Chapter 6: He's Sister

21 5 0
                                    

Kylie's POV

"Ate una na ako!" paalam ko kay ate sabay labas ng bahay.

Pagkalabas ko ng bahay ay nakaabang na agad yung mga bg's at guards ko kaya napairap nalang ako.

Wala daw kaming last subject dahil may practice kami ng cheering mamaya.

Pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse ay nag-open muna ako sa facebook. Nakaka bored din naman kasi.

.
.

Pagkapasok namin sa loob ng University ay bumaba agad ako at as usuall nanjan nanaman ang mga bg's ko.

"Lie!!" napalingon ako sa tumawag saakin at tama nga ako na si Sam yung nakita ko.

"Kylie totoo ba na uuwi si Mira?" excited na tanong ni Anne kaya tumango lang ako.

"Tumawag sakin si Mira kanina lang bago ako makapasok sa gate. Ang sabi niya alam mo na daw." sabi ni Sam kaya tumango lang ako.

"Yeah... I know that. Tumawag din siya sakin kahapon and she said na uuwi siya but soon..." paliwanag ko tsaka kami naglakad papunta sa room.

"Uyy nakuha mo na ba uniform mo?" tanong ni Anne kaya naplingon ako sakanya na takang-taka.

"Anong uniform?" tanong ko kaya bigla akong hinampas ni Sam.

"Yung uniform natin sa cheering!" bulyaw niya saakin kaya napairap nalang ako. Yun lang naman pala.

Pagkarating ko sa room ay nakaupo na lahat at ako nalang ang wala. What's new? Parang ang tahimik naman nila. Wala pa naman teacher.

"Bye Lie..." sabi ni Sam kaya tumango lang ako at pumasok na sa loob.

Pagkaupo ko ay napalingon ako kay Ryle na nagbabasa nanaman. Tss. Puro basa nalang ba toh?

Ilang minuto din ay dumating na ang teacher at kung minamalas ka nga naman ay nagpa-surprise quiz pa.

Pagkatapos ng quiz ay pinasa ko na agad at paglabas ko ng pinto ay nakita ko si Ryle na may kausap sa phone.

"Oh? Ano nanaman nangyari sayo?"

"Ha?! Putek! Wala akong alam jan. Wait. Wala akong close na babae dito."

What the? Ano bang pinagsasabi netong lalakeng toh? At sino kayang kausao netoh.

"Wait lang. Haha! Jan ka lang hanggang mamaya. Joke lang sige na. Ok, Bye.."

Pagkatapos niyang ibaba yung tawag niya ay tumuloy lang ako sa paglalakad pero di ko naman inexpect na tatawagin niya ako.

"Kylie." bored akong lumingon sa likod at napataas nalang ang kilay ko dahil cool na cool pa siyang nakasandal sa pader.

"Oh?" tanong ko habang naka cross arms pa.

Nagulat nalang ako nang lumapit siya tsaka ako hinila. Nakakabwisit din toh eh! Walang pasabi?

Huminto kami sa infirmary room at agad naman siyang pumasok sa loob.

"Ano mga kailangan pag meron?" tanong niya kaya nanlaki nalang ang mata ko sa tanong niya.

"Huh?" nagtatakang tanong ko. Para makasigurado naman noh? Malay ko ba dito kung lalake talaga toh. Pfft!

"Sabi ko ano ang mga kelangan pag meron. Alam mo naman ata yun diba?" tanong niya ulit kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Agad kong binuksan ang cabinet at kinuha ko agad ang hot compress at kung ano ano pang gamot na kailangan. Inilagay ko agad siya sa paper bag at nagulat nalang ako nang agawin yun saakin ni Ryle.

Sino kaya ang tutulungan netoh ni Ryle? Girlfriend niya kaya? Hala? Di ba marunong mag-asikaso yung girlfriend niya pag meron? Tss. Baka si Rina? Yun lang naman ang nag a-assume na merong sila. XD

"Tara na." aya niya sabay hila nanaman sa braso ko at nagmamadaling tumakbo. Bwisit na lalake toh! Bakit ba nagmamadali tong masyado?!

"Hoy! Ano ba?! Sandali!" sigaw ko dahil patuloy lang siya sa pagkaladkad saakin.

Nang tumigil na kami sa pagtakbo ay napahawak nalang ako sa magkabilang tuhod ko habang habol-habol ang hininga.

"Bwisit ka! Di ka manlang nagsabi na tatakbo ka pala! Bat mo pa ako sinama?!" sigaw ko sakanya at nagulat nalang ako dahil nasa tapat na kami ng female restroom.

"Wait. Anong ginagawa natin dito?" tanong ko pero nag-shrug lang siya at pumunta sa likod ko sabay tulak saakin papasok sa loob ng cr.

"Tulungan mo yung nanjan sa loob." natatawang sabi niya tsaka nag thumbs up pa. Sira-ulo pala tong lalakeng toh eh. FYI lang di ako friendly.

"Hoy! Ano ba? Anong gagawin ko dito?" tanong ko ulit nang makapasok na ako. Binato naman niya saakin yung paper bag tsaka sinara ang pinto.

"Ugh! Bwisit kang lalake ka! Humanda ka sakin mamaya!" sigaw ko tsaka tumingin sa paligid. Wala namang ibang tao. Baka nasa loob ng cubicle? Ugh!

"Ummm.. Excuse me? May tao ba jan?" tanong ko pero may narinig akong parang humihikbi.

Lahat ng cubicle ay tinignan ko muna kung may tao pero wala. Agad ko namang kinatok ang isang cubicle sa pinaka dulo.

"Excuse me... May tao ba dito?" tanong ko tsaka ko namang narinig na may humikbi nanaman.

Nagulat nalang ako nang bumukas ang pinto ng cubicle at dun ko nakita ang nakasilip na babae.

"Ok ka lang ba? Baka matulungan kita?" tanong ko kaya binuksan niya unti-unti ang pinto. Agad kong binuksan ang bag ko at may kinuhang wipes at napkin. Kinuha ko narin yung palda na binigay sakin nun ni Ryle. Baka kasi natagusan siya kaya naisip ko na kakaylanganin niya rin netoh.

Inilagay ko naman sa paper bag yung mga kinuha ko sa bag ko at agad na inabot dun sa babae. In fareness ang cute at ang ganda nung girl. Medyo hawig pa ni Ryle. Teka?! Kaano-ano ba toh ni Ryle? Mukha kasing bata pa.

Pumunta muna ako sa salamin para mag-ayos. Kinuha ko muna yung pouch ko na may lamang pulbo.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas narin yung babae tsaka ako nginitian.

"Thank you ate ha. Kung di ka dumating baka dito na ako matutulog." natatawang sabi niya at kung titignan siya. Parang first year highschool palang siya.

"Omyghad! Diba ikaw si ate Ky---" di niya naituloy ang sinasabi niya dahil biglang nag ring ang phone niya.

"Hello kuya?"

"Ugh! Oo may tumulong sakin dito. At ang swerte ko kuya ha! Si ate Kylie pa ang tumulong sakin!"

"Ok. Bye kuya Ryle... I hate you too."

Wait what?! Kuya niya si Ryle

Book 1: Because of HimWhere stories live. Discover now