Kylie's POV:"Excuse me? Walang daanan dito. Doon oh! May pinto dun ka dumaan." sabi ko tsaka nag patuloy kumain.
"Ang sabi ko dito kami naka pwesto kaya lumayas ka dito!" bulyaw niya saakin kaya agad akong tumayo.
"Pwesto mo? Nakita mong may kumakain diba? Wala ka bang manners? May iba pang lugar noh? Gamitin mo nga yang mata mo!" sigaw ko sakanya at nakita ko nalang na kinuha niya yung tubig ko at itatapon na sana saakin pero agad ko yun natabig at kung minamalas nga naman talaga ako. Natapon parin yung tubig pero sa palda ko.
"Aish! Aalis ka ba o hindi?" inis na tanong niya.
Nginisian ko lang siya at kinuha ang plato ng pagkain na kinakain ko kanina. Pinigilan pa nga ako ni Sam pero di ko siya pinansin.
Agad kong itinapon sa ulo niya yung pagkain ko. Nakita ko naman kung pano siya nagulat sa ginawa ko kaya natawa nalang ako. Nakakatawa din kasi itsura niya.
"Masarap ba? Don't worry, libre lang yan." sabi ko tsaka nagmamadaling umalis.
Pumunta ako sa garden ng school kung saan may mga cemented tables at chairs na pwedeng tambayan.
Umupo ako dun habang pinupunasan ng panyo ko yung palda ko. Medyo malamig na rin kasi.
Bwisit talaga yung babaeng yun eh! Nakakainis! Sarap hampasin! Napaka pakelamera naman kasi talaga ng babae na yun eh. Pwede namang humanap nalang siya ng ibang table. Ang luwag luwag ng cafeteria para mapili niya pa yung table namin noh?
Halata namang naghahanap talaga ng gulo. Hayss. Wag nya kong subukan! Pag ako talaga na bwisit sakanya.
"Ayos ka lang?" nagulat ako sa nagsalita kaya napalingon ako sa unahan ko.
Ganito ba ako ka-busy mag ounas at di ko napansing nandito tong lalakeng toh?
"Yeah. I'm ok." sabi ko tsaka ulit nagpatuloy sa pagpunas.
"Oh." tumingin ako sa inabot nya saakin at tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Tss..." ibinato niya saakin yung plastic kaya tinignan ko nalang kung ano yung nasa loob.
"Palda?" tanong ko habang nakatingin dun sa palda na binigay nya.
"Aanhin ko toh?" tanong ko kaya napailing nalang siya.
"Subukan mong kainin." seryosong sabi niya kaya sinamaan ko agad siya ng tingin.
"Ugh! San naman toh galing?" tanong ko ulit kaya napansin kong napailing nanaman siya.
"Di mo ba isusuot?" inis na tanong niya kaya tumayo na ako.
"Ano ka ba! Sabi ko nga isusuot ko diba?" sabi ko sabay irap at nagmamadaling tumakbo sa cr.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa cubicle ay ipinalit ko na agad yung palda na bigay niya. Basa kasi talaga yung palda ko at kung di ko pa palitan ay lalamigin na ako. Aircon pa naman mga classroom dito.
"Ugh! In fareness ang iksi pa din." sarcastic na sabi ko habang inaayos yung palda na bigay niya.
Kung bakit kasi sobrang iksi ng palda dito? Tapos long sleeves ang blouse. Tapos ang haba ng medyas. Ginawa kaming anime character eh.
Paglabas na paglabas ko ng cubicle ay nagayos lang ako ng kaunti at lumabas na rin ako ng cr.
Paglabas na paglabas ko ng cr ay nagulat nalang ako sa bumungad saakin.
"Ate naman!" sigaw ko dahil tawa siya ng tawa nung makita nya ako.
"Bwisit kasi yang mukha mo! Nagulat ka talaga ha?" sabi niya sabay hatak sakin pa labas.
