Chapter 40: Still Young

489 24 36
                                    

***

Nakahawak si Unique sa kamay ko. Nandito na kami sa tapat ng unit ko. Ngumiti ako sa kaniya at siya naman ay ginulo ang buhok ko.

"Uh.. Bye?" Ngumuso ito pero agad ding bumuntong hininga at tumango.

"Hm.. See you tomorrow?" Napaangat ang kilay ko doon. Pero napangiti na rin. Tumango ako bago tumalikod at buksan ang unit pero hindi pa ako nakakapasok nang may mabilis na lumabas dito.

Nanlaki ang mata ko nang makita si papa na nakahawak sa kwelyo ni Unique. Napasigaw ako at akmang pipigilan si papa pero mabilis niya akong hinawi paalis. Agad naman akong dinaluhan ni mama na nag-aalala ang mukha.

"Ma.. Si papa pigilan niyo po.." Umiling siya at mahigpit akomg niyakap.

"Hindi ko na mapipigilan ang papa mo. May nagpadala ng picture mo at ni Unique." Napakunot ang noo ko at magsasalita sana kaso narinig ko ang pagsigaw ni papa kay Unique.

"TIGILAN MO NA ANG ANAK KO! LUMAYAS KA NA AT HUWAG KA NG MAGPAPAKITA SA AMIN!" Tinignan ko si Unique na blangko ang mukha. Kinagat ko ang labi ko at balak sanang pigilan ulit si papa kaso tumalim ang tingin niya nang sumulyap sa amin.

"Ipasok mo si Adrienne sa loob!"

Umiling ako kay mama nang hawakan niya ako sa braso. Mabilis kong sinulyapan si Unique at nakita ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Papa please!" Hindi siya sumagot. Pilit akong hilahin ni mama pero hindi ako nagpatinag. Kumawala ako sa kaniya at hinawakan ang braso ni papa.

Tumingin siya sa akin at pinanlakihan ako ng mata.

"PUMASOK KA SA LOOB ADRIENNE!" Umiling ako.

"Sir, huwag niyo naman pong sigawan si Adrienne." Mahinahon ngunit mariin na pagkakabigkas ni Unique. Galit na binalingan siya ni Papa.

Tuluyan akong nanghina nang makita kung paano kinaladkad ni papa si Unique. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti. Napalunok ako at umiling. Sinubukan ko pang sumunod sa kanila pero agad akong hinawakan ni mama.

Napaluhod na ako. Baka kung ano ang gawin ni papa kay Unique. Gusto ko silang puntahan pero nanlalambot ako. Bakit? Bakit nangyayari ito sa akin? At w-wait, ano ang sinasabi ni mama na picture?

"Galit na galit ang papa mo nang makita ito. Akala niya kasi pinaiyak ka ni Unique. Sinubukan ko siyang pakalmahin pero wala. Agad kaming pumunta dito at balak nga na saktan ng papa mo si Unique dahil sa ginawa niya sa'yo."

Pinagmasdan ko ang picture kung saan nakaluhod ako sa daan at nasa tabi ko si Unique. Ito 'yong akala ko si Arianna si Anonymous tapos nadatnan ako ni Unique na naiyak.

Humarap ako kay mama na malamlam ang mata. Mukha din siyang pagod at naaawa sa akin.

"Alam ko naman kung anong klase ng bata si Unique, mabait siya. Sinubukan ko talaga ang makakaya ko anak pero hindi. Hindi nakinig ang papa mo." Pinisil niya ang kamay ko at hinapit ako para yakapin.

Napayuko na lang ako at nagtuloy-tuloy ang pag-agos ng aking luha. Sana hindi saktan ni Papa si Unique.

"Adrienne... Makipaghiwalay ka na lang kay Unique." Napahinto ako at mabilis na kumalas kay mama. Umilinh ako ng paulit-ulit. Hindi! Hindi ko 'yon kayang gawin.

"Mas makakabuti 'to. Marami ka pa naman makikitang iba at bata pa kayo.." Humina ang boses niya. Bumuntong hininga ako at tumayo. Ayoko nang makipag-usap kay mama sa ngayon.

Umalis na ako sa harap niya at nagtungo sa kwarto ko. Unique...

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako sa malakas na pagkalampag ng pinto ko. Napahikab ako bago buksan ito at nakita ko si papa na nakatingin sa akin. Matalim ang mga mata niya at alam kong sa oras na 'to, natatakot at naiinis ako sa kaniya. Naging blangko ang mukha ko habang nakatingin kay papa.

Lumambot ang expression niya pero hindi yun sapat para manlambot ako.

"Adrienne.." Buntong hininga niya. Pumikit ako bago siya muling tingnan. "Ginagawa ko lang 'to para sa'yo." Hindi ako kumibo. Akmang hahawakan niya ako pero mabilis akong umiwas.

"Inaantok pa ako." Ang tangi kong nasabi.

Akmang tatalikod ako nang mahigpit niyang hinawakan ang aking braso at iniharap sa kaniya. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni papa kasabay ng pagdilim ng aura nito. Napaatras ako dahil dito.

"Hindi kita tinuruan na maging ganiyan! Kailan ka pa tumalikod sa amin kapag kinakausap ka ha?! Ayan ba ang natututunan mo sa lalaking 'yon?!" Napangiwi ako dahil ang higpit ng hawak niya sa akin. Dumaing ako pero mukhang hindi niya 'yon pinansin.

"Mula ngayon, ayoko nang makikita ka kasama si Unique! Makipaghiwalay ka sa kaniya dahil hindi mo magugustuhan kapag ako ang gumawa!"

Marahas niya akong binitawan at tumalikod na. Napaupo ako habang hawak-hawak ang braso ko na namumula. Bakit ganito si papa? Hindi siya ganito dati! Bakit ba hindi niya muna pakinggan ang sasabihin ko?!

Ayoko sanang bumaba para kumain pero narinig ko ang boses ni papa kaya napipilitan man pero sumunod na din ako. Naabutan ko sila na tahimik na nakain. Lumunok ako bago umupo.

"Hiwalay na ba kayo?"

"Nasa hapagkainan tayo." Saway ni mama kay papa na umangat lang ang gilid ng labi.

Nang matapos ay akmang lalakad na ako papunta sa kwarto ko pero pinigilan ako ni mama. Pumunta kami sa living room. Huminga ako ng malalim at sumandal sa sofa.

"Bakit ba atat na atat kayo na maghiwalay kami?" Umiwas ng tingin si mama. Seryoso naman ang tingin sa akin ni papa at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Sa kinikilos mo, mas binibigyan mo kami ng rason para ayawin namin ang gagong 'yon." Napalunok ako nang mapatingin sa nakakuyom na kamao ni papa.

Si papa ang playful sa pamilya namin. Kaya nagtataka ako sa kinikilos niya. At kahit kailan hindi niya pa ako nasasaktan. Ngayon lang. Alam kong hindi siya literal na sinaktan ako pero darn, ang hapdi ng braso ko dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak dito.

"Papipiliin kita, kaming pamilya mo o si Unique na 'yon?" Napasinghap ako pati si mama na katabi ni papa. Akmang hahawakan ni mama si papa pero mabilis na umiwas ang huli.

"Papa.." Ang tangi kong nasambit. Shit! Bakit ka ganito papa? Nasaan na ang dati kong ama?

"Pumili ka Adrienne." Matigas niyang bigkas. Napayuko ako. Ramdam ko ang panginginig ng aking labi senyales na malapit na akong maiyak.

"Adrienne, anak kita at gusto ko lang ang makakabuti sa'yo. At hindi si Unique ang para sa'yo."

"Adrienne, unti-unti kang nawawala sa amin. Sinasaktan mo ang damdamin namin dahil sa inaakto mo-- sa ginagawa mo! Hindi mo na kami nirerespeto!" Napaangat ang tingin ko sa kaniya at mapait na natawa. Respeto?

"Itanong mo kay Unique kung ano ang pipiliin niya! Ikaw o kung ang pagbabanda niya. Isipin mo, paano kung biglang sinabi ng manager nila na hiwalayan ka, ano sa tingin mo ang gagawin ni Unique?" Hindi ako nakasagot. "Mahal ka niya," May halong pagdududa ng sinabi niya ito. "Pero mahal niya din ang musika."

Naramdaman ko ang pagtayo ni papa at ang paghaplos niya sa aking buhok. Hinalikan niya ang ulo ko at ngumiti sa akin nang magtama ang mata namin.

"Anak.. Ituon mo muna ang atensyon mo sa pag-aaral. 18 ka pa lang, 19 pa lang siya. Bata ka pa para madawit sa magulong mundo nila. May mga fans na mapanakit. Kapag nasa tamang edad na kayo, saka kita papabayaan at susuportahan ka na lang namin ng mama mo."

"Please understand us, Adrienne. You're still our princess at ayokong masaktan ka."

***

Love Me Not (A Unique Salonga FF)Where stories live. Discover now