Chapter 3: You Again?

29 3 0
                                    

Kylie's POV

Nakakainis! Hindi kami magkaklase nila Sam at Anne. Silang dalawa ang magkaklase tapos ako naiwan. Wow naman!

Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng classroom ko ay nakabukas lang ito kaya...

Sinipa ko ang pinto at pagbukas na pagbukas palang ng pinto ay nanlaki nalang ang mata ko dahil nakita ko nanaman siya.

"You again?" inis na tanong ko pero nag-shrug lang siya kaya napatingin ako sa nakapulupot na kamay ni... Err siya nanaman? Si Rina. Nakapulupot ang kamay niya sa braso ni... Basta siya yung nakatama ng bola saakin.

Si Rina ay kilala ko na dahil sa kakalase ko yan nung first year highschool ako hanggang ngayong fourth year.

Isa din kaming cheer leaders nila Sam at Anne at sa kasamaang palad ay ka grupo din namin yang Rina na yan.

"Tss. Ang aga-aga ang pangit ng view." sabi ko sabay irap.

"Oh my God?! Kylie?" gulat na tanong niya at akmang lalapit sana siya saakin nang umatras ako.

"Not so fast..." sabi ko habang naka cross arms.

"Ito naman oh! Na miss lang kita." sabi niya at halata namang di totoo yun dahil plastik naman yang babaeng yan.

"Tss. Stop joking around. Padaanin nyu nalang ako." sabi ko sabay bangga sakanya.

Lumingon ako at may nakita naman akong mga bakante pang upuan.

Umupo na ako sa may gitna at as usuall wala sakin namamansin. Natatakot ata? Ewan.

Nakita ko nalang na padabog na umupo si Rina sa may kabilang side ng row.

Nagsiupuan na din ang mga barkada niya sa likod ko pero si Ryle ay tumabi lang kay Rina dahil sa pangungulit nung babaeng yun.

"Spell pathetic..." bulong ko at mukhang narinig naman nung apat sa likod ko dahil mga nagpipigil ng tawa.

Nung dumating na yung teacher ay tumayo lahat ng mga kaklase ko para batiin si Sir. pero ako ay nakaupo lang habang nilalaro yung ballpen.

"Excuse me Ms. Mendez. I said Good Morning."

"Then what is good in this morning if I can see ugly peoples?" sabi ko tsaka nginitian yung teacher namin na napailing nalang.

"Ok class take your seats."

"Kunin nyu na daw yung mga upuan nyu." natatawang sabi ko.

"Excuse me Ms.Mendez this is not time for joking."

"Am I joking?" tanong ko habang nakangisi. Napabuntong hininga nalang si sir kaya natawa nalang ako.

"Ok... Before we start I want you all to introduce yourself. Who wants to go first?" tanong niya kaya tumayo na ako.

"Kylie Nicole Mendez." tipid na sabi ko tsaka naupo.

"Ok class she's the daughter of the owner of MLU. She is the Queen of Bad girl here so quit messing around with her." sabi ni sir kaya napairap nalang ako. Pagchismisan daw ba ako. Harap-harapan pa?

Pagkatapos kong magpakilala ay may tumayo sa likod ko kaya napalingon ako dun.

"Darren Aike Monteflor, ang Mr. Baby face ng MLU." sabi niya sabay lingon sakin at kumindat. Ewww!

"John Kevin Delos Reyes... Mr. Playboy ng MLU." natatawang sabi niya tsaka tumingin sakin at kumindat. Really? Lahat nalang? Kadiri!

"Vince Paulo Lim, Mr. Loyal boy ng MLU." natatawa rin na sabi niya tsaka lumingon saakin at tumango. Medyo wierd na sila.

"Windel Ivan Cruz, ang Mr. Cute guy ng MLU." sabi niya tsaka ako nginitian.

Tilian naman ang naririnig ko kaya napairap nalang ako. Ang sakit naman sa tenga ng mga yili ng mga toh.

Tsaka parang baliw lang? May pa-describe, describe pa sa sarili... Psh!

Bumalik nalang ako sa pagsusulat ng kung ano-ano pero natigilan ako nang magsalita na siya.

"Tristan Ryle Bautista." tipid na pakilala niya kaya napalingon ako sa kabilang row na nasa kanan ko.

Paglingon ko ay nakita kong nakatingin din siya saakin pero agad din niyang iniwas yung tingin niya. Nakakainis. Lagi nalang ba siyang seryoso?

.
.
.
.

Mabilis din natapos ang second subject namin at break time na namin kaya agad akong tumayo para lumabas na ng classroom.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom ay pumunta na ako sa room nila Sam para sabay-sabay na kaming pumunta sa cafeteria.

"Pst! Lie!" napalingon ako sa kaliwa ko at napataas nalang ang kilay ko dahil andun silang dalawa. Naka-upo sa bench.

"Oh? Bakit andito kayo? Papunta na sana ako sa classroom niyo." sabi ko kaya naman nagsitayuan na sila at parehong umakbay sakin.

"Kaklase mo pala si Ryle?" bulong sakin ni Sam kaya lumayo muna ako sakanila at tinignan si Sam ng nakataas ang kilay.

"Ugh! Puro ka Ryle. Tara na nga." aya ko sakanilang dalawa.

Pumasok na kami sa cafeteria at as always... Nakatingin nanaman saakin ang mga estudyante na puro bulungan nalang magdamag.

Pagkarating namin sa table ay si Anne na ang pina-order ko dahil gusto ko ng matinong kausap.

"Ummm.. Kylie." tawag sakin ni Sam kaya napalingon ako sakanya.

"What now?" tanong ko dahil parang di siya mapakali sa kinauupuan niya ngayon.

Napatingin nalang ako sa likod at tama nga ako. Andun yung mga barkada ni Ryle. Kaya pala naprapraning na tong kasama ko.

"Ang swerte mo noh? Kaklase mo ang mga campus crush ng MLU." sabi niya habang naka puot. Eww!

"Shocks! I didn't expect na may kamukha ka palang kaibigan ni micky mouse." natatawang sabi ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Sino?" tanong niya kaya natawa ako ulit.

"Yung duck? Kilala mo yun?" sabi ko kaya napasimangot siya.

"Di ko din inexpect na updated ka sa micky mouse chuchu." sabi niya habang tatawa-tawa kaya inirapan ko siya.

"Nanunuod si ate nun eh." pagkasabi ko nun ay humalakhak siya bigla kaya binato ko siya ng tissue na nakuha ko dito sa table.

"Wahaha! Wag kang mangdadamay ng inosente Lie." natatawa parin na sabi ni Sam kaya sinimangutan ko lang siya.

"Anong nangyayari?" tanong ni Anne habang may bitbit na tray ng pagkain.

"Psh. Buti dumating ka na? Kala ko kinain mo na toh dun eh." natatawang sabi ko kaya hinampas niya ako bigla.

"Hahaha sobra ka." sabi niya habang kumakagat na ng sandwich.

"Nga pala. May meeting tayong mga cheering squad diba?" tanong ni Sam kaya nabilaukan ako bigla sa pag kain.

"Cheering? As in ngayong first day ng class may meeting ng cheering agad agad?" tanong ko at nakita ko na tumango si Sam.

"Excuse me... Samin tong pwesto." napalingon ako sa nagsalita at napataas nalang ang kilay ko nang makitang si Rina yun kasama ang mga alipores nyang mga clown.

Kung minamalas ka nga naman.

Book 1: Because of HimWhere stories live. Discover now