***
Knowing na katabi lang ng bahay namin ang bahay ni Unique parang ayoko nang lumabas. Nahihiya ako! At hindi ko alam kung bakit.
Nagkulong na lang ako sa kwarto at nag-concert. Pinatugtog ko ang kanta nila at nagkunwaring guitarist. Gusto ko talagang matutunan ang paggigitara kaso nga lang busy ako. Ngayong summer sana kaso malayo ako sa siyudad kung saan may magtuturo sa akin.
"Mga ilaw sa daan nananana..." Sumayaw pa ako sa harap ng salamin. I'm enjoying this one right now.
Napanood ko na ang music video nila at ang masasabi ko lang, lahat sila nakakamangha. Pinanood ko rin ang mga performance nila kaya lalo kong hinangaan ang banda nila. Ang bata pa kasi nila but they can already show off.
Patuloy ako sa pagkanta nang marinig ko ang reklamo ni Luke. Hinaan ko daw ang boses ko dahil nakakarindi. To piss him off, lalo kong nilakasan kaya kinalampag niya na ang aking pinto.
Tumigil na ako sa pagkanta nang mapagod. Tumingin ako sa orasan at 7 pa lang sa umaga. Ang aga kong nambulabog.
Lumabas ako sa kwarto at nagkalkal ng pwedeng kainin. Wala sina mama kaya tinanong ko kung nasaan sila sa kapatid kong ubod ng sungit.
"Don't talk to me." Umirap pa ito at lumayo sa akin.
Five years old na si Luke pero kung makaasta parang matanda na. Hindi ko ala kung kanino siya nagmana. Masyadong masungit.
Nakarinig ako ng sigawan sa labas kaya sumilip ako sa bintana. Kita ko ang kumpol ng mga dalaga na nagsisigawan at parang may hinihintay. Maya-maya ay nakita ko ang isang van. Familiar 'yung van at kung hindi ako nagkakamali ito 'yung van ng IV of Spades.
Lalong lumakas ang pagtili ng mga dalaga nang lumabas sina Blaster. Nakasimpleng black shirt lang siya pero ang lakas ng kaniyang appeal.
May nakita akong nagpa-picture sa kanila kaya tumigil na ako sa pagsilip. Nakipagtitigan na lang ako sa mesa na kaharap ko ngayon.
"Here." Nagulat ako nang may iabot ang aking kapatid. Magtatanong pa sana ako kaso mabilis na tumakbo papasok sa kaniyang kwarto si Luke.
Tiningnan ko ang binigay niya sa akin at agad napangiti. Isa siyang papel at sa loob ay merong laman na mga candy. Meron ding drawing ang papel na kaming dalawa. Buhat ko siya at nakangiti ako habang nakasimangot siya.
Napangiti ako at napailing. Masungit man ang kapatid ko pero kapag naging sweet siya, ienjoy mo na. Minsan lang kasi.
Tahimik na sa labas. Six na kasi at madilim na. Lumabas ako para makapagpahangin. Nanonood pa naman sina mama ng tv.
Umupo ako sa dalampasigan at pinagmasdan ang dagat na may malalakas na alon. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang dagat. Ang payapang tingnan, parang walang problema.
"Miss ni Unique?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Blaster. Napangiti ito nang makita ako at umupo sa aking tabi.
"Hey," Bati ko dito.
"Tipid ah. Bakit ka nandito? Huwag mong sabihin na live-in na kayo ni Unique--" Inirapan ko siya at inilingan.
"Kung ano-anong iniisip mo." Saglit kaming natahimik. Palihim kong sinulyapan si Blaster.
Gwapo nga ito at mukhang laging nakangiti. Sa pagkakaalam ko, he's a God-fearing man kaya lalong dumami ang nahanga sa kaniya. Sa kanilang apat, siya din ang joker. Siguro ang sarap kakwentuhan ng isang tulad niya.
"Anong iniisip mo?" Tanong nito kaya napaayos ako ng upo. Umiling ako at umisod ng konti palayo.
"Alam mo ba sa ilalim ng dagat na 'to," Tumingin siya sa akin habang ako ay hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Alam mo ba kung ano ang nasa ilalim ng dagat na 'to?" Umiling ako. Ngumiti siya bago magsalita. "Sina Spongebob at ang mga basang burger."
Napabuntong hininga na lang ako sa kaniyang sinabi at hindi na pinansin. Kita ko ang pagsimangot niya.
"Grabe! Hindi ka man lang tumawa. Baka kung iba 'yun, tawang-tawa na sila ngayon." Hinarap ko siya at pinagtaasan ng kilay.
"Bakit ako tatawa?" Tanong ko. Umiling na lang siya at tumitig na lang sa dagat.
"May gusto ka kay Unique?" Hindi ako sumagot. Ayoko lang. "Crush mo siya no?" Inasar niya ako kaya napairap ako.
"Tumigil ka nga, para kang bata." Suway ko dito. Tumigil naman siya kaso nandoon pa rin ang mapang-asar niyang ngiti.
"May kwento lang ako sa'yo," Huminga siya ng malalim at humarap sa akin. "Itong si Unique, kasama niya ngayon 'yung matagal niya ng kalandian- este ka-mutual understanding. And I'm telling you this as a friendly advise. Mabait si Kara kaya siya nagustuhan ni Unique."
Bored ko siyang tiningnan.
"Tapos?" Inirapan niya ako at bigla akong talikuran. Tingnan mo 'tong lalaki na 'to!
"Hoy!" Pagtawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Napakibit-balikat na lang ako at hinayaan na lang siya.
Maya-maya ay naramdaman ko na may tumabi sa akin. Tiningnan ko ito at natagpuan si Blaster. Napailing ako dahil bumalik pa siya.
"Wala ka ba talagang crush kay Unique?" Tanong niya makalipas ang ilang minuto. Bumuga ako ng marahas na hangin at tatayo na sana kayo pinigilan niya ako. "Joke lang. Hindi na ako mangungulit, promise!"
"You better should. Feeling close naman," I smirked and crossed my arms.
"Ouch ha! Makafeeling close 'to, gusto mo rin naman." Napangiwi ako nang mapatingin sa kaniya. Feeling talaga nitong lalake na 'to.
"G. Dream on, Blaster!" Napatawa siya at ginulo ang buhok ko kaya napasigaw ako sa inis. Ayoko kasi nang ginugulo ang buhok ko.
"Ano ba!?" Hinampas ko siya pero panay siya iwas. Napairap na ako at malakas siyang hinampas sa braso.
Napahinto ako at nilibot ang aking paningin. Pakiramdam ko kasi may nakatingin sa akin. Natuon ang atensyon ko sa lalaking nakatayo sa may terrace at pinagmamasdan kami. Napaawang ang bibig ko nang tumalikod na ito at walang lingon na pumasok sa kanilang bahay.
***
YOU ARE READING
Love Me Not (A Unique Salonga FF)
Fanfiction"Being a fangirl, you should know your limitations." Adrienne Mendoza is a shy but loud type of girl. She's a fangirl of many groups but this band caught her attention. Akala niya ay simpleng paghanga lang ang kaniyang nararamdaman but what if it's...