N O T E

89 6 0
                                    

**

Obviously, hindi ko na nai-edit to at naiayos. Pero gusto ko lang sabihin sa inyo lalo na sa mga kapwa ko Baekhyun stan that you should STAY STRONG. Wag kang mag-patiwakal sa buhay mo o kahit magbigti kasi kahit anong gawin mo FAN KA LANG. Kung ayaw mo sa desisyon ni Baekhyun wag na wag mong i-babash si Taeyeon dahil hindi mo ikagaganda yan. Kung hindi mo na gusto at kaya to eh di malaya ka nang umalis. BAEKHYUN IS FEARLESS, SO ARE WE. Maaaring hindi natin matanggap o masuportahan ang BaekYeon pero pakiusap naman, hindi lang ikaw ang nasasaktan dito. Pati rin sila mismo nasasaktan sa mga hate comments na natatanggap nila.

Kung hindi mo na kaya, sige lang. Iiyak mo yan. Walang masama diyan. Hindi yan pagiging OA lalo na kung MINAHAL mo talaga. Alam kong masakit. Lalo na kung CHANBAEK SHIPPER KA. Alam ko namang BaekYeon ang bida ng story na ito. Oo, shiniship ko ang BaekYeon kaso hindi naman ganun kaseryoso ang paraan ng pag-shiship ko at talagang biglaan tong dating issue na ito.

SA MGA READERS NITO DON'T WORRY, ITUTULOY KO PA DIN.

Hindi lang ako sure kung kailan. Siguro kapag nasa mood na talaga ako? Wala na talaga akong gana sa ngayon eh. Hayaan niyo na muna ako.

Isa akong SONE at EXOSTAN, kaya kapag nagkakaroon ng fanwars sa pagitan ng dalawang fandoms na ito nahihirapan ako ng bongga, sana naman iwasan natin to. Oo, masakit. Masakit masampal ng sobrang lakas ng KATOTOHANAN. Pero tandaan mo, kontrolin mo pa din ang sarili mo. Iwasan mong umabot sa punto na namamaling direksyon ka na. Hindi solusyon ang pagrerebelde at LALO NA WAG KANG MAGPAKAMATAY. Ang babaw mo naman, Ano ka sasaeng? KATANGAHAN yun.

Mahirap mag-move on pero lilipas din yan. Kailangan lang natin na unti-unting tanggapin ang katotohanan. Tho aminado ako dahil si Yoona ang UB ko, hanggang ngayon di ko pa rin gaanong katanggap ang YoonGi, sadyang hindi ko pa ramdam. Siguro nga, may posibilidad na scripted lang tong issue na ito. Pero itatak mo sa kokote mo na ano mang oras mag-kakagirlfriend din yang bias mo kasi tao din yan at nag-mamahal. Wag kang selfish. Wag kang manghusga dahil hindi mo naman alam ang totoong storya sa likod ng lahat ng ito.

Pero aaminin ko, hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko pa ba ng 100% si Baekhyun. Akalain mo, bias ko na yun ah? Ewan ko pero gulong-gulo na kasi ako. Imagine, kung totoo nga itong dating issue na to for 4 months tayong nalinlang at naloko. 4months na akala ko coincidence at simpleng pag-fafanghei lang ni Baek yun pero hindi. May something na pala. Pero kahit ganun pa man, siyempre may tiwala pa din. Bias eh. Susuportahan pa din. Ano pa ba namang laban ko kay Teyen eh napakapogi nun.

Para sa mga BaekYeol shipper, wag kayong mawalan ng pag-asa. Eh ano naman ngayon kung may dine-date na ang bakla? Bakla pa din siya! Sa puso't isipan natin bakla pa din si Baekhyun at baklang bakla siya kay Chanyeol! Wag mong sukuan ang ship na yan lalo na kung nangako kang ishi-ship mo sila hanggang sa huli. Aba'y bobo ka naman kung sumuko ka na agad.

Inuulit ko, alam kong masakit kaya iiyak mo yan. Ilabas mo lang lahat ng sakit. Pero wag ka naman OA ha? Baka mag-laslas ka na o pabayaan ang pag-aaral mo. Hindi ikatutuwa ni Taeyeon o Baekhyun yan.

Tanggapin mo na lang ang katotohanan. Fan ka lang.

At ang trabaho mo ay ang RESPETUHIN ang mga desisyon ng iniidolo mo hanggang sa huli.

RESPETO.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dream Boyfriend [EXO-K Baekhyun Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon