12 - Ruined Vacation

207 1 0
                                    

Nang magmulat ng mata si Alexa ay mataas na ang araw.

“Oh, I fell asleep again.” Sabi niya sa sarili. Nakatulog na naman siya habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Ilang araw na din siyang nasa El Grande Resort. Agad na naghanap siya ng lugar pagdating niya doon. She found a hill na may malagong puno kung saan magandang pagmasdan ang pagsikat ng araw. Ito ang paborito niya scene. Dala-dala din niya ang sketch pad niya para gumihit.

            Dali-dali siyang bumaba ng burol at tinungo ang beach. Bago siya bumabalik sa hotel ay nakayapak na nilalakad niya ang puting buhangin doon.

            “Good morning, gorgeous” bati ni George sa kanya na my dalang surfing board. Isa itong Filipino-american na nakilala niya sa pagdating sa El Grande. Sadyang bolero ito pero agad naman niya itong nakasundo. Nilingon niya ito para batiin. “Good morning too. You’re gonna surf this early?” tanong pa niya.

           

            “Yeah. It’s also a good exercise.” Sagot pa nito.

           

            “Yeah, right. Well I’m going back to the hotel. Bye!” paalam niya.

           

            Naglalakad siya patalikod habang kumakaway dito nang may mabangga siya. Agad na natumba siya at kumalat ang mga gamit niya mula sa sling bag, nabitawan din niya ang kanyang sketch pad. Pinulot niya ang mga gamit niya saka tiningnan ang nakabangga. “I’m sorry” aniya. Isang malapad na dibdib ang tumambad sa kanya at nang tingnan niya ang mukha nito, laking gulat niya. It was Andrei and his not alone, he’s with Charity. What are they doing here?

∞∞∞

            Panay tingin sa paligid si Andrei para hanapin si Alexa. Nakabuntot pa rin sa kanya si Charity. He don’t know how to get rid of her. Ngayon nakabangga pa siya ng isang babaeng nakasumbrero.

“Are you ok, Miss?” tanong niya. Hindi na niya natulungan pang damputin ang mga gamit nito dahil panay pa rin ang tingin niya sa paligid para mahanap si Alexa. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay laking gulat niya. Ang babaeng hinahanap niya ay nasa harapan niya. It’s Alexa, a different Alexa. She’s gorgeous. He didn’t expect to see that side of her. She’s wearing a sexy see-through dress, underneath is a yellow swimming top and shorts. Hindi siya makapaniwala sa nakikita ng mga mata.

           

            “Bulag ka ba, Miss? Hindi mo kami nakita.” Sabad ni Chari.

           

            “Andrei?… Charity? What are-” utal-utal na sabi ni Alexa.

           

            “Oh my God, you’re Alexa?” eksaheradong sabi ni Chari. “Wow, look who’s here. Nag-usap ba kayo ni Andrei na magkita dito?” tanong pa nito.

           

            “No, nagkakamali ka. I don’t even know that you two would be here.” Sagot ni Alexa.

           

            “You can’t fool me. And what’s with your look? To seduce him more?” bintang ni Chari.

           

            “Charity, stop it.” Saway ni Andrei.

           

If You're Not the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon