Chapter 12: Meet Him

59 7 6
                                    

Kylie's POV

"LIEEEEEE!"

Napahawak nalang ako bigla sa magkabilang tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ng dalawang bruhang toh.

"Lieeeeeee! Omyghad! Anjan ka lang pala! Akala namin kung san ka na pumunta eh! Bakit ka nga pala nandito?! Pinapatawag ka sa office ni Miss Romero." hingal na hingal na sabi ni Anne.

"Ok." tipid na sabi ko tsaka naunang maglakad. Nakasunod lang naman kasi sakin ang mga bruha.

Hmmm... Bakit kaya ako pinatawag ni Ma'am? Dahil di ba ako nag-attend ng class niya? Pfft!

Nang makarating kami sa office ni Miss Romero ay sinipa ko nalang yung pinto. Nakakatamad kasi.

"What the?!" natinig kong sabi ni ma'am. Pfft! Nakakatawa yung mukha niya. Mukhang nagulat.

"What's your problem Ms. Mendez?" inis na tanong niya sakin pero nag-shrug lang ako at naupo sa upuan na katapat niya.

"Pinatawag mo daw ako?" tanong ko kay Miss. Romero. Nakakataas kasi siya sa mga teachers dito. Pero wala akong pakealam. Teacher din namin yan sa math.

"Unfortunately... Yes. Pinatawag kita dahi---"

"Time's running..." bored na sabi ko. Nakaainis naman kasi tong babaeng toh! Pwede namang sabihin niya na diba?!

Nakita ko namang napabuntong hininga nalang siya at napailing. Pfft!

"Spill it..." seryosong sabi ko kaya nagsalita ulit siya.

"Alam mo na naman ata yung grades mo sa math? Yung quiz? Yung written works?" tanong niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Pinagsasabi netoh?

"Sa tingin mo ba alam ko?" inis na tanong ko sakanya.

"Bagsak ka Ms. Mendez. Kaya kinakaylangan ka namin ipa-tutor kay Mr. Bautista." nanlaki nalang ang mata ki sa sinabi niya. What the?!

"Pfft! What are you saying?" natatawang sabi ko kaya may nilabas siyang sobre. Nabasa ko naman yung pangalan ko sa gilid.

"That's your grades." pagkasabi na pagkasabi niya nun ay tinignan ko lang yung at padabog na ibinalik sa mesa.

"Ohh tapos?" sarcastic na tanong ko kaya napailing nalang ulit siya.

"Tanungin mo nalang si Mr. Bautista. You may leave." iiling-iling na sabi ni Ms. Romero.

Tumayo na ako at nagmamadaling umalis. Nakita ko naman ang dalawang bruha sa labas na naghaharutan. Tsk. Parang mga bata.

"Psh insane..." bulong ko kaya natigil naman sila.

"Punta na kaming next sebject..." paalam ni Sam kaya tumango lang ako at dire-diretso sa room.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay nagtinginan agad saakin ang lahat. Psh...

"Your late..." seryosong sabi ng teacher namin ngayon.

"I know." tipid na sabi ko tsaka padabog na inilagay ang bag sa upuan ko.

"Di ka pumasok kanina?" napalingon ako sa likod ko at tama nga ako. Si JK.

"Isn't obvious?" inis na sabi ko tsaka inirapan sila. Wala ako sa mood.

Habang nilalaro ko ang ballpen ko ay napatingin ako sa magkabilang side ko. Ang iingay kasi eh. Yung nasa left ko kausap si Ivan. Yung sa right ko naman kausap si.... Ryle?! Psh. Ang layo ha.

Nakakainis naman tong teacher na toh! Ang bagal magturo. Ka-boring tuloy...

Napapahikab nalang ako habang nakatingin sa binder ko. Kinuha ko nalang ang earphones ko sa bulsa ko at ipinasak sa tenga. Walang kwenta kasi. Dada ng dada, nakaka-antok naman.

