8 - Confession

283 7 0
                                    

"I'm really sorry Alexa." paghingi ng paumanhin ni Sandy. Ilang araw mula nang huli nilang pag-uusap noong biglang sumulpot si Andrei.

"Bruha ka akala ko ise-save mo ko, ikaw pa pala manlalaglag sa'ken." sermon niya.

"Akala ko lang ok lang na magkausap kayo at nagpaalam naman siya ng maayos eh." pagdadahilan nito.

"Ok, ok, apology accepted nangyari na eh. May magagawa pa ba ko?" sabi pa niya.

"Thank you, best. By the way kwentuhan mo naman ako kung anong nangyari? You know I find that Andrei cute." sabi pa nito na kinikilig.

"Best kung type mo siya. Huwag. Kasalanang mainlove sa lalaking yun. Boyfriend na siya ni Charity." warning pa niya.

"Well kung ganon naman kagwapo at kayaman ok lang magkakasalanan." sabi pa nito.

"Ano ba Sandy?!" saway niya.

"Ito naman di na nasanay sa'ken. Ano magkwento ka na." pangungulit nito.

"He offered me a condo unit." panimula niya.

"What?! He really did that?" gulat na sabi nito.

"Sandy, hindi ko na alam ang gagawin sa kanya. Help me. Hindi ko masabi kay Charity baka sa'ken siya magalit. Isa pa, he has a picture of me with Jake. And he's asking who Jake is. And even tell me he won't let me be with some other guy." maktol niya.

"Oh my, Alexa. Hindi ko alam huh, pero para lang bumalik ka sa kanya at makaganti siya sa'yo? He'll offer a condo? I don't know what to think huh pero mukang obsess siya sa'yo. O di kaya in-love pa rin siya sa'yo and he's making his revenge an excuse."

"Hayh naku best, bagay kang maging writer. You're jumping into bizarre conclusions."

"But I can't help looking at those instances."

"Lawak talaga ng imahinasyon mo."

"But seriously, the best thing to do is iwasan mo na siya pati na si Charity. Have a vacation."

"Yeah you're right. Pero hindi ko naman basta-basta maiwan ang trabaho ko." pagdadalawang-isip niya.

"You can file a leave. Malakas ka naman sa boss mo eh. Isa pa, wag ka matakot mawalan ng trabaho madami kang offers noh. By the way, kamusta na kayo ni Jake?" sabi ni Sandy.

"Ok naman. Katulad ng dati he's always giving me a boquet of flower and a note." kwento pa niya.

"He's doing he's best too, to win you back." panunukso ni Sandy.

"Maybe it's time na patawarin ko na siya." wala sa sariling sabi ni Alexa.

"Did I hear it right? You're ready to forgive him?" exage na sabi ni Sandy.

"Yes you heard it right, best."

"Does it mean may chance na magkabalikan kayo?" tanong nito.

"Patatawarin ko pa lang, magkakabalikan agad?" sagot niya.

"Alam mo, best. Obvious naman na mahal ka pa rin nung tao so kung ako sa'yo makikipagbalikan na ko sa kanya. Kahit na medyo di pa rin malinaw ang pag-alis niya noon. Isa pa, malay mo pag nakita ni Andrei na kayo na ni Jake, tigilan ka na niya." paliwanag nito.

"I really wish Andrei would do that but what if he wont. And I don't think kaya ko ng makipagbalikan kay Jake."

"Hmmm, Alexa nagdududa na talaga ako sa'yo. Baka naman may feelings ka na kasi para kay Andrei. You're just scared dahil you're always telling to yourself that he's for Charity."

"Best, you know how much I care for Charity. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya. Alam mo naman yon di ba?" paliwanag niya.

"Yes, I know that, na inampon ka ng tito at tita niya at siya tinuring kang parang totoong kapatid. Malaki ang pagpapasalamat mo sa kanila at ayaw mo silang madisappoint sa'yo."

If You're Not the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon