Chapter 2: Apologize

50 5 0
                                    

Kylie's POV

"Uyy hala ka bro bagsak oh!"

"Tss... Bakit kasi nag pumilit ka pang mag-soccer?"

"Wengya! Sinisisi mo ba ako?"

"Ano sa tingin mo?"

"Pst! Hoy! Tama na nga yan! Ang ingay nyo eh!"

"Hoy! Ikaw ang maingay jan Anne."

Argh! Kanina ko pa yan naririnig. Natutulog ako dito tapos ang ingay ingay nila. Nangbubwuisit ba sila?!

Agad kong iminulat ang mata ko at nagulat nalang ako nang sumigaw ang dalawang bruha.

"KYLIE!!!" sigaw nung dalawa tsaka ako niyakap.

"Argh! Bitaw!" bulyaw ko sakanila kaya napabitaw sila habang naka peace sign.

"Anong nangyari?" tanong ko kaya napa-ubo yung dalawang nasa may pinto.

Nasa clinic pala ako ng school. Kaya pala nakakahilo yung amoy at puro puti yung nakikita ko.

"Ahhh yun? Hahaha! Ehhh kasi ano, ano nga ba yu---"

"Just explain it Sam!" inis na sigaw ko kaya napasinghap si Anne.

"Ok... Ganito kasi yan Lie. Natamaan ka ng bola nun." sabay nguso ni Anne dun sa lalake. Literal na nanlaki talaga ang mata ko sa nakita ko.

Siya ba talaga ang nakikita ko?! Yung guy na nakatama sakin ng bola ay yung....

"Ehem..." tumingin ako kay Sam na naka nigsi kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Napairap nalang ako at nagmamadaling umalis sa kama. Kahit masakit parin ang ulo ko titiisin ko.

"Kylie wait lang. San ka pupunta?" tanong ni Sam pero nag-shrug lang ako. I don't have an idea pero papasok nalang ako sa second subject.

"Kylie? anak siya ng may-ari ng MLU?" tanong nung isang lalake na katabi nung nakatama ng bola sakin.

"Oo kaya lagut kayo jan!" sigaw ni Anne na parang bata. As always naman.

"Wengya! Wala akong kasalanan." dagdag pa nung lalake kaya napa cross arms nalang ako.

"Wala? Eh bat nandito ka?" mataray na tanong ko kaya nakita ko siyang nagpanguros bigla. Psh! Sira-ulo.

"Ok Sorry..." napataas nalang ang kilay ko nang magsalita yung naka tama daw sakin nung bola.

"Whatever." sabi ko sabay irap at umalis na sa clinic.

Naglakad na ulit ako sa hallway nang tumunog ang phone ko. Ugh! Sino naman kaya tong texter na toh?

Pagtingin ko sa phone ko ay may text message na galing nanaman sa unknown number. Lagi naman kasi ako nakaka recieve ng texts galing sa kung saan-saan. Like random peoples or what.

09*********

Good morning Kylie... Sana magkaklase tayo.

Yuck! Over my beautiful body! Ayokong maging kaklase ang mga texter na toh. Kinda randoms huh?

Pagka-delete ko ng text message na yun ay ilalagay o na sana sa loob ng bag ko ang phone ko nang tumunog ito.

*Unknown Calling...*

Shocks! Eto nanaman siya! Di niya ba talaga ako titigilan?! Nakakairita! Sarap parayin!

Napairap nalang ako at padabog na tumalikod pero wrong move dahil bigla akong may naka bangga.

Book 1: Because of HimWhere stories live. Discover now