Chapter 10: Bagay

24 5 0
                                    

Kylie's POV

Inaalalayan na ako nila Vince at ni Darren kahit na kanina pa ako nagpupumiglas sa hawak nila. Gosh! Kaya ko naman noh?

"Nanjan sa loob yung mga kaibigan mo. Ayos ka na ba talaga?" tanong sakin ni Vince.

"Oo ayos na ako kaya pwede ba bitawan niyo na ako? Kaya ko naman." inis na sabi ko kaya napabitaw sila saakin. Pumaok na ako sa loob ng sasakyan pero nagulat nalang ako nang salubungin ako ng yakap nila Aira.

"Omyghad! Okay ka lang ba girl? Ano ba kasing nangyari sayo? Nasaktan ka ba nila?! Ano resbakan na ba natin?!" napasapo nalang ako sa noo dahil sa sobrang sakit sa tenga ang naabot ko dahil sa Anne na toh. Makasigaw wagas eh..

"Medyo nahihilo lang ako kaya magpapahinga muna ako." bored na sabi ko kaya binigyan ako ni Sam ng maliit na unan.

Napalingon naman ako bigla sa labas kung saan nagbabantay sila Vince at Darren. Nagsitakbuhan kasi bigla sa loob. Ano kayang nangyari? Gosh! Kelangan kong bumalik. Baka khng ano na nangyari sakanila. Kahit bad girl nan ako may konsensya parin toh noh?

"Kylie san ka pupunta?" tanong sakin ni Aira pero di ko siya sinagot dahil lumabas na ako ng sasakyan.

Di pa man ako nakaka-ilang hakbang ay nakaramdam ako ng pagkahilo kaya napa-upo nalang ako sa sahig.

Nakita ko namang lumabas sila Ryle at Ivan at nagmamadaling tumakbo papunta sa pwesto ko. Ugh! Pero huli na dahil nawalan nalang ako ng malay.

****

Anne's POV

Kanina pa kami dito sa ospital. Binabantayan kasi namin si Kylie. Bwisit kasi an babae ito! Bigla nalang aalis tapos di naman kaya ang sarili.

"Anne inuubos mo yung sandwich na gawa ko kay Lie eh!" bulyaw sakin ni Sam kaya natauhan ako bigla.

"Huh? Inuubos ko ba? Tatlo palang naman nakakain ko. Nakakagutom kaya." sabinko habang ngumunguya pa.

"Pfft!" agad akong napalingon sa nasa may pinto na pinipigilan ang tawa. Sarap batuhin netong Darren na toh eh. Ibang iba sa kambal niya si Aira.

"Aira kambal mo ba talaga yang si Darren?" bulong ko kay Aira na nasa tabi ko habang busy sa phone.

"Pfft! Bakit mukha bang hindi?" natatawang tanong niya kaya napahagikhik nalang tuloy ako.

"Oo eh... Ikaw kasi matino tapos siya mukhang may sayad." natatawang sabi ni Sam kaya nagtawanan kaming tatlo dito habang yung lima dun sa couch ay napatingin saamin habang nakakunot ang noo.

"Hahaha. Hindi lang yan Samy! Si Aira kasu maganda tapos siya panget." natatawang bulong ko kaya tumawa nanaman kami.

"Where am I?" napalingon kaming lahat kay Kylie dahil nakahawak siya sa ulo niya.

"Kylieee!!! Sabay na sigaw namin ni Sam tsaka siya niyakap.

"Aish! Bitaw!" nagmamadali naman kaming kumalas dahil sa sigaw niya. Nakakatakot. >____<

"Hehehe sorry na. Nag-alala naman kasi kami sayo! Bwisit ka din eh!" natatawang sabi ni Sam. Baliw din ang isang toh eh. Sabihan daw si Kylie ng bwisit?

Nakita ko namang napasapo nalang si Kylie at tumingin sa paligid. Ayan na. Ayaw niya talaga sa hospital or clinics.

"Argh! Ayoko dito! Ilabas niyo nga ako!" sigaw niya kaya dali-dali ko nang inabot yung bag niya at nagmamadali namin siyang inalalayan.

Nagsilapit din saamin sila Ryle para alalayan din si Kylie. Pfft! Prinsesa eh.

"Uuwi na ako." pagkasabi na pagkasabi nuj ni Kylie ay nagkatinginan nalang kaming lahat. Hay naku Lie!

"Kami na maghahatid sayo." sabi ko tsaka pumunta na ng parking lot ng ospital.

"San pala bahay niyan ni Kylie?" tanong ni Windel na nagdadrive ngayon. In fairness lang ha! Bagay....

"Dun sa Mendez Village. Sakanila yun. Basta sa pinaka-dulo yung mansion nila." sabi ni Sam kaya tumango-tango lang si Windel.

"Ayos! Mansion pala toh ah!" sigaw ni Darren kaya napailing nalang ako.

"Shut up Aike!" saway nubg kambal niya. Minsan nga nagtataka ako kung bakit magkambal toh? Oo magkamukha sila pero.... Aish! Gwapo naman kasi talaga si Darren. Pero.... Nakakainis kasi siya. Basta yun! Ang gulo diba? >___<

"Yun ba yung exclusive village ng mga Mendez?" tanong ni Kevin kaya napalingon ako sa likod. Andun kasi sila. Remember? Naka van kami noh?

"Oo kaya tumahimik ka na jan!" bulyaw ko sakanya kaya napakamot nalang siya ng ulo. Nakakainit din ng dugo tong isang toh eh. Pero gwapo... Pfft! Noh daw?

Habang nasa byahe kami ay tumunog ang phone ko kaya napatingin naman ako dun.

From: Ate Krysylabs

Hello Anne! May tatanong lang sana ako. Alam mo ba kung asan si Kylie? Kasama mo ba siya? Tinakasan nanaman daw kasi niya yung mga body guards niya.

"Jusko! Sinasabi ko na nga ba eh!" napahawak nalang ako sa bibig ko dahil sa nasigaw ko. Para akong tanga pramis!

"Naaano ka Anne?" tanong ni Sam na nasa tabi ko.

"Umm.. Nag text kasi si Ate Krystal. Hinahanap kung asan si sister niya." sabi ko kay Sam kaya napa--->O_O nalang si Sam. Pfft? Nakakatawa mukha niya.

"You mean... Yung ate ni Kylie?" napalingon naman ako kay Ryle dahil sa simabi niya. Di ko naman inasahan na makikita ko si Kylie na nakasanday sa balikat niya. Kanina pa yan tulog kaya walang imik. Awww.. Ang cute nila. Actually bagay sila. Why not diba?

"Kaya pala badtrip yung isa..." pagpaparinig ko kaya biglang nagising yung diwa dito sa loob.

"Ha? Sinong badtrip?" -Vince

"Badtrip?" -Darren

"Hep! Hep! Hep! Sino yun?" -Kevin

"Tse! Mga chismoso tong mga toh eh!" bulyaw ko sakanila kaya nagsikamutan nalang ng ulo.

"Uyyy bakit badtrip ka ata?" bulong ko dito sa nakabusangot na katabi ko.

"Ako badtrip?! Baka ikaw." inis na sabi niya kaya napalingon saamin lahat.

"Hehehe... hindi nga." natatawang sabi ko tsaka ko tinignan si Sam pero wrong move dahil ang sama ng tingin niya sakin.

"Aish! Bakit kasi bagay sila?" inis na bulong sakin ni Sam kaya nanlaki nalang ang mata ko sa sinabi niya.

"Hahahah! Sabi ko na nga ba eh!" haysss kawawang Samylabs kong ito. Nagseselos naman kasi eh! Alam ko naman kasi na crush niya si Ryle kaya inaasar ko. Bakit kasi ang gwapo naman ng Ryle na toh! Jusko!

"Haysss nakakaselos kaya." bulong niya ulit kaya ako... Etoh tatawa-tawa.

Wait? Ano daw?! Sinabi niya?

"Selos ka?!" aish! Naisigaw ko pa!

Book 1: Because of HimWhere stories live. Discover now