5 - Kiss and his Revelation

276 7 0
                                    

Sinadya ni Alexa na huwag pumunta sa mall kung saan siya makailang ulit nagkataong magkita ni Andrei. Nagsimula na siyang makaramdam ng pagkailang dito nang huli silang nagkita sa bookstore. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari at isang masamang pangitain ito para sa kanya. Gusto na niyang iwasan ito hangga't hindi pa tuluyang nahuhulog ang loob niya para sa binata.

Naisipan ni Alexa mamasyal sa park ngayong linggo ng hapon. Magpapalipas lamang siya dito ng oras at kukuha ng pictures. Matagal-tagal na din mula ng mamasyal siya sa labas maliban sa mall.

Ilang beses nagbakasakali si Andrei na makita sa mall si Alexa pero bigo siya. Malakas ang pakiramdam niya na umiiwas na ito sa kanya.

Nasa labas siya ng apartment ng dalaga at dito na siya nag-antay upang makatiyak na makikita na niya ito.

Kahit na weekend ay nakagawa siya ng dahilan kay Charity na hindi sila maaring magkita ngayon. Mabuti na lamang at maunawain ang babae. Sana lang ay hindi nito nahalata ang madalas na bigla-bigla niyang pag-alis sa opisina ng mga nagdaang araw.

Ilang sandali lang ay nakita na niyang lumabas si Alexa. Naka-jeans at sando ito, may dala rin itong camera. Mabilis na pumara ito ng taxi. Sinundan niya ito at sa isang park siya nakarating. Nanatili siya sa kotse niya at pinagmasdan na muna ito.

Panay ang kuha ng picture sa paligid ni Alexa. Nang makaramdam ng pagod ay naupo ito sa isang bench. Itinapat niya sa sarili ang camera at matamis na ngumiti at kinuhanan ang sarili.

"I had enough. Mayroon na din akong idadagdag sa bulletin board ko. Hayh, ngayon lang ulit ako nakapasyal sa park." Nakangiting kausap niya sa sarili.

Maya-maya pa ay dumaan ang isang sorbetero. Bumili siya at bumalik sa bench. Tahimik na kumain ng ice cream habang nagmamasid sa paligid.

Andrei get his cellphone and take some pictures of Alexa. "Alexa you don't know how much I miss you." bulong niya sa sarili. Habang nakamasid sa dalaga.

Nang matapos ito sa pagkain saka nagdesisyon si Andrei na lapitan na ito.

Tumayo mula sa bench si Alexa para kumuha sana ulit ng pictures pero nakita niya ang papalapit na si Andrei. Huli na para makaiwas siya dito.

"Andrei? What are you doing he--"

Hindi na niya naituloy ang sinasabi dahil mabilis na hinapit siya nito at sinakop ang kanyang mga labi. He kissed her! Laking gulat niya sa ginawa nito kaya naman nang matapos ang halik ay mabilis siyang tumakbo palayo.

Hindi na napigilan ni Andrei ang sarili na halikan si Alexa. Masakit para sa kanya ang pag-iwas nito at dahil na rin dito napatunayan niya sa sariling mahal pa rin nga niya ang babae. Ngunit katulad noon ay tumakbo lang ito palayo.

∞∞∞

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ni Alexa. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Andrei. Ibigsabihin ba nito'y gusto siya ng binata? Pero hindi maaari iyon, dahil girlfriend nito si Charity.

Maya-maya pa ay may nagdoorbell. Agad siyang nagtungo sa pinto para pagbuksan ito. Si Andrei ang naroon.

"How did you--", putol na sabi ni Alexa. Nagtaka siya kung paano nito nalaman ang bahay niya. Pero hindi na rin niya tinuloy ang tanong niya, malamang kasi ay nalaman nito mula kay Charity.

"Can we talk?" sabi pa nito.

"T-Tuloy ka." matipid na sabi niya.

Pumasok ito at naupo. "Tungkol sa nangyari kanina..." umpisa ni Andrei.

"Ah yun ba? Kalimutan na natin iyon." pinilit ngumiti ni Alexa at magpanggap na parang walang nangyari. "Hindi mo naman sinasadya yon, di ba? Teka, I get something to eat." dagdag pa niya saka umaktong tatayo.

If You're Not the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon