Lorelei's POV
6:00 na ng gabi. Dahil wala naman akong assignment sa school, napag-isipan kong maglaro ng cellphone sa sala. Nakita ko si Loki na nakaupo sa couch. Nakaharang ang mukha niya sa libro. Teka, parang bago ang libro na binabasa niya. Tiningnan ko ang title, Angels and Demons. Kahit na mala supernatural ang title, alam kung may kinalaman pa rin ito sa mystery. Hindi ba siya nasasawa sa pagbasa ng mga Mystery Books?
"Good eve", sabi ko sa kanya
"Good eve, Miss tea"
Wait. What?! Nakalimutan iya naman ba ang pangalan ko o sinasadya niya lang para inisin ako? Mas gusto ko pang tawagin niya akong Moriarty kesa Miss Tea eh. Ano nga ba ang bagay na nickname para kay Loki?
"Don't ever call me Miss Tea, Mr. Branch"
"Where in the world did you came out calling me with that name?", sinabi ni Loki at huminto sa pagbabasa. Nakuha ko ang atensyon ni Loki. Effective pala ang Mr. Branch sa kanya.
"And where in the universe did you find the name Miss Tea?", tanong ko kay Loki.
"Go check your fb account"
Natulala ako saglit sa sinabi niya. Kilalang kilala ko si Loki. Alam kong hindi siya nagbibiro. . Ano naman ang kinalaman ng fb ko? Inopen ko ang fb account ko. Nagulat ako ng makitang may 99+ notifications at 99+ unread messages sa notif ko.
O_O
Nakatag sa akin ang isang video na may caption na "Miss Tea and The Poor Nerd". Ang mas ikinagulat ko ang makitang meron na itong 5000+ na likes at 1000+ shares. Ang alam ko 6 hours ago lang nangyari to ah. Ganun na ba katindi ang ginawa ko kay Stein kanina?
-FLASHBACK-
"Looking for me Lorelei"
Nakakainis talaga ang mga ngiti niya. Kung may baril lang ako. Malamang pinaulan ko na ng bala ang hinayupak nato. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Naramdaman kong pinagtitinginan na kami ng mga estudiyante dito sa canteen.
"Oh, Hi Mister Secret Admirer", sabi ko sa kanya sabay ngiti. It was a fake smile, of course.
"I'm a little ashamed but I really like you Lori dear", sabi ni Stein.
Napanganga sina Jamie at Alistair sa sinabi ni Stein samantalang nanatili pa rin ang blank face ni Loki. Ano kaya ang masamang elemento ang sumapi kay Stein? Parang gusto kong gawin ang ginawa ni Loki sa kanya dati. Ting! a brilliant idea came to my mind. Kinuha ko ang binili kong iced tea sabay smile sa kanya.
"Oh dear Lorelei, thanks for lending me a drink, I'm really thirs-"
SPLASH!
Napayuko si Stein sa ginawa ko. Nanginginig na siya sa lamig ng Iced tea. Mula sa pagiging happy-go-lucky, naging seryoso bigla ang mukha ni Stein.
"Lorelei, what the-"
ZZZZZZZT!
Napahiga si Stein habang naginginig sa sahig. Napaka effective pala ng stun pen + iced tea combo. Lightning+Water! Nagulat ako sa biglaang pagdami ng mga audience. Kung tutuusin kulang pa nga ang ginawa ko sa kanya dahil sa ginawa niya sa amin noon sa Clark High.
-END OF FLASHBACK-
Di ako makapaniwala. Ilang oras lang naging famous na ako. Kung alam lang talaga nila ang tungkol kay Stein, malamang tinulungan pa nila akong bugbugin si Stein kesa sa pag upload ng video. Sinearch ko ang ng nagtag ng video sa akin. Kung iaayon ko sa kanyang profile pic, pwede na siyang maging model o miss universe sa ganda niya. Nagulat ako sa pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Project Loki: Mystery Mayhem
FanfictionNew School, New Enemies, New Mysteries... Clark University is known for it's unexplainable mysteries. Numerous sightings/disappearances have been reported all over the campus. The University needs them... The Club that students trust The Club that s...