Chapter 5: Soon

24 5 0
                                    

Kylie's POV

"Ano ba ginagawa niyo!" bulyaw ko sakanila kaya napaupo nalang sila sa mga upuan nila.

"Mga bwisit!" dagdag ko pa tsaka ako umayos ng upo at nanlaki nalang ang mata ko nang makita si ate sa unahan.

"Ate?" tanong ko pero ngumisi lang siya.

"What's happening there?" tanong niya kaya naibato ko nalang sakanya yung ballpen ko.

"Ikaw. Bakit ka nandito?" tanong ko pero nag-shrug lang siya. Psh! May pagkabaliw talaga toh.

"All cheer leaders may meeting ngayon kaya... Follow me." sabi ni ate sabay kindat saakin.

Ugh! Di nga tuloy ang practice pero may meeting...-_-

Nang makatayo ako ay tinignan ko lang ng masama yung apat tsaka napalingon kay Ryle na nagbabasa lang ng libro.

Ugh! Akala mo ba ikakagwapo mo yang pagbabasa mo ha! Aish! Kung ano-ano nalang pinagsasabi ng utak ko!

Agad akong dumiretso kay ate na nakangisi. "Ugh! Ate naman... Kayo nalang mag meeting ngayon." sabi ko habang nakabusangot.

"Ano ka ba sis! Mabilis lang toh. May practice din kasi ang basketball team ngayon. Kahit magpakita ka manlang." sabi ni ate kaya napalingon ako sakanya.

"Basketball team? Nino?" bulong ko kay ate. Nakita ko naman na nag-shrug lang siya kaya napairap nalang ako.

Pumunta na kami ng gymnasium dahil dun daw gaganapin ang meeting.

"Ok! Hello guys!" sigaw ni ate Meg. Choreographer namin yan, na nililigawan ni kuya. Wahaha!

"Hi ate Meg." bati netong dalawang bruhang nasa tabi ko.

"Hello 3z's. Musta na?" ugh! Yan yung tawag saamin dito. 3z's daw kasi Mendez, Lopez, Jimenez. Gets?! XD

"Ahhh... Ako? Ewan ko ba kung ok lang ako." nakapout na sabi ni Sam.

"Tss. Nagdra-drama nanaman." bulong ko kaya natawa si ate Meg.

"Excuse me lang girls ha. Excuse me ate Meg. May I borrow Kylie?" napalingon ako sa likod at napataas naman ang kilay ko nang makita si Rina kasam nung mga clown niya.

"Anong meron? Meeting lang naman diba? May kids party ba at nagpanggap kayong clown?" asar ko sa mga alipores ni Rina na sobrang kapal ng mga make-up.

Nakita ko naman na nagpaalam na sila Sam na aalis na kaya kami nakang ang natira dito sa may pinto ng gymnasium.

"Ano nanaman ba?" tanong ko pero hinatak lang ni Rina ang buhok ko.

"What the f+k?! Anong problema mo?!" inis na tanong ko tsaka ko inilayo ang kamay nya sa buhok ko.

"Anong problema ko? Eh malandi ka palang babae ka eh!" sigaw niya kaya natawa nalang ako. Ako? Malandi? Duh!

"Narinig ko kila Vince na may picture ka daw ng boyfriend ko!" sigaw niya ulit saakin pero nag cross arms lang ako para pakinggan pa ang mga walang kwentang sasabihin niya.

"Napaka-landi mo talagang babae ka! Wag mo pa sana akong hintayin na idikit tong mga toh sa bulletin board!" sigaw niya sabay taas ng isang picture. Napangisi nalang ako nang makita na yun yung picture na tinitignan ko yung 1x1 picture ni Ryle.

"Oh ano?! Natakot ka noh? Haha! Ang landi mo naman kasi!" sigaw pa niya na tinawanan ko lang.

"Omyghad! Di ka ba nainformed na sayo nauso ang salitang malandi?" natatawang sabi ko at nakita ko na sasapakin na sana ako ni Rina nang may humatak saakin paatras.

"Aray ano ba?!" bulyaw ko sa humatak sakin at pagtalikod ko ay napataas ang kilay ko dahil nakita ko siya.

"Tama na yan Rina." mahinahon na sabi niya kaya napairap nalang ako.

"Babe di mo ba nakikita na inaaway ako nyang maladi na yan!" sigaw niya na parang batang nagsusumbong sa tatay.

"Mauna na ako. Nangangamoy LQ eh." bulong ko at dire-diretsong naglakad hanggang sa mahagip ko ng tingin yung apat.

"Ok ka lang ba Kylie?" tanong ni JK pero di ko lang siya pinansin.

"Malala talaga ang tama nung babaeng yun." natatawang sabi ni Darren kaya napailing nalang ako.

Lumabas na ako ng gymnasium at umupo muna sa bench. Nanlaki naman ang mata ko nang may maalala ako.

Kinapa ko agad ang bulsa ng palda ko para hanapin yung 1x1 picture nya pero di ko yun makita.

Haluh! Patay san ko ba yun nilagay kanina? Ang alam ko bago pa yun makita nila Darren ay nilagay ko na yun agad sa bulsa ko. Aish! Ewan! Nakalimutan ko na eh!

"Excuse me... Sayo toh diba?" tumingala ako para makita ko kung sino ang nagsalita at.... Err. Yung nakabangga ko na isa din palang barkada ni Ryle.

"Oh?" wala akong ibang masabi nang iabot niya saakin yun picture.

"Dmn! Akin na nga yan!" bulyaw ko sakanya sabay kuha nung picture na pinakita sakin ni Rina. Bwisit na Ivan toh! Nang-aasar nanaman.

"Tss. Binibigay ko lang. Sabi ni Ryle sayo daw yan eh." natatawang sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Mamatay ka na!" sigaw ko kaya lalo pa siyang tumawa.

"Nakita ko pala kanina na kinakausap mo yung picture ni Ry---Sh8t!" napairap nalang ako at tumayo sa pagkakauo sa bench pagkatapos kong apakan yung paa niya.

"Di mo ba alam na hinahanap niya yung picture na yun nung enrollment?" sabi niya sabay punta sa harapan kk kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Bahala ka! Napulot ko lang naman yun." bored na sabi ko sabay lakad ulit.

Napahinto naman ako sa paglalakad nang tumunog ang phone ko. Agad ko yun sinagot kahit alam kong unknown number nanaman.

"Who the f+k are you?"

Pagkasabi ko nun ay bigla nalang natawa itong lalakeng ito na nakatingin lang saakin.

[Ouch! Naalala mo pa ba ako Lie?]

Nanlaki nalang ang mata ko nang magsalita siya. Omyghad! Di ako pwedeng magkamali na siya tong kausap ko.

"Mira?! Omyghad! Miracle?"

[Correct! Very good Kylie! Hahaha how are you?]

"Ghad I'm Ok... Sorry pala sa sinabi ko."

[Psh. Wala ka parin pinagbago.]

"I think... Pero bakit ka nga pala napatawag?"

[Hmmm... Let me informed you that.... Soon, I'll be there. Uuwi na ako jan. Pero di ngayon. Basta soon.]

"What the?! Really? Ok hihintayin ka namin dito ok?"

[Okie... I'll gonna go na bye!]

"Bye..."

Agad kong binaba ang tawag at tinaasan lang ng kilay ang lalakeng kanina pa nakikinig sa pinag-uusapan namin.

Bakit kaya uuwi si Miracle?

Book 1: Because of HimWhere stories live. Discover now