THEA's P.O.V
sino nga bang tatanggi pag may opurtunidad ng lumalapit sa'yo? Makakapag aral ulit ako at sa mataas at sikat pang paaralan ang mapapsukan ko.
Ako nga pala si Thea Wayman isang ulilang lubos.
Sikat ako sa Rosario, isa akong Tindera,manikurista,labandera,waiter, sales lady, taga gupit, kaya ang tawag nila sakin Thea Raketera, lahat na daw ng trabaho ay nakakaya ko.
Maaga akong nagising excited syempre tsaka may idadaan pa ako kila aling carla. Allowance din iyon sayang naman.
Pagkatapos kong maihatid ang mga nalabhan ko sa bahay nila agad akong tumakbo papuntang Seiyo.
"SEIYO thea's coming" sinasabi ko habang tinatahak ko ang daan papuntang San Sebastian.
Hindi ko ininda ang pagod kahit medjo malayo, nawala sa isip ko iyon dahil sa sobrang kasabikan.
Nang makarating ako agad akong huminto at napamangha sa laki ng gate ng school parang higanteng tao ang mga papasok doon.
"hoy miss harang ka sa daraanan ng mga estudyante chupe alis, asa 'to"sabi ng lady guard.
"excuse me lang po hindi po ba ako mukhang estudyante?"taray kong sinabi at dire-diretso akong pumasok ng may biglang bumusina ng pagkalakas lakas, nagulat ako at napaatras ng konti.
"You're blocking the way, are you crazy?"sabi ng naka shade na lalaki.
"sosyal nga bastos naman, hindi mo pag aari ang daan"sagot ko.
"you're saying something?"tanong nya.
Hindi ko sya sinagot umalis na lamang ako at pumasok na main entrance.
"wooohhh" parang di school samantalang sa mga maliliit na university pag pasok mo pa lang sa pinto makikita mo agad ang hagdanan pero ito? Mala palasyo ang dating.
Maya maya pay may nakabungo saking lalaki, napaupo ako at ganun din naman sya tumingin sya sa entrance, tumayo at kumaripas ng takbo.
"bastos yon ni hindi man lang humingi ng tawad napaka walang modo naman ng mga tao rito pati security guard nakikisabay, sabagay mga may kaya ang mga estudyante dito ano na lang ang kahihinatnan ko dito?" dumiretso ako sa una kong subject.
"rm. A354".
Pumasok ako at sa pinaka likod naupo.
BINABASA MO ANG
Campus Hunk meets Raketera Girl
Novela JuvenilThis is a Story between a Campus Hunk and A Raketera girl, na nakilala ng grandfather ni Campus Hunk na magiging daan sa Love story ng dalawa