Chapter 8: Danger

24 5 0
                                    

Kylie's POV

Pagkapasok namin sa mall ay nagtatalo parin kami kung saan ang una naming pupuntahan.

Flashback:

"Psh... Kaya pala bagsak ka sa surprise quiz kanina sa math." natatawang sabi ni Ryle kaya napalingon ako sakanya habang gulat na gulat.

"Siya ang nag check ng mga quizes natin kanina Kylie." napalingon naman ako kay Ivan ng sabihin niya yun.

"Hahaha! Ayus ka Kylie ha!" natatawang sabi ni Darren kaya binato siya ni Aira ng panyo.

"Ipakain ko kaya sainyo ang mga math problems! Mga bwisit!" sigaw ko sakanila kaya natahimik sila.

"Ok guys tama na yan. San nyo gusto nalang pumunta una?" -Sam

"Ako gutom na ako kaya kain muna tayo." -Anne

"Lagi ka namang gutom Anne." -Aira

"Bahala kayo jan. Sabit lang naman kami dito para may sasakyan kayo diba?" -Darren

"Sa bookstore nalang ako/I'll go to bookstore." shocks! Magkasabay pa kami ni Ryle ng sinabi.

"Uh... Hehe sasama ako kay Kylie." -Aira

"Ako rin sasama ako." -Ivan

"Bahala kayo! food trip kami. Diba guys?" -Anne

"Basta ba libre?" -Vince

"Libre mo sarili mo!" -Sam

Aish! Ang gulo... -_-

End of Flashback...

"Ok ganito nalang..." pagsisimula ni Aira.

"Kami nila Windel, Kylie at Ryle ay sa bookstore ang punta. Kayo Dianne at Sam ay sa food court. Sila Aike, Vince at Kevin naman ay sa.... Saan nga kayo?"

"Worl of Fun..." sabay sabay na sabi nila Darren tsaka nag-apiran. Psh! Parang mga bata.

"Ok so sa WOF kayo... Mag te-text nalang ako kung saan na tayo magkikita kita ha?" sabi ni Aira kaya napatango nalang ang lahat.

"Tara na." aya ko kaya sabay kaming naglakad ni Aira habang nakasunod ang dalawa sa likod.

Pumasok na kami sa NBS kaya naghiwa-hiwalay na muna kami. Naghahanap kasi ako ng Album para sa pictures namin sa bahay.

Maghahanap narin ako ng mga pang-drawing or what dahil mahilig ako sa calligraphy art at drawings.

Kumuha ako ng basket at inilagay dun ang paint brush, paint, color pencil, pencil, pentouch, color markers, glitered pen, bond paper... Kumuha na din ako ng tatlong sign pen dahio mas okay sakin ang ganung ballpen kesa sa iba.

Kumuha din ako ng case---lalagyan netong art materials ko. Naubusan na kasi ako ng matarials sa bahay dahil matagal na rin naman yun. Pag boting kasi ako, drawing lang ginagawa ko.

"Para san yan?" nabitawan ko ang compass na hawak ko dahil sa bwisit na Ivan na toh. Nangbibigla kasi eh.

"Pfft! Oh." sabay abot niya nung compass kaya kinuba ko yun ng padabog at inilagay sa basket.

"Para san ba yan?" tanong niya ulit pero inirapan ko siya at pumnta sa mga albums. Yung lalagyan ng pictures.

"Mahilig ka ba sa drawings?" tanong niya ulit kaya tinignan ko siya habang nakataas ang kilay.

"Bakit ba?!" inis na tanong ko dahil sobrang kulit lang niya. As in!

"Highblood naman toh masyado." iiling-iling na sabi niya kaya padabog akong umalis dun.

Pupunta muna akong book shelves. Buti pa nga doon na lang muna. Titingin muna ako ng mga libro.

Nahahip ko naman ng tingin si Ryle na tinitignan yung libro na... What the efffff?!

Lumapit ako sa tabi niya para makita ko kung siya nga yung libro na binabasa nung pervert kong kaklase nung third year.

