***
Unique apologised after realising what he did. Pinauna niya na ako sa paglalakad habang nasa likod ko siya. It's already 3 in the afternoon. Wala pa kaming imikan ni Unique and I find this atmosphere awkward.
Maya-maya ay nakarinig ako ng tawanan. When I looked at their direction, I saw Blaster, Zild, Badjao together with unfamiliar faces. Napatingin sa gawi namin si Zild at tinapik niya naman 'yung dalawa saka kami tinuro.
Nakalapit na kami sa pwesto nila. Blaster greeted me with a chortle smile and I can't help but look away. Kainis talaga ang isang 'to!
"Yie~ magkasama sila~" Pang-aasar ni Blaster at sinundot pa ang tagiliran ko. Isabay mo pa ang pagtawa ng mga kasamahan niya.
"Bwisit ka! Tumigil ka nga diyan." Huminto naman siya pero di pa rin naaalis ang nakakaloko niyang ngiti.
"Saan kayo galing?" Tanong ng pinsan yata ni Unique. Unique just shrugged kaya agad nila kaming binigyan ng malisyosang tingin.
"Tss. Pasok na ako sa amin," Paalam ko at kinawayan na sila.
Nadatnan ko si mama na nasa sofa at nagtatahi. Napalingon siya sa akin at binigyan ako ng makahulugang tingin. What's with their stares? Nakakailang.
"So how's your date with him?" Napangiwi ako at inilingan si mama.
"Friendly date, ma." I corrected. Ngumiti lang siya at pumasok na ako sa aking kwarto.
Hindi ko namalayan na malapit na palang matapos ang summer. Ibig sabihin nito, malapit na kaming umalis dito at si Unique. Dalawang linggo na lang at hindi ko na siya muling makakausap.
Nandito ako ngayon sa isang party ng kapitbahay namin. Puro kabataan lang ang nandito since 19th birthday ito ng isang lalaki. I think his name is Danny. Chinito at may pagka-playboy.
"Hey, didn't know that you're here." Napaangat ako ng tingin at nakita si Kara. She looks gorgeous wearing that white cocktail dress. Mukha siyang inosente but I know better.
Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo at inirapan ako. She's holding a drink at pakiramdam ko baka maibuhos niya ito sa akin.
"You don't belong here. Nagmumukha kang trying hard with that little red dress of yours," She smirked and I can't help but feel annoyed.
"Bakit ka ba nagkaganiyan. You're not the nice Kara I'd met. Ibang-iba ka na." Tumalim ang tingin niya at lalong lumapit sa akin.
"It's because I already told you to back off! Hindi ba sinabi ko ng may mutual understanding sa pagitan namin ni Unique and what did you do? You begged for his goddmn attention at ginulo mo ang isip niya!" Sigaw niya pero nakuha ng atensyon ko ang isa niyang sinabi.
"...ginulo mo ang isip niya!"
"Sa babaeng gumugulo ngayon sa isip ko,"
Hindi kaya ako ang tinutukoy niya noon? Mahirap mag-assume pero hindi ko maiwasan. Does he like me back?
"Ano? Natameme ka ngayon? Just face the reality, kami ni Unique ang bagay kaya umalis ka na! Layuan mo siya dahil hinding-hindi ka niya magugustuhan!" She shouted those words that made the crowd glanced in our direction. I was ashamed of what she did pero siya walang pakielam.
"You love him?" Mahina kong tanong.
"So much. We 're already an item before you came in the picture. So please, avoid him and let him be with me." Napaawang ang bibig ko. What is she talking about? Lasing siguro siya kaya niya nasasabi ang bagay na 'yan pero bakit ganon? Her words struck in my mind.
"Ganiyan ba talaga ang nagagawa ng pagmamahal? People became desperate and they forgot that they still have their dignity left?" Hindi niya ako sinagot. "You're beautiful, Kara. I hope you won't forget that."
Iniwan ko na siya at napailing. I can't believe she just begged at me. For all I know, Kara's just 19 or 18. Bata pa kami, marami pang makikita at makakasalamuha na ibang lalaki. She acts like she's so sure that Unique is her only one.
Dahil sa malalim na iniisip hindi ko namalayan na nabangga na pala ako sa isang tao. I looked up and my gaze locked at those frigid eyes. Nang makilala niya siguro na ako 'yun ay agad siyang ngumiti showing his white teeth.
"You okay? Sorry, hindi ako natingin sa dinadaanan ko." I shook my head.
"Nah. It's also my fault may iniisip kasi ako." Napatango ito.
"Bakit ka nandito? Close ka ba kay Danny?"
"Nope. Pinilit lang ako ni mama para naman daw ma-enjoy ko ang teenage life ko." He chuckled at inaya ako sa isang sofa na available.
"Wala ka bang kasama?" Tinitigan niya ako kaya agad akong napaiwas ng tingin.
"W-wala. Uhm.. Ikaw? Sino kasama mo?" May ininguso siya at nakita ko si Blaster na nakikipagkwentuhan sa mga babaeng nandoon.
"Hindi naman siya nainom ng alak kaya bahala na siya sa buhay niya. Ikaw na lang babantayan ko." Napalunok ako at kinalikot na lang ang daliri. Shit! Pumasok na naman sa isip ko ang sinabi niya dati.
"Sa babaeng gumugulo ngayon sa isip ko,"
"Gusto mo ba ng maiinom?" Tipid akong umiling. