Andrei cleared his entire schedule. He won't let a day pass na magkasama ulit sina Alexa at Jake. He don't care if he'll looks like a stalker, he just wanted to win back Alexa in any way. He wait for Alexa sa labas ng village kung saan naroon ang apartment nito.
Katulad ng inaasahan niya ay palabas na ng village si Alexa. May kotse ito pero mas pinipili niyang magcommute. Ninais niyang pagmasdan na lamang ito mula sa kotse. Ngunit may hindi inaasahang pangyayari. Isang humaharurot na motor ang dumaan at nasagi si Alexa. Agad na natumba ang dalaga.
Taranta si Andrei na lumabas sa kotse para saklolohan si Alexa. Nakahandusay ang babae at iniinda ang sakit sa kaliwang braso. Nang matiyak niyang ang braso lamang nito ang nabalian, maingat niya itong binuhat at isinakay sa kotse para dalhin sa ospital.
Labis na ang pagdududa ni Charity sa biglaang pagpapacancel ni Andrei sa lahat ng schedule niya sa opisina nang hindi niya nalalaman. Inakala pa ng matandang dalagang sekretarya nito na may date sila kaya ito wala. Minabuti niyang magdrive sa pagbabakasakaling makita ito. Hindi siya nagkamali dahil napansin agad niya ang kotse nito papasok sa isang ospital. Sinundan niya ito. Laking gulat niya ng makita niya itong buhat si Alexa papunta sa ER. Naguluhan siya sa pangyayari. She should got worried for her cousin pero mas malaking kaba niya ay ang pagkakataong si Andrei pa ang nagdala dito. Hindi niya mapigilang isipin na maaaring may relasyon ang dalawa. Naalala pa niya ang bakas ng pag-aalala sa muka ni Andrei nang makabasag si Alexa noong dinner nila. May isang kaibigan din ang nagsabi sa kanya na minsan na daw nitong nakita si Andrei may kasamang babae sa mall, hindi kaya'y si Alexa ito? Pero bago pa man siya mag-isip ng kung anu-anong hindi maganda ay minabuti niyang mag-obserba muna.
Nang magmulat ng mata si Alexa ay mukha agad ni Andrei ang bumungad sa kanya. Bigla ay nakaramdam siya ng kirot sa braso saka niya naalala ang nangyari kanina.
"How are you?"nag-aalalang tanong agad ni Andrei.
"Im fine medyo masakit lang ang kaliwang braso ko." Sagot niya.
Bumuntong hininga muna ito bago muling nagsalita. "Nabalian ang kaliwang braso mo dahil sa pagbagsak mo mula sa pagkakahagip ng motor. Pero huwag kang mag-alala sabi ng doctor ilang linggo lang at gagaling din."
"Salamat naman kung ganon. Salamat nga pala sa'yo. Mabuti at... andon ka."
Saglit na napaisip si Andrei kung dapat pa ba niyang sabihin sa dalaga kung bakit siya naroon. "Oo nga mabuti at naroon ako. Siya nga pala eto ang cellphone mo" iilabas niya mula sa bulsa ang cellphone ni Alexa para iabot ito at muling nagsalita. "It's not working anymore and I forget mine."
Saka lang naalala ni Alexa ang cellphone niya. Nasira marahil ito dahil sa aksidente. She can't call Sandy para magpasundo dahil wala din siyang mahihiram kay Andrei. Hindi naman niya pwedeng utusan ito sa labas para tawagan ang kaibigan niya. Isa pa, baka kung ano naman ang isipin nito kung si Andrei ang tatawag dito.
"By the way, are you hungry? What do you want?" tanong ni Andrei.
"Hindi mo na kailangang mag-abala."
"No, I insist you haven't eaten anything malamang kahit breakfast hindi ka kumain." Giit nito.
"Alright, just anything."
"Ok, I'll go ahead. I'll be right back soon. Wag kang tatakas huh."
Natawa pa si Alexa sa sinabi nito. "How can I kung nakadextrose ako dito." Biro pa niya.
"Malay ko, baka magawa mo. Matigas ang ulo mo eh."
"Yeah right."pagsang-ayon niya.
BINABASA MO ANG
If You're Not the One
RomanceAndrei is back in the Phillipines with his current girlfriend Charity. He was introduce to Alexa, his girlfriend's cousin and coincidentally his ex-girlfriend who took him for granted. The girl did not recognized him. Then, a plan of revenge came to...