Chapter 9: Missing

24 5 0
                                    


Aira's POV

"Ano?! Nawawala si Kylie?!" sabay na sigaw ni Samantha at ni Dianne.

Omyghad! What to do? Kanina kasi nandito lang naman yung babaeng yun eh! Bakit bigla nalang nawala?

"Ano ba kasi talaga ang nangyari?" tanong ni Ryle habang hawak yung plastic ng mga gamit na binili ni Kylie na kakalabas palang ng NBS.

"Nawawala kasi si Kylie. Kanina nagpaalam pa siya saakin na sasagutin niya lang yung phone call niya kaya siya lumabas. Tinext ko naman itong sila Sam na pumunta dito saatin para sabay-sabay na tayong pumunta sa DQ dahil nag-crave daw si Kylie ng ice cream..." kinakabahang paliwanag ko.

"Pagkatext ko nun kila Sam ay lumabas na muna ako saglit kasi parang ang tagal naman ni Kylie. Paglabas ko wala naman siya dun. Inisip ko baka nag cr lang. Tapos dumating naman itong dalawang ito na hinahanap si Kylie." pagpapatuloy ko ulit.

"Hinahanapnko si Kylie kasi parang nakita ko siya kanina papunta sa cr. Di ko sure kasi nga nag text nun sakin si Aira na pumunta na kami ng NBS." sabi naman ni Sam.

"Nakita mo si Kylie na papuntang cr?" tanong ni Ivan kaya tumango lang si Sam.

"So kung nag cr lang si Kylie bakit di pa siya bumabalik?" tanong naman ni Aike kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Natawagan mo na ba Ai?" agad akong napalingon kay Vince na nakatingin pala saakin.

"Y-yeah... Pero di niya sinasagot." nakita ko na napasapo nalang si Ryle sa noo niya habang lakad ng lakad.

"Pahingi ng number niya." agad kong binigay kay Ryle yung phone ko dahil sa sinabi niya. Nalakatakot narin kasi boses niya.

Nakita ko na inilagay na ni Ryle yung phone niya sa tenga niya kaya napatingin kaming lahat sakanya.

"F+<k it! Bakit di niya sinasagot!" sigaw ni Ryle at akmang itatapon na sana ang phone ko na nasa kabilang kamay niya nang hawakan ko yung braso niya.

"Ryle wala akong pampalit dyan. Jusko!" sabi ko kaya agad niya binigay saakin yung phone ko. Nakita ko namang nagpipigil ng tawa ang magaling kong kambal.

"Omyghad! Guys! Nag text na sakin si Lie!" sigaw ni Samantha kaya napalingon agad sakanya si Ryle at nagmamadaling kinuha kay Sam ang phone niya.

"Sh8t! Dinala nila si Kylie sa hideout nila." nawindang ako bigla sa sinabi ni Ryle kaya napalingon ako sakanya habang nakakunit ang noo.

Hideout? Ano yun?

****

Darren's POV

Papunta na kami sa hideout ng lecheng kumuha kay Kylie. Bwisit na mga panget na yun. Pano nila nakuha si Kylie? Ano nanaman kelangan nila?

"Ano nanaman kelangan ng Dragons? Akala ko ba patay na ang leader nila?" nagtatakhang tanong ni Kevin.

Siguro nagtataka na kayo kung ano yung mga pinagsasabi namin? Mga gangsters lang naman kasi ang kumuha kay Kylie, at Dragons ang pangalan ng gang nila.

Gangsters din kami pero matagal na kami tumigil sa mga gang fights simula nang mamatay ang leader ng Dragons. At ang nakapatay pa ay si Ryle.

"Omyghad... Ryle alam mo namang marami pa kaming pangarap! Jusko! Hinay hinay la---Waaa!" buti nalang nahawakan ko agad ang kambal kong madaldal. Makakasubsob na sana eh. Ito namang Ryle na toh lakas mang trip ng sasakyan.

"Pre! Wag namang ganyan..." natatawang sabi ni Vince na nasa tabi din ni Dennise. Psh! Sarap hambalusin nerong ugok na toh eh. May gusto pa ata sa kambal ko.