"Nabalitaan ko yung nangyari. Bakit napaaway ka ata?" tanong niya pero inirapan ko lang siya.
"Ugh! Pakelamera kasi yung Rina na yun." sabi ko kay ate kaya bigla niya nalang akong hinampas.
"Yung Sirenang mukhang shokoy?" sabi ni ate pero nag-shrug lang ako. Tawag niya kasi yun kay Rina. Si-rina daw kasi pero mukhang shokoy. Parang tanga talaga si ate.
"Tss. Ang galing mo kanina ah! Nakipag-spill it up huh?" natatawang sabi ni ate kaya napailing nalang ako.
"Nga pala. Nasabihan ka na ba ni Samantha tungkol sa practice natin?" tanong niya kaya napairap ulit ako.
"Yeah... Yung sa cheering." bored na sabi ko tsaka nag cross arms.
"Why? Ayaw mo na ba mag cheer leader? Ikaw pa naman pinalit kong main leader ng group natin." bigla akong napalingon kay ate with my shock expression kaya natawa nanaman siya.
"Bwisit ka ate! Pinagloloko mo nanaman ba ako?" iritang tanong ko pero hinila lang ni ate yung buhok ko.
"Ano ka ba sis! Seryoso toh noh." sabi ni ate habang nakaturo sa sarili niya.
"Ugh. Okey." boring na sabi ko tsaka ako nagsignal na mauuna na ako.
"Bye sis! Inform ko nalang kung tuloy ang practice ha!" sigaw niya kaya tumango lang ako at pumunta na sa third class ko.
Pagdating ko sa classroom ay as usuall... Yung dating maingay at kung ano-ano ang ginagawa, ngayon ay nagsitahimik.
Naglakad nalang papunta sa uouan ko at uupo na sana ako nang mapalingon ako sa likod kung saan nandun yung apat.
"What?" iritang tanong ko dahil kung makangiti kala mo may masamang balak na sayo. Sarap hambalusin ng mga toh eh.
"Ayos ka kanina ah!" sabi nung Darren ba yun? Aish! Basta yun.
"Kaya nga nakipag spill it up ah." natatawang sabi nung Vince. Bakit pare-pareho sila ng sinasabi? Una si ate, sunod siya? Uso ba yung ganung salita?
"Psh! Hayaan nyu nga yan." sabi netong... Errr. Windel? Siya yung nakabangga ko na di marunong mag-sorry. Pero I think mas appropriate sakanya ang Ivan. Para short cut narin noh! Hirap sabihin ng pangalan niya. Kaartehan!
"Hala kayo galit na yan hula ko." dagdag pa netong Kevin na toh. JK nalang tatawag ko dahil isa din tong lalakeng toh na dalawa ang pangalan.
"Whatever..." bulong ko sabay irap at umupo na. Mga nonsense lang naman ang pinagsasabi.
Pagkaupo ko ay napatingin ako sa bag ko. Binuksan ko yun at kinuha ko ang binder ko kung san nakasipit sa cover nito ang ID ni... Ryle.
Yun yung nakuha kong ID nung nag enroll kami nila Sam at Anne.
Pagkakuha na pagkakuha ko nun ay nilabas ko yung ID sa cover nung binder ko at pinagmasdan ko lang yun.
"Di ka na gwapo! Nakakainis ka na! Ang sakit kaya nung bola na tumama sa ulo ko." bulong ko sa sarili ko habang nakatingin ng masama dun sa ID niya.
"Ehem..." naisarado ko nalang ang kamay ko nang may tumikhim sa likod ko.
Napaharap nalang ako bigla at tumaas ang kilay ko dahil lahat sila ay mga nakatayo habang nakatingin sa tinitignan ko kanina.
Ghad! Nakita ba nila yun?!
YOU ARE READING
Book 1: Because of Him
Teen Fiction"A badgirl once but a goodgirl now~ . . . Because of Him..."