***
Nagising ako nang marinig na may tumatama sa aking bintana. Napahikab pa ako bago tumayo at hinawi ang kurtina. Hindi na ako nagulat nang makita si Unique.
Seryoso siya habang nakatingin sa akin-- no, nakatingin is not the right term, more on nakatitig. I glanced at the clock and found na 12 am na. I frowned at Unique who's still leaning in his window.
"What?" I whispered. Nadala na kasi ako noong sumigaw ako. Baka magising na naman si papa.
May inilabas siya na papel at doon nagsulat. I waited for his response. Ang haba kasi nang sinusulat.
'Sorry for what happened. Are you alright?'
I bit my lips to refrain myself from smiling. Hindi- hindi ako ngingiti. I calm myself before answering his question.
'I'm fine. And pls stop saying sorry, hindi kayo ang may kasalanan.'
I really want to roll my eyes pero hindi ko na lang tinuloy. They keep on apologizing when in the first place, it's not their fault.
Tumango na siya at ilang minuto kaming nanatiling tahimik. Nakayuko lang ako at pinagmamasdan ang aking paa. I feel comfortable just by staying here and knowing that Unique is just meters away.
Rinig kong may sumitsit kaya tumingin ako kay Unique at binasa ang nakasulat sa papel na hawak niya. Napataas ang kilay ko and gave him a questioning look.
'Can't sleep, gusto mo sa may seaside muna tayo?'
I shrugged and signaled him to wait for me outside. Nagsuot ako ng jacket bago lumabas.
Madilim na sa labas since it's already midnight at hindi uso dito ang puyatan. I roamed my eyes around and saw Unique sitting in the bench.
Lumapit ako sa kaniya at tumayo sa kaniyang tapat. He smiled when he saw me.
"Hey.." Bati nito.
"Hey too.."
Tumayo na siya at nagsimula na kaming maglakad. Hindi na rin kasi ako makakatulog for sure since nagising na ako. Baka mamaya pang two or three.
Umupo na kami sa may tabi nang puno ng niyog. Napahigpit ang yakap ko sa jacket. Ang lamig, I can feel the sea breeze and the cold wind mixed together. Ang payapang tingnan ng dagat sa ganitong oras. Tapos bilog pa ang buwan at maliwanag.
"So ahh... Tell me about yourself."
"H-huh?" Gulat kong tanong sa kaniya. Napayuko siya at napakamot sa kaniyang batok. Nag-angat siya ng tingin at umiling.
"W-wala. Sabi ko nakakagutom.." Napangiti ako sa sinabi niya. Rinig ko naman ang kaniyang sinabi nagulat lang talaga ako sa 'tell me about yourself' na 'yun.
I glanced at him and is it just me or talagang namumula ang kaniyang tenga? Is he sick or what? Kinapa ko ang kaniyang noo kaya agad siyang napalayo sa akin at nanlalaki ang matang tumingin sa akin.
"H-hoy!" Napatawa ako sa reaction niya. Ang laki kasi ng mata niya at parang takot na takot sa akin.
"Umayos ka nga, tiningnan ko lang kung may lagnat ka ba. Namumula ang tenga mo," Kinapa niya ang kaniyang tenga at meron siyang binulong sa sarili niya na hindi ko narinig.
Hindi ko na lang pinansin at sumandal sa puno na nasa tabi ko. Tama nga ang sinabi ni Unique nakakagutom.
"Nakakagutom..." Bulong ko. Napatingin tuloy siya sa akin at biglang tumayo. "Saan ka punta?" Takang tanong ko.
"Diyan ka lang. Kukuha lang akong pagkain." Tumango ako at sumandal muli sa puno.
Wala pang sampung minuto nang makarating siya dito. May dalang chips at tubig. Binuksan niya ito at nag-share kami.
"Bakit mo nga pala ako iniwasan no'ng nagdaang araw?" Sabi ko sa gitna ng katahimikan. Napayuko si Unique pero hindi rin nagtagal nang inangat niya ang kaniyang tingin sa akin.
"Gusto kong sabihin pero wala akong lakas ng loob.." Kumunot ang noo ko. Anong sinasabi nito?
"What?"
"Huwag mo ng alamin, magtataka ka pa." Napasimangot ako.
"Sabihin mo na! Inumpisahan mo na e." He shook his head still smiling.
"Still no."
"Tsk! Ang daya mo. Sinabi mo na, dapat wala ng bawian. Kumbaga ibibigay mo na sa akin 'yung pagkain pero idineretso mo pa rin sa bibig mo. Gets?" He chuckled and gently ruffled my hair. Hindi ako nagreklamo. Ang saya sa pakiramdam kapag siya ang gumugulo sa buhok ko. Weird.
"Saka ko na sasabihin kapag naayos ko na ang isa ko pang problema," I sighed. Tumawa siya at inangat ang aking baba. "Ngumiti ka, mas bagay sa'yo kapag ngumingiti ka."
I forced a smile at ipinakita sa kaniya. He just wrinkled his nose at piningot ang ilong ko. Napasapo naman ako dito. Ang liit na nga papaliitin pa.
"Narinig mo na akong kumanta, diba?" I nodded. Kakantahan niya ba ak-- okay. Ang pangit nung sentence.
Kakanta ba siya? Bigla akong naexcite.
He started humming. I just sit there and stared at him. He looks serious and deep int thoughts. Masyado talaga siyang misteryoso para sa akin.
"Every time in my mind, I'm telling myself,"
He closed his eyes. His breathing calmed and I can feel the peace in his mind now."Should I be? Who will be the man that'll hold your hand."
Nagmulat na ito ng mata at napansin ko ang pagguhit ng kakaibang emosyon sa mata niya nang binanggit ang huling line."Whenever I close my eyes, I can see your lovely smile,"
Our gaze met and I felt my heart goes wild again. Lagi naman ganito kapag nakikita ko si Unique. He smiled and then scoot closer to me."And I open it again and then I see the midnight sky."
Tinuro niya ang langit at napatawa ako doon."I composed that song." He stated and stared at me. Nakakailang ang kaniyang titig kaya napatango na lang ako. Umiwas ako ng tingin.
"Really? Ang galing mo pala sa ganiyan, you're really passionate in music." I can see him smiled and nodded. "Diba ikaw ang nagcompose niyan, so kanino dedicated ang kanta mo?"
Napatigil siya sa tanong ko. Babawiin ko sana kaso bigla siyang nagsalita at parang ako naman ang napatigil sa kaniyang naging sagot.
"Sa babaeng gumugulo ngayon sa isip ko," Napakagat ako ng labi at napayuko. Malalim akong huminga and flashed a forced smile.
"Talaga?" Tanging naisagot ko. Hindi na kami nag-imikan after that. For me, nagkaroon ng awkward tension sa pagitan namin. I shouldn't have asked that!
"Uhh... Sa tingin ko, kailangan na nating matulog." Tumingin siya sa relo niya.
Tumayo na ako at nagpatulong siya sa pagtayo. Tss, ang bigat niya tbh.
"Sige, tara na nga. Inaantok na rin ako." Liar!
Hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng bahay ko. Nagpaalam ako agad kay Unique na hinihintay ako at mabilis na pumasok sa loob ng bahay.
Humiga na ako at doon nagmukmok sa aking kwarto. Nasasaktan ako sa sinabi niya. Hinahangaan ko lang si Unique! Hindi dapat ako nasasaktan sa kaniyang sinabi! This can't be!
***
YOU ARE READING
Love Me Not (A Unique Salonga FF)
Fanfiction"Being a fangirl, you should know your limitations." Adrienne Mendoza is a shy but loud type of girl. She's a fangirl of many groups but this band caught her attention. Akala niya ay simpleng paghanga lang ang kaniyang nararamdaman but what if it's...