"Ehem..." napatingin ako sa tumikhim at napataas nalang ang kilay ko nang makita ko si Ivan sa kaliwa ko. Bwisit na lalake toh! Ano ginagawa niya dito?!

"Oh? Bat ganyan ka makatingin?" nagtatakhang tanong niya kaya inirapan ko siya. Hula ko manggungulo nanaman toh.

"Ummm... Dito na ako uupo." di ko lang pinansin ang sinasabi niya. Bahala siya jan. Walang kwenta naman yang pibagsasabi niya.

Pumipikit-pikit na ako dahil sa kaboringan pero napamulat nalang ako bigla nang mahulog yung ballpen netong katabi ko sa kanan.

Bwisit! Nagulat ako dun ah! Mukhang sinandya eh. Sarap sipain.

Napalingon naman ako dun at nanlaki ang mata ko nang makita si Ryle na pinaglalaruan yung ballpen niya. Sinasabi ko na nga ba! Isa pa tong lokong toh! Manggugulo din toh.

"Class dismissed..." napatayo nalang ako bigla nang marinig ko ang teacher namin. Yes! Thank you dahil nag-didmiss narin sa wakas. Nababagot na ako dito eh.

"Mag ready ka na mamaya." napalingon ako sa nagsalita at tama nga ako dahil si Ryle ang narinig ko.

Pero ano daw? Mag ready? Para san? Pinagloloko nanaman ata ako netoh!

Magsasalita pa sana ako nang umalis na sila. Psh... Mga loko-loko!

Lumabas na ako ng room dahil nagugutom na ako. Ugh! Lunch na pala? Di ko napansin yun ah.

"Lie! Tara na!" shemay! Maka-sigaw naman tong si Anne wagas!

"Ang lapit ko nalang sayo sisigaw ka pa jan." masungit na sabi ko kaya natawa siya.

Pumunta na kami ng cafeteria at as usual si Sam ang inutusan kong mag order. Nakaupo na kami sa usual place namin dito.

Habang hinihintay si Sam ay napapatingin ako sa paligid. Mga nakatingin kasi sakin. Parang ano eh...

"Sheez! Tumingin siya sakin bes!"

"Wag kang assuming! Sakin tumingin oh!"

"Geez! Pinapansin niya na tayo."

"Nah... Di kayo niyan papansinin. Matigas yan."

Napataas nalang ang kilay ko sa nagsalita. Maka-sabat kasi akala mo kung sino. Nag uusap ba nan yung dalawang babae tapos bigla siyang sasabat.

"Omyghad Lie... Si Kendrew yan! Kapatid daw yan ni Kevin." kinikilig na sabi ni Anne. Ohh ano naman kung kapatid siya ni JK? Pake ko?

"Kaklase namin yan ni Sam Lie!" kilig na kilig parin tong Anne na toh. Psh... Gwapo naman kasi. Pero not my type...

"Lie... Nakatingin sayo." bulong ni Anne na nasa harap ko.

Napalingon naman ako dun sa kabilang table at ta nga nakatingin nga siya sakin. Oh ano tinitingin-tingin niya jan?

"Any problem?" tanong ko dun sa Kendrew na yun.

"Yes..." nakangiting sabi niya kaya biglang kumunot ang noo ko.

"Tsk. Tara na nga Anne." aya ko kay Anne at tumayo na sa pagkakaupo.

"Ang ganda mo kasi masyado..." napatigil ako saglit at inis na nakatingin sakanya.

"I know..." nakangising sabi ko tsaka nagmamadaling pumunta kay Sam na kukunin na sana yung pagkain namin sa counter pero hinila ko na yung uniform niya kaya ang tendency nakaladkad ko siya....

Bwisit kasi na lalakeng yun! Nakakawala ng gana. Alam ko naman yun. Kelangan sabihin niya pa?

Paglabas namin ng cafeteria ay napatigil agad ako sa paglalakad nang mapandin ko sila Ryle at Darren na tumatakbo papunta dito.

At ang walang hiya! May mga babae sa likod na naka sunod? Ano toh?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Book 1: Because of HimWhere stories live. Discover now