Lorelei's POV
Napalunok ako ng laway habang tinitignan ang poster sa carnival. Napakaingay dito sa carnival. Maraming mga tao lalong lalo na dahil sabado ngayon at walang klase.
WELCOME TO HORRORLAND: Where Nightmares come to life!
SHAKE.......RATTLE........and ENJOY!!!
Hindi ko alam na Welcome to Horrorland ang meaning ng "WTH" sa code. Siguro nakapunta na si Loki dito. Or kung hindi ako nagkakamali, nagpunta na silang dalawa ni Rhea dito.
"Loki dear, papasok ba talaga tayo dito?", tanong ni Jamie habang nagclicling sa braso ni Loki.
"Carnival ba talaga to o isang malaking horror house?", tanong ko habang tinitignan ang mga weird na designs sa paligid.
"Both", sabi ni Loki dahilan kung bakit napayakap na si Jamie sa kanya. Hindi ko alam kung natatakot ba talaga siya o umandar naman ang pagiging "clingy" mode niya.
"Let's go, this is going to be fun hehe", sabi ni Stein at nauna na sa paglalakad.
"Wait", sabi ni Loki. "Stein, Alistair, I hate to admit but I'm really afraid of clowns"
"So?", sabi ni Alistair at tinaas ang kanyang kanang kilay.
"Whenever the Clown strikes back, please take care of Jamie..........and Lorelei", sabi ni Loki at tumingin sa akin. His stare, like him, it's mysterious.
"As long as I'm by her side, no one must dare to hurt Lorelei", sabi ni Alistair at nagsmile sa akin. Ang childhood friend ko. Ilang beses na siyang nasangkot sa mga delikadong sitwasyon tulad noong tinulungan niya ako laban sa mga lalakeng nagtangkang abusuhin ako.
"Okay okay, let's go?", sabi ni Stein.
Excited ba talaga si Stein na madakip ang killer clown o excited na sumakay sa rides?
Umikot ikot kami. Napakaraming rides na pagpipilian. Kahit ang mga rides ay may mga paintings ng mga monsters. Maraming mga mascot ng zombie, vampire, werewolf, at iba pang mga nakakatakot na nilalang ang umiikot-ikot dito. Horror-themed nga ang carnival na ito.
Raaaaaaawwwwrrr!!!!
Mahigpit na niyakap ni Jamie si Loki ng tinakot siya ng isa sa nakamascot na halimaw.
"Waaaaaahhhh Loki dear"
"Stop overreacting Jamie, those are just mascots", sabi ni Loki at inalis ang mga kamay ni Jamie sa pagkakayakap sa kanya. Nagpout nalang si Jamie sa ginawa ni Loki.
Hihihihihihihiihiii!!!!!
Nanlaki ang mga mata ni Loki ng may tatlong naka costume ng clown ang nag smile sa harap namin. Hindi na siya nagdalawang isip at tumakbo palayo.
"Loki wait!", sabi ni Jamie at sinundan si Loki. Sumunod na rin kaming tatlo nina Stein at Alistair.
Nadatnan namin sina Loki at Jamie sa isang round table sa gilid ng nagbebenta ng shake. Nakaupo lang si Loki at nakatulala. Umupo na rin kami malapit sa kanila.
"Stop overreacting Loki dear, those are just mascots", sabi ni Jamie at nagwink sa amin. Pinipigilan namin nina Stein at Alistair na tumawa.
"What if, one of those clowns is the killer clown?", tanong ni Alistair.
"I doubt it, the voice of the killer clown is still stuck in my mind", sabi ni Loki at bumalik na ang walang emosyon niyang mukha.
"Enough for the killer clown thing, my Loki dear is not comfortable, I'll buy our snacks, my treat", sabi ni Jamie at umorder ng aming makakain.
BINABASA MO ANG
Project Loki: Mystery Mayhem
ФанфикNew School, New Enemies, New Mysteries... Clark University is known for it's unexplainable mysteries. Numerous sightings/disappearances have been reported all over the campus. The University needs them... The Club that students trust The Club that s...