"Hoy lumayo ka nga sa kambal ko!" bulyaw ko kay Vince kaya bigla nalang ako siniko ng magaling kong kambal.

"Aike pwede ba tumahimik ka nalang?" seryosong sabi ni Dennise kaya tumahimik nalang ako. Dilikado na. Malala pa naman yan magalit. Baka mapagtripan pa ang napakagwapo kong mukha.

*Skkrreeetttchhhh!!!*

"Ano ba naman yan Tristan Ryle Bautista!" sigaw ni Anne sa likod namin kaya natawa nalang ako. Sanay na kasi ako sa biglang preno niyang yan.

"Baba." maotoridad na sabi ni Ryle kaya nagsibabaan na kami.

"Except sainyong tatlo. Dito labg kayo." sabi ko kaya napabuntong hininga nalang yung tatlo.

Alam narin naman nila na gangsters kami dahil sinabi ko na sakanila kanina. Lahat lahat tungkol sa Blue Knights. Di rin kasi alam ni Dennise ang tungkol dun kaya nakatanggap ako ng sabunot kanina.

"Takte! Bakit may mga dugo dito?" tanong ko sakanila nang makakita ako ng mga bakas ng dugo dito sa sahig nang makapasok kami. Naka bukas kasi yung pinto kaya agad kaming nakapasok. Ang gwapo ko kasi. Tsk! Anong connect? >∆<

"Huy Darren tara na!" takte! Ako nalang pala naiwan dito. Langya yung mga ugok na yun ha!

"Kevs may tao dun oh!" bulong ko kay Kevin kaya napalingon naman siya dun sa tinuturo ko.

Agad kong kinuha ang isang kahoy sa sahig na nakita ko lang. Lumapit ako dun sa lalake at nanlaki nalang ang mata ko dahil pagbukas nung kwarto na pinasukan niya ay nakita ko si Kylie na nakatali at nakaupo sa upuan. Halata naman na wala na siya malay dahil nakapikit siya.

"Pucha! Pano toh?" bulong ko sa sarili ko at agad akong may nakitang dalawang armadong lalake. Yes! Mapapalaban ata kami.

Agad ko yun pinukpok sa ulo kaya natumba yung lalake. Yung isa naman nakita ako kaya ako eto tatakno-takbo. May armas yun, di ako sira-ulo. Wala naman akong baril.

"Ryle! Nasa loob ng isang kwarto sa Kylie!" sugaw ko tsaka sinuntok yung palapit kay Windel. Tsk! Wala talaga tong pakealam sa paligid.

Nakita kong pumasok na si Ryle sa kwarto na nakita ko kanina kaya sumunod na ako sakanya.

Pagkarating namin dun ay may mga nakapaligid kay Kylie. Mukhang gising na si Kylie kasi nagpupumiglas na siya. Tapang talaga ng babaeng toh.

"Hoy! Pakawalan niyo nga yan!" sigaw ko kaya napalingon saaming dalawa ni Ryle yung mga nakapalibot kay Kylie. Yan lang! Wrong move.

"P+ta! Ano ginawa mo?" galit na tamong sakin ni Ryle tsaka nagmamadaling kinuha ang tubo na nasa sahig.

Agad ko namang tinignan si Kylie na nakatingin din pala saakin at parang sinasabi na 'tulungan mo ko dito' look.

Napailing nalang ako tsaka lumapit kay Kylie. Nandito narin naman kasi sila Windel kaya sila na bahala jan sa mga panget na yan.

"Tanggalin mo na yung tali sa kamay ko!" bulyaw niya saakin kaya agad ko namang tinanggal yung tali sa kamay niya.

Nagulat nalang ako nang tumayo siya at tinabig ako palayo tsaka sinuntok sa panga yung lalake na may hawak na tubo. Takte! Sapul ako nun kung di agad nakita ni Kylie yun.

Teka?! Ang bangis talaga netong babaeng ito! Marunong pala toh sa suntukan.

Book 1: Because of HimWhere stories live. Discover now