas nila? Nag-training ba sila? "Rage, samahan mo ako mamaya may pupuntahan tayo." Sabi ni Demon sa akin, kaya napatingin ako sa kaniya, nakatingin siya sa akin.  "O-Oo, sige." sagot ko na lamang.

"Our MVP! Knight, can you give us a speech?" Sabi nung babae doon kay Knight, nasa stage sila ngayon. "Whatever happens, be aware, be strong, do not trust everyone and kill the traitor." Tumahimik naman ang lahat sa sinabi niya, kahit mismo ang Moderator ay hindi nagsalita, pero makalipas ang ilang minuto.

"Thank you for your wonderful advice Knight." Sabi ng babae na para bang walang narinig sa sinabi ni Knight, bumaba na sa stage yung Knight. "Hindi ba si Noble 'yon?" tanong ni Fiery at may tinuro pa, kaya naman sinundan namin yung tinuro niya. Oo nga si Noble, kausap niya yung Zeus, ibig sabihin, kilala niya si Zeus?

Napatingin sila sa pwesto namin, kay Demon? Kaya napatingin ako kay Demon na. Nakatingin lang sa stage, wala siyang pake sa nangyayari. "Baby Dem? Kilala mo ba sila Zeus?" tanong ni Fiery, napatingin sa kaniya si Demon at ngumiti sabay tango. "Magkaibigan ba kayo?" tanong ni Skull, "Parang gano'n na nga." sagot naman ni Demon.

Nakita na namin sila Noble at Zeus na naglakad palabas, bakit kaya sila napatingin sa pwesto namin? Hindi pala sa amin, kay Demon. Napatingin ako kay Demon, sino ka ba talaga?

Lumipas ang ilang oras ay napansin ko na marami nga ang malalakas dito, paano sila nagiging malakas? Totoo bang malalakas sila? O nag-training lang sila?

"Grabe! Ang gagaling nila." Sabi ni Vile, "Sinabi mo pa HAHAHA!" sabi naman ni Skull at tumawa sila ni Vile, "Mga baliw." nasabi na lang ni Fiery, "Sus, kaya 'yan ni Demon." sabi ni Eon kaya napatingin siya kay Demon, napatingin kami. Tsk, puro Demon, Demon.

"Malalakas kayo." Sabi ni Demon ulit sa amin at ngumiti, umiwas naman ako bigla. Bakit ba hindi ako mapakali? "AAAA bakit kasi babae ka Demon? Oh sige papatol na ako sa babae." sabi ni Fiery, "Single ka Demon?" tanong ni Vile, binatukan naman siya ni Fiery, at nagbangayan na yung dalawa. Single ampota

"Ang ganda mo Ate Demon kapag nangiti." sabi ni Lily, tumango lamang si Demon, "Ikaw rin Lily." sabi niya kay Lily, hindi ko pa kilala ng lubusan si Demon, pero alam ko, may tinatago siya sa amin, hindi ko lang masabi kung ano 'yon.

"That's all for today! Thank you all for supporting everyone!" sabi ng Moderator na babae at biglang namatay na lahat ng monitor, nagsitayuan na ang mga tao, at pati kami ay tumayo na pwera kay Demon. "Demon hindi ka pa ba aalis?" tanong ko sa kaniya, umiling siya, "I'm just waiting for someone." sabi niya, sino na naman 'yan???

BladesmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon