4 - Falling for her again

282 7 0
                                    

Pilit na inaabot ni Alexa ang libro sa mula shelf. Nasa isang bookstore siya ngayon para magbasa-basa bilang hobby at parte na rin ng routine niya na nakasanayan na niya. Nagpalinga-linga siya para humanap ng maaring umabot ng libro para sa kanya. Wala siyang nakita kaya minabuti niyang siya na lang ang gagawa.

Muling tumingkayad siya para subukang abutin ito. Hindi pa rin siya sumusuko kahit nakakaramdam na siya ng pangangawit.

Nagulat siya nang may isang kamay na kumuha sa libro na pinipilit niyang inaabot. Lumingon siya para makita ito.

"You want to read this." nakangiting sabi Andrei.

Laking gulat ni Alexa dahil nakita na naman niya ang lalaki. Ilang araw na din mula nang huli niya itong nakita noong bigyan siya nito ng chocolate. Ngunit napapansin niyang napapadalas ang pagkikita nila at nag-iisa na naman ito.

"Ikaw pala yan." gulat na sabi niya.

Ngumiti ito ng malapad. "Yes, it's me again." Pagkasabi ay inabot sa kanya ang libro. "Here."

"Thanks. What a coincidence naman, nagkita na naman tayo." sabi pa niya.

"Napadaan lang ako. Naisip kong magbasa-basa ng libro. Galing ako sa business meeting kaya di ko kasama si Charity. I know you'll ask kaya naman pinapaliwanag ko na." paliwanag nito.

Pinangunahan na siya ni Andrei kaya naman hindi na niya kailangang magtanong pa kahit na may pagdududa pa rin siya dito. Hindi niya maiwasang maisip na baka sinasadyang sundan siya nito. Pero nagdalawang isip din siya dahil baka naman nagpi-feeling lang siya. Wala naman kasi siyang nakikitang dahilan para gawin yon ni Andrei.

"Okay, hindi na kita tatanungin pa. Salamat ulit dito huh." Nakangiting sabi niya. Saka lumakad papunta sa sulok at sumalampak ng upo sa sahig.

Tahimik niyang inumpisahang basahin ang libro. Maya-maya pa'y sumunod si Andrei may hawak na itong libro at naupo sa tabi niya. Napatingin si Alexa dito. Ngumiti pa ito sa kanya saka may kinuha sa bulsa ng polo nito, isang salamin sa mata. Isinuot iyon ni Andrei saka nagsimulang magbasa.

"Nagsasalamin ka pala?" tanong ni Alexa.

"Ah yes", hindi ko ba nasabi sa'yo?" sabi ni Andrei na nasa libro ang tingin saka nilingon ang dalaga.

Tinitigan ni Alexa ang muka nito na may salamin sa mata. He looks familiar. Hindi niya maisip kung saan nga ba niya nakita ito. Matagal niyang tinitigan ito. Ngunit binawi din niya ang nasa isip dahil imposibleng nakita na niya ito no'n bago pa ito ipakilala ni Charity dahil sa Amerika ito lumaki sa pagkakaalam niya.

"What's wrong?" pukaw na tanong ni Andrei. "Pangit ba ko pag nakasalamin?" dagdag pa nito.

Saka lang napansin ni Alexa na nakatulala pala siya dito. "Oh, Im sorry. I just suddenly thought you're familiar. Nagkakilala na ba tayo noon?" wala sa sariling tanong niya.

Napaisip si Andrei. Hindi kaya'y naaalala na siya nito.

"Kalimutan mo na nga yong sinabi ko. Imposible namang nagkita na tayo noon eh sa Amerika ka lumaki." bawi ng dalaga saka tumawa ng marahan at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Nagkamali si Andrei mukang hindi pa rin talaga siya nito naaalala.

Tatayo sana si Alexa nang mawalan siya ng panimbang kaya naman napaupo siya at napasandal kay Andrei. Napayakap sa kanya ang binata sa pagsalo sa kanya. Para siyang nakuryente nang maramdaman niyang nakadikit siya sa lalaki. Kaya naman agad na lumayo siya dito nang mapansing nakayakap ito sa kanya.

"I'm sorry." sabi pa niya.

Parang ayaw na ni Andrei pakawalan ang dalaga sa pagkakayakap niya. Sana lang ay hindi napansin nito ang paghigpit ng yakap niya. He try to compose himself bago nagsalita. "It's okay. Sa susunod ma-iingat ka huh. Buti na lang nandito ako at nasalo kita."

∞∞∞

Naiisip pa rin ni Alexa ang nangyari sa bookstore kanina. Nag-iimagine lang ba siya o talagang humigpit ang yakap sa kanya ni Andrei kanina. Ano ba itong pinag-iisip niya? Hindi kaya'y nahuhulog na siya sa binata?

"Hayh, Alexa ano ka ba naman? Ano bang pinag-iisip mo? Hindi ka pwedeng magkagusto kay Andrei, boyfriend siya ni Charity!" sermon ni Alexa sa sarili. Hirap tuloy siyang makatulog ng gabing iyon.

∞∞∞

"Ano ba Andrei you're falling for her 'again'? hindi ba dapat siya ang mahulog sa'yo? Stupid ka talaga, di ka pa nadadala. Sinaktan ka na niya noon." sermon ni Andrei sa sarili na animoy nababaliw. Hindi mapakali si Andrei. Hindi niya alam kung paano pa niya itatago ang nararamdaman niya para kay Alexa. Ang buong akala niya ay galit siya dito at gusto niyang gumanti sa nagawa nito sa pamagitan ng pagpapaibig dito. Pero mukang kabaligtaran ang nangyayari.

Kailangan na niyang gumawa ng paraan para mahulog sa kanya si Alexa bago pa tuluyang siya ang mahulog dito.

If You're Not the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon