1 - The Meeting

1.2K 13 1
                                    

Pumasok si Alexa sa isang Italian restaurant kung saan nagkasundo silang magkita ng pinsang si Charity na kauuwi lang sa Pilipinas. Ilang taon na din ang nakalipas mula ng huli silang magkita. Nasa Second Year High School pa lamang siya nang magdesisyon ang mga magulang nito na magmigrate sa Amerika. Kelan lang muli silang nagkaroon ng komunikasyon sa isang social networking site kung saan may picture sila kaya naman madali na silang magkakakilala sa pagkikita nila.

"Alex, I'm here" tawag sa kanya isang babaeng nakapulang dress at itim na blazer.

Sigurado siyang ito na ang pinsan niyang si Charity. Lumapit siya at niyakap ito.

"Glad to see you again, Chari" bati niya.

"Me too, I'm very glad to see again after 8 long years" nakangiting sabi nito.

"Common, let's have a seat" yaya pa nito.

Lumapit sa kanila ang isang waiter at um-order na sila.

Hangang-hanga si Alexa sa itsura ng pinsan niyang si Charity para itong isang modelo. Bumagay dito ang mapula-pulang buhok na lagpas balikat ang haba at bahagyang kulot ang dulo. Kurbang-kurba din sa katawan nito ang suot niyang dress. Mataas din ang takong ng sapatos na suot nito. Samantalang siya ay nakat-shirt at jeans lang.

"So how do I look?" tanong ni Chari sa kanya.

"You look amazing, very sophisticated para kang isang modelo" sabi pa niya.

"Thank you for the complement. You also look good, you just need a little make over." nakangiting sabi na nakatingin sa suot niya.

Alam niyang ang tinutukoy nito ay pananamit niya. "No need Chari. I prefer wearing these kinds of clothes. Don't worry nagsusuot din naman ako ng dress for a certain occassion" nakatawang sabi niya.

"Basta if you change your mind I'll give a makeover sometime." biro pa nito.

"Okay, by the way where is he? You're boyfriend?" tanong niya.

"Oh Andrei? Don't worry you'll meet him soon. Medyo male-late siya. He's kind of busy. Siya na kasi ang magte-take over ng company nila dito sa Pilipinas." may pagmamalaking sabi ni Chari sa kanya.

"I see, he's a big catch. Pero mabait ba talaga siya?" usisa pa niya.

"Oo naman. Know what, nung una suplado siya parang galit sa lahat ng babae. Pero alam mo naman lahat ng gusto ni Charity nakukuha niya. So now he's mine. In fairness nahirapan ako sa kanya huh. All the boys wanted me to be their girl pero siya hindi manlang ako pinapansin kahit nagpapacute na ako sa kanya." pagmamalaki nito.

"So you mean parang ikaw pa ang nanligaw sa kanya?" gulat na tanong ni Alexa sa pinsan.

"Nakakahiya mang aminin pero parang ganon na nga." sabi pa nito saka tumawa.

"Well, I can't say anything but you really get what you want Princess Charity. Just make sure hindi ka niya sasaktan huh." hindi makapaniwalang sabi niya dito.

Tinatawag niyang Princess Charity ito sa tuwing nakukuha ang gusto nito.

"Don't worry, sa katunayan nga sa Company nila ako ang magtatrabaho" may pagmamalaking sabi pa nito.

"Good for you mababantayan mo siya." biro niya kay Chari.

"Ikaw talaga. By the way how about you, do you have a boyfriend?" tanong nito sa kanya.

"Wala noh, trabaho lang ang pinagkakaabalahan ko." sagot niya.

"Are you sure? How about dating?"

"I'm tired of dating. Nakakasawa na kasi naman in the end ida-dump ko pa rin naman."

"I'm sure makakahanap ka din ng one true love mo." may pang eengganyong sabi pa nito sa kanya.

If You're Not the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon