Dream #11
Cerys' POV
*TEN TEN TENEEEEN TEN TEN TENEEEEN*
Tangina ano ba yun? Anong klaseng sfx ba yun? Napaka-poor ng author neto letche.
Teka nasaan nga ba ako? Bakit may pang-wedding na background music? Oo pang-wedding yun, walang kwenta no? Wala din kasing kwenta yung author.
Tsaka bakit ako... bakit ako naka-wedding dress? Ikakasal na ba ako?
HOMAYFAKINGSYET! TAPOS HONEYMOON NA MAMAYA?! SAGLIT! NAIISIP KO PA LANG.. NASASABIK NA AKO MWEHEHEHE.
Eh kanino naman kaya ako ikakasal? Napatingin ako sa may altar. Hindi ko nga alam kung paano ako napunta sa simbahan, basta nandito na lang ako at nag-lalakad ako papalapit sa groom ko.
Sa kaniya. Sa dream boyfriend ko. TANGINA MAG-IIBA NA BA TITLE NITO? MY DREAM HUSBAND NA BA?!
Nang makapunta na ako sa harap niya, he offered me his arm(puta umi-ingles) at ano pa bang magagawa ko? SYEMPRE YOU SHOULD GRAB DA CHANCE BEYBEH.
Lumapit na kami dun sa pari.
"You may now kiss the bride."
Ha? Kiss the bride agad? Anong klaseng kasalan ito? Saglit lang! Shet ang mga labi ko hindi na magiging virgin *Q*
Tinanggal niya ang veil(nakalimutan ko tagalog nun) ko at mginitian ako. NAPAKA-POGI!
Kaunti na lang ay mag-lalapat na ng tuluyan ang mga labi namin..
Ngunit..
*PPPRRRRUUUUUTTTT*
"Ow yeah.. Kkaebsong.." sabi niya pagkatapos niyang umutot..
"HIIIINDDDDEEEEEEEEEE!!"
Napatigil ako sa pag-sigaw ng ma-realize kong nananaginip lang pala ako. Shit. Nakakatakot na ang mga napapanaginipan ko these days! Kailangan ko na talagang mag-dasal bago matulog!
Nag-unat ako habang humihikab pa. Haaay nako.. Nakakagutom naman. Kailangan ko nang mag-handa ng almusal.
Inaantok at medyo nakapikit pa nang ibaba ko ang mga paa ko at kinapa-kapa ang sahig. Teka.. Nasaan na yung bunny slippers ko? Dito ko lang nilalagay sa tabi ng kama ko yun ah?
"Saglit... Nasaan ako?!" Nagising nang tuluyan ang diwa ko nang tingnan ko ang kwartong kinalalagyan ko. Hindi ito ang kwarto ko. Masyadong malaki at pang-mayaman kung tingnan kaya imposible!
Tiningnan ko ang wristwatch ko '7:57 PM' na. Ano bang nangyari?
Oo nga pala! Yung mga lalaking humahabol samin kanina! Kinidnap nila kami!
Si Baekhyun! Nasaan na yun?!
Dali-dali kong hinanap ang mga sapatos ko at sinuot ito. Kailangan kong mahanap si Baekhyun! Baka kung ano nang nangyari dun!
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto nakaramdam ako ng... katamaran. Aba papaano ko mahahanap ang baklang yun dito?! Ang laki! Mas malaki pa sa bahay nila tita! Kung hindi ako nag-kakamali, ito ang bahay nila Baekhyun. Aba! Mayaman nga! Dapat talaga kinukupitan ko na yung baklang yun eh!
Pero seryoso! Saang lupalop ng mansyon na ito ko mahahanap yung maharot na eyeliner freak na yun?
Ano ba yan.. mag-hihintay na nga lang ako sa loob ng kwartong pinanggalingan ko. Tangina, ang mga magaganda ay hindi dapat pinapagod. Hintayin ko na lang siya. Tsaka sa mga koreanovela, ang mga lalaki ang nagliligtas sa mga babae noh! Pero bakla naman yun eh so wala ding kwenta -__-

BINABASA MO ANG
My Dream Boyfriend [EXO-K Baekhyun Fanfiction]
FanficMy dream boyfriend. Oo, literal na 'dream' boyfriend dahil sa panaginip mo lang siya nakikita. Eh paano kung yung napapanaginipan mo ay bakla pala? Ito ay ang fanfic na puro kashungaan at kavovohan ang nilalaman. [Ito ay puro bad words. Kung ayaw mo...