Chapter 11: Goodnight

27 5 1
                                    


Anne's POV

Nasiko tuloy ako ni Sam Dahil sa sobrang kadaldalan ko. Aish! Sarap murahin eh! Ang sakit nung pagkasiko niya sakin!

"Si Samantha?" -Darren

"Hala kanino?" -Kevin

"Ha-Ha-Ha!!! Huli..." -Vince

"Aish! Anjan na tayo Windel!" sigaw ni Sam tsaka nagmamadaling binuksan ang pinto ng sasakyan kahit na di pa humihinto si Windel. Buti nga nakapreno agad. Jusko! Magpapakamatay ata tong babaeng toh!

"Uyy Sam wait!" sigaw ko dahil dirediretso lang siya papunta sa gate. Ugh! Pasalamat siya kilala na kami dito kundi epic yang walk out niya!

Lumabas na kami ng van at nagulat nalang ako nang buhatin ni Ryle si Kylie. Ugh! Pwede namang gisingin diba?

"Uso gising kyah..." sabi ni Aira kaya bigla akong natawa.

"Parang di mo naman kilala si Kylie. Ayaw niyang ginigising pag masarap tulog niya." natatawang sabi ko.

"Ganun ba? Edi keep up the good work Ryle! Magaan naman yan eh. Di yan kumakain." natatawang sabi ni Aira kaya napahalakhak ako bigla.

At bago pa mangalay si Ryle dito ay agad kaming pumunta sa gate. Nag doorbell naman ako at nagulat nalang ako nang bumukas yung silipan sa gilid.

"Mam Dianne?" tanong nung nakasilip na guard. Nakakatawa nga itsura niya eh.

"Opo ako po ito." sabinko habang nakangiti kaya agad naman niya binuksan ang gate.

"Magandang gabi po sainyo---Sandali?! Anong nangyari kay Young Lady?" tanong nung guard habang nakatingin kay Kylie.

"Ahhh ehhh... Kami na po bahala sakanya kuya guard." sabi ko sabay bow at nagmamadaling inalalayan si Kylie papasok.

"Takte! Ang laki naman ng mansion na toh! Ngalay na si Ryle oh." natatawang sabi ni Darren kaya napailing nalang ako.

"Mam Dianne? Ano pong ginaga--- Jusko! Ano pong nangyari kay Young Lady?" nag-aalalang tanong ng isang maid na kakalapit lang saamin.

"Pwede po bang dalhin muna natin si Kylie sa kwarto niya?" sabi ko dun sa maid kaya naapatango nalang siya at inalalayan kaming pumunta sa loob.

"Ohh ghad! Anyare jan sa sissy ko?" tanong ni ate Krys nang makalapit saamin.

"Oh? Hi Guys! Welcome to the Mendez's residence..." masayang bati ni ate Krys kaya napailing nalang ako. Kanina nag-hehesterical ngayon sobrang saya na. Ghad!

"Hi ate! Ummm... Excuse me!" tawag ko dun sa isang maid na dumaan. "Pa-assist naman po siya sa kwarto ni Kylie. Salamat." sabi ko tsaka siya nag bow at naunang maglakad.

"Young Lady tawang kay Kylie dito?" tanong ni Aira sa tabi ko. First time niya kasi dito.

"Yup. Astig noh?" bulong ko sakanya kaya napatango lang siya.

"Si Samantha pala nandun sa dinning area kumakain na." sabi ni atr Krys kaya ngumiti lang ako at pumunta na kaming dinning area.

"Dito na muna kayo kumain kasi gabi na rin. Di rin kayo makakaligtas sa pagkwento kung ano ang nangyari sabi ni ate Krys nang maupo siya sa upuan.

Ohhh ghaddd.... Lagot!

****

Ryle's POV

Sinundan ko lang itong maid nila hanggang sa makarating kami ng kwarto 'daw' ni Kylie. Ito naman kasing babae na toh, di pa magising-gising.

"Dito na po sir ang kwarto ni Young Lady." sabi nung maid kaya tumango lang ako at binuksan na ang kwarto.

O_o?? Tama ba talaga ang kwarto na tinuro ng maid na yun? Parang kwarto naman kasi ng bata toh. Hello kitty huh?

"Excuse me sir, dadalhin ko nalabg po yung pagkain dito ni Young Lady." sabi nung maid na nakasilip sa pinto. Tumango lang ako kaya sinara niya na ulit ang pinto.

Napailing nalang ako habang ihuniga na si Kylie sa kama niya. Pfft! Nakakatawa talaga ang kwarto niya. Pang bata talaga. Naaalala ko tuloy kapatid ko.

Kinumutan ko naman siya at inilagay na ang bag niya sa may couch. Nakakapagod naman buhatin tong babaeng toh. Kala ko ba magaan lang toh? Payat nga mabigat naman.

Napapikit nalang ako habang nakaupo sa couch niya. Nakakapagod naman kasi siya buhatin. Daldalan pa kasi ng daldalan yung mga yun kanina.

Bwisit din na mga Dragons yun. Di talaga sila titigil hanggang sa di nila ako mapatay. Hanapin kk na dapat yung queen nila para matapos na toh. Marami nang nadadamay.

****

Kylie's POV

"Ummm..." nag-unat unat ako kahit na nakapikit pa ako. Ang sarap ng tulog ko. Pero ang sakit parin ng katawan ko. Para akong lalagnatin. Jusko! Bwisit na araw toh!

Napamulat nalang ako bigla nang maalala yung nangyari kanina.

"What the f+<k?!" napasapo nalang ako sa noo nang makita si Ryle dito sa kwarto ko. Ano ba ginagawa niya dito?!

"Hoy! Gising!" sigaw ko pero di parin siya nagigising. Ahh ganon?

Kinuha ko yung unan ko tsaka binato sakanya. Bwisit kang lalake ka! Bakit andito ka sa kwarto ko?!

"Sh8t! Ano?!" sigaw niya din nang mahulog yung salamin niya. Hahaha nakakatawa tuloy mukha niya. Nag salamin pa kasi eh. Paarte ang isang toh.

"Ano ba kasi ginagawa mo dito?! Labas!" bulyaw ko sakanaya kaya dali-dali naman siya tumayo at kinuha yung unan na nasa sahig.

"Psh. Dinala ka na nga dito." nakasimangot na sabi niya kaya natawa nalang ako. Bakit ang cute niya pag nakasimangot?

"Sinabi ko ba kasing dalhin mo ko dito?" natatawang sabi ko dahil nakakatawa ang pagmumukha niya ngayon.

"Psh. Anong tinatawa-tawa mo jan?" tanong niya nang ilagay niya sa likod ko yung unan.

"Wala labas na." sabi ko habang nakaturo sa may pinto.

"Sungit..." bulong niya pero narinig ko naman. Sarap batukan netoh eh!

"Sabi ko labas diba?" seryosong sabi ko kaya napailing nalang siya.

"Geh... Magpahinga ka nalang." seryosong sabi niya. Napairao nalang ako nang lumapit na siya sa pinto. Ang pagong naman netong lalakeng toh!

"Bilis!" sigaw ko kaya napatawa nalang siya ng mahina.

Pagkabukas niya ng pinto ay lumabas narin siya at bago niya sira ang pinto ay tumango lang siya saakin.

"Magpahinga ha! Baka kung san ka nanaman pumunta." sabi niya bago isara ang pinto.

Napairap nalang ako at hihiga na sana ulit nang bumukas ang pinto kaya napabalikwas ako at napaayos ng upo. Bwiset! Di marunong kumatok!

"Goodnight..." huling sabi niya bago niya isara ulit ang pinto.

*Dug! Dug! Dug! Dug!*

The f?!

Book 1: Because of HimWhere stories live. Discover now