Kahit medyo magulo ang sitwasyon ni Alexa ngayon tuloy pa rin ang buhay niya. She has to rush. Nakalimutan niyang magpareserve ng book na inaabangan niya. She knows everybody was waiting for that book to release kaya naman sigurado siyang malaki ang chance na maubusan siya ng stock nito.
"Miss, may The Stranger pa ba?" tanong niya sa information ng bookstore.
"Sorry miss pero wala na po. Last na po yung nasa lalaki." Nakaturo ito sa lalaking nakatalikod na nasa kabilang shelf. Hawak nga nito ang libro.
"Ah, sige miss. Thank you na lang." Naisip nga niyang subukan na lang niyang pakiusapan ang lalaki na ibenta na lang sa kanya ang libro. Lumapit siya dito.
"Sir, excuse po." Hindi pa rin nagsalita ang lalaki. Kaya nilakasan na lang niya ang boses. "Kung pwede po sana ibenta nyo na lang sa'ken yang libro. Kahit doblehin nyo na lang po yung presyo."
Humarap ito at nagulat siya dahil isang pamilyar na mukha ang tumambad sa kanya.
"J-jake?!" Gulat na sabi niya. Hindi niya alam kung paano niya ito pakikitunguhan.
Sandaling tinitigan lang siya nito. "Alexa. How are you?" nakangiting sabi nito.
"Akala ko nasa Amerika ka." nanatiling nakangiti lang ito. Bigla ay naalala niya ang libro.
"Ahm, yung tungkol sa libro, pwede ba?" kaswal na sabi niya.
"No need to double the price I'll give it free for you. If you'll have a dinner with me." sabi ni Jake.
"I won't have dinner with you. I'll pay for it." matigas na sabi niya.
"Then you won't get the book."
Nag-isip muna sandali si Alexa. She really wanted the book. Ilang buwan ang inantay niya para don. Ano ba naman ang ilang oras na makipagdinner para sa libro? She doesn't want to let the book go. Iyon nga ba talaga ang dahilan kung bakit siya papayag?
"Fine. I'll go with you. Just give me the book."
∞∞∞
"You're looking good and prettier, Alexa. I hope you don't have a boyfriend." panimula ni Jake sa usapan.
"Unfortunately, wala." asar na sagot niya. Paano nga ba nagagawang bolahin siya nito matapos ang ginawa nito sa kanya.
"Lucky me, I don't have to get you from someone. I hope you still love me." seryosong sabi ng binata. Hindi napigilan ni Alexa ang damdamin. Naalala niya kung gano siya nasaktan dahil dito.
"Jake, please." pigil ang luha na sabi niya.
"I'm really sorry for what I did to you Alexa. Would you please come back to me."
"Paano mo nasasabi yan? You don't have any idea how much you hurt me. You left me telling nothing, explaining nothing. Then you'll ask me to come back to you na parang walang nangyari?" emosyonal na sabi niya.
"I'm really sorry. I wish I could tell you the reason. But it would be better if you know nothing." paliwanag nito.
"Better?.. How could it be better? Di mo ba alam gaano kahirap tanggapin maiwan nang hindi alam ang dahilan? Para akong tanga na nag-aantay sa paliwanag mo. Pero hindi ka man lang nagparamdam ng higit sa isang taon."
"I know I hurt you a lot kaya nga bumalik ako para makabawi."
Hindi na nagsalita pa si Alexa. Tahimik nilang tinapos ang pagkain.
"Here's the book." Inabot ni Jake kay Alexa ang libro. "Thank you for the time."
"Thank you... for the book" Matipid na sabi ni Alexa saka tumalikod at lumakad palayo. Muntik na niyang makalimutan ang tungkol sa libro matapos ang pag-uusap nila kanina.
BINABASA MO ANG
If You're Not the One
RomanceAndrei is back in the Phillipines with his current girlfriend Charity. He was introduce to Alexa, his girlfriend's cousin and coincidentally his ex-girlfriend who took him for granted. The girl did not recognized him. Then, a plan of revenge came to...