"Shocks! Wag mong sabihin nagbabasa ka nyan?" nagtataka kong tanong sakanya pero nag-shrug lang siya habang naka ngisi.

"Geez! Kinikilabutan na ako." seryosong sabi ko kaya natawa siya.

"Nabasa mo na ba toh at ganyan ka nalang maka-react?" tanong niya kaya napalingon ako sakanya habang magkasalubong ang kilay.

"What the? 50 shades?! No way..." iiling-iling na sabi ko kaya binalik niya na yung libro at tinignan ako ng naka-ngsi.

"Masamang magsinungaling... Halata nga na nabasa mo na." pagkasabi niya nun ay iniwan niya na ako habang ako ay gulat na gulat na nakatingin sa libro na binalik niya sa shelves. Errr. Nagsisinungaling ba ako?

Napa-shrug nalang ako at nakita ko si Aira dun sa mga highlighters. Psh! Sayang ang isang toh sa ink ng highlighter.

Dahan-dahan akong lumapit at nakita ko nga kung anong sinusulat niya. A❤V pala ha!

"Huli ka!" sigaw ko kaya bigla niyang nabitawan yung highlighter.

"Aish! Kylie! Kala ko kung sino!" bulyaw niya saakin habang nakahawak sa dibdib niya.

"Aira yung A tapos Vince yung V diba? Yieee~" para akong loka-loka dito dahil niyuyugyug ko pa si Aira.

"Hay naku Kylie. Tara na nga bayaran na natin yang pinamili mo." aya niya sakin tsaka pumunta ng counter kung saan andun na yung dalawa habang nakapila.

"Ryle! Pasabay na ito oh. Kay Kylie toh." sabi ni Aira sabay bigay nung basket kay Ryle. Kung nakita niya lang yung mukha ni Ryle na nakakunot na ang noo.

"Don't worry ako magbabayad niyan." sabi ko kay Ryle pero bigla namang umakbay si Ivan kay Ryle kaya nalipat ang tingin ko dito.

"Ako nakang magbabayad Kylie." nakangiti na sabi ni Ivan pero inirapan ko lang siya at humarap kay Aira.

"Pagkatapos netoh. Pupunta tayong DQ. Nag c-crave nanaman ako ng ic cream." sabi ko kay Aira kaya nag thumbs up lang siya.

Nag ring naman ang phone ko kaya sumenyas muma ako kay Aira na lalabas muna ako para sagutin itong phone call.

Teka?! Unregistered number? Sino naman kaya toh? Agad ko naman yun sinagot pero di muna ako nagsalita.

[Hello Mendez! Buti sinagot mo.]

"What the h3ll?! Who are you?!"

[Nah... Secret. Gusto ko lang sabihin na lagi kitang nakikita kaya mag-ingat ka.]

"What the f+<k?!"

*Toot... Toot... Toot...*

Argh! Muntik ko pang maibato ang phone ko sa sobrang inis. Pag tripan daw ba ako?

Papasok na sana ako ulit ng NBS nang may mag text sa phone ko kaya tinignan ko muna yun

From: 09*********

Kung gusto mo ako makita. Nasa females comfort room ako. See 'ya!

Bwisit ah! Mapuntahan nga tong loka-loka na toh. May sira ata ang ulo. Gusto ata magpa-tour guide dito sa mall.

Tumingin-tingin muna ako sa paligid at wala naman akong napasin na kakaiba kaya pumunta sa ako ng restroom.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay tinignan ko pa lahat ng cubicle pero wala namang tao. Ang wierd nga kasi wala ni-isang tao ang pumapasok manlang.

Napa-shrug nalang ako at lumabas ng restroom pero di ko naman inasahan na may maglalagay ng panyo sa ilong ko.

And the nect thing I knew.... It all went black.

~Author's Note:

Ano kayang nangyari kay Kylie? Omygudness! Abangan naten yan guys ha! Ang gusto ko lang sabihin ay... I want to thank all of my readerzzz! Yeah eng eng alert! Salamat dahil sa pagbabasa nyu! Yun lang and Alabyu all❤❤❤

Book 1: Because of HimWhere stories live. Discover now