6 - The Dinner

264 6 0
                                    

Katatapos lang ni Alexa manuod ng sine. Kaya naman tumayo muna siya sa exit ng theater habang nag-isip ng susunod na gawin. Kampante siyang hindi niya makikita si Andrei dahil ilang linggo na din ang nakararaan mula nang nag-usap sila ay hindi na niya ito nakikita. Sana lang ay tinigilan na nga siya nito at narealize na mahal niya talaga si Charity kaya hindi na ito gagawa pa ng ikasisira nila.

"Alexa!" tawag ng babae. Si Charity. Nakaramdam siya ng kaba. Nandito siya ibigsabihin ba nito nandito din si Andrei?

"Oh, Charity. Kamusta? Anong ginagawa mo dito?" nakangiting bati niya at niyakap ito. Nag-iisa ito kaya inakala niyang hindi kasama si Andrei.

"I'm with Andrei. Katatapos lang naming manuod ng sine." sabi nito.

"Lagot kasama ang mokong. Pa'no ba ko nito iiwas?" kausap iya sa sarili. Paano nga ba siya kikilos na parang walang nangyari.

"And where is he?" tanong niya. Bigla ay may nagsalita mula sa likod niya.

"Chari." tawag ni Andrei.

"Oh, He's here na." tuwang-tuwang sabi ni Charity. Agad 'tong lumapit kay Andrei at kumapit sa braso nito.

"Sorry Hon, natagalan ako. May nakita kasi akong dating kaibigan. Medyo napakwento." paliwanag nito.

"It's ok. I see Alexa naman." malambing na sabi ni Chari sa binata.

"Oh you're here. Kamusta na Alexa?" baling ni Andrei sa kanya. Feeling ni Alexa ay nang-aasar pa ito. Pero sana lang talaga ay tinigilan na siya nito.

"Ok naman." Pinilit niya ang sariling ngumiti at magpanggap na hindi siya apektado ng presensya nito.

"We will have a dinner. Will you join us, Alexa." yaya ni Charity.

"Ah hindi na next time na lang pauwi na din ako eh. Istorbo pa ko sa date nyo." pagtanggi niya.

"Kailan pa ang next time na yon. Ngayon lang ulit tayo nagkita-kita kaya bakit ka pa tatanggi. Hindi mo ba mapagbibigyan ang pinsan mo?" sabat ni Andrei.

"Sige na please, Alexa" pakiusap ni Chari.

Hirap na si Alexa na tumanggi. Sumawsaw pa kasi si Andrei at tama naman ito minsan lang sila magkita. Wala siyang dahilan para tanggihan ang pinsan niya. Dahil wala naman itong alam sa away na meron sila ni Andrei.

"Ok, I'll go with you."

"Alexa, madalas ka lumabas pero di ka naman nakikipagdate. Siguro nabroken-hearted ka dati noh." Pag-uumpisa ng usapan ni Charity. Sa isang Italian restaurant nila napiling kumain. Naka-order na din sila ng pagkain.

"Chari, pass ako dyan. Pwede bang iba na lang pag-usapan na'ten." sabi ni Alexa.

"Ang kill joy mo naman. Umiiwas ka. Siguro tama ako." pagbibiro pa nito. "Ikaw ba Andrei, nasaktan ka na din ba dati? Medyo matagal na tayo pero ngayon lang kita matatanong." baling naman nito sa kasintahan niya.

"I just thought you will not be interested that's why I'm not telling anything. Well I guess it's time to tell you."

"That's not true. You I like knowing you more." paliwanag ni Chari.

Tumikhim muna si Andrew bago nagsalita.

"Ok, then I'll answer your question. Yeah, there is someone who took me for granted because I'm nerd and weird back then." Kwento ni Andrei.

Muling nakaramdam ng kaba si Alexa. Alam niyang siya ang tinutukoy ni Andrei. Hindi na niya alam kung paano pa magpapanggap na di siya apektado dito.

"Really?" gulat na sabi Chari.

"That's true I even plan to revenge dahil sa sakit na ginawa niya."

"Ganon ba? Hindi mo na siya kailangang paghigantihan pa 'no. Well, hindi na mahalaga kung ano ang itsura mo noon. Dahil sigurado ako sa itsura mo ngayon, she'll regret that she took you for granted. At gugustuhin niyang bumalik ka sa kanya."

"Siguro nga." matipid na sabi ni Andrei.

"What do you think, Alexa?" baling ni Chari sa kanya.

"Ah, oo." sagot niya. Nakaramdam na ng panginginig si Alexa.

"But I won't let her na maagaw ka niya. Sorry na lang dahil akin ka na." may pagyayabang na sabi ni Charity.

Lalong kinabahan si Alexa sa sinabi ni Charity. Mukang malabo ngang masabi niya dito ang tungkol sa kanila ni Andrei. Nanginginig na ang kamay niya. Sinubukan niyang uminom ng iced tea, pero dahil sa panginginig niya nadulas ang baso mula sa kamay niya. Bumagsak ito sa sahig at nabasag. Dahil sa pagkalito, mabilis siyang yumuko para damputin ang basag na mga piraso. Sa pagkataranta ay nasugatan siya.

"Alexa, stop it." saway ni Andrei na may pag-aalala.

"Let them clean that." tukoy ni Charity sa waiter.

"I'm sorry." paumanhin niya. Habang nakahawak sa kaliwang kamay. Napansin ito ni Andrei. Hindi kaya ay nasugatan ito.

"Excuse me." Paalam ni Alexa saka nagtungo sa restroom.

Hinugasan niya ang bahagi ng kamay na may sugat. Nasa palad niya ang medyo malalim na sugat. Nagdudugo ito kaya naman inilagay na lamang niya ang panyo niya dito na tila ba kapit lang niya para hindi mahalata ng dalawa.

Lalo niyang napatunayan na hindi nga magiging madaling sabihin sa pinsan niya ang tungkol sa kanila ni Andrei. Hindi rin niya pwedeng hilingin kay Andrei na hiwalayan ito. Lumabas siya mula sa restroom at bumalik sa mesa nila. Magpapaalam na din siya sa mga ito.

"I think I need to go." paalam niya.

"What's wrong with you ba? Masama ba pakiramdam mo?" may pag-aalalang tanong ni Chari.

Tumango lang siya.

"Ihahatid ka na namin." offer pa ni Andrei.

"Oo nga, Alexa hatid ka na namin." pagsang-ayon ni Charity.

"No, but thanks anyway. Sorry for the trouble cous. Bye." pagkasabi ay umalis na si Alexa.

On the way na sina Andrei para ihatid si Charity nang magsalita ito. "Honey, I feel jealous kanina. You look so worried for Alexa nang makabasag siya." sabi ni Chari.

Nagulat siya sa nasabi nito. Halata nga siguro ang pag-aalala niya kay Alexa kanina.

"Hon, don't be. She's your cousin. Alam kong mahalaga siya sa'yo. Kaya mahalaga din siya sa'ken." pagdadahilan niya.

"I'm sorry. Siguro I just really love you kaya pati si Alexa pinagseselosan ko." malambing na sabi ni Chari.

Pagkahatid niya kay Charity ay mabilis siyang nagdrive papunta sa drugstore para bumili ng gamot sa sugat ni Alexa. Sigurado siya na may sugat ito at hindi siya matatahimik kung hindi niya makikita ito ngayong gabi.

Nang pagbuksan siya ni Alexa ay hindi na niya ito inantay magsalita at mabilis na pumasok.

"Anong kailangan mo?" galit na sabi ni Alexa.

"I know galit ka sa'kin. But let me do this first." pagkasabi ay kinuha niya ang kaliwang kamay nito.

"Let me see." Iniiwas ni Alexa ang kamay niya.

"Don't worry, I'll leave after." Saka muling kinuha ni Andrei ang kamay ni Alexa. Hindi na pumiglas ang dalaga. Sinimulan na niyang gamutin ang sugat nito.

"Tama ang hinala ko nagkasugat ka nang damputin mo ang mga basag na piraso. Why are you so careless?" sermon pa niya. Pero walang kibo si Alexa. Medyo malalim ang sugat sa palad nito kaya naman binendahan niya ito para hindi mapasukan ng dumi.

"Mabuti na lang at kaliwang kamay ang nasugatan. Mahalaga pa naman ang kamay mo."

"Tapos ka na. Pwede ka ng umalis." taboy ni Alexa.

"Ok, I made a promise. Just make sure be careful next time." pagkasabi'y umalis na ito.

She really doesn't know what to think about Andrei. Masama ang tingin niya dito simula ng malaman niya kung sino talaga ito. But she also knew the guy still has a good trait. And she also doesn't know if she's starting fall for him.

If You're Not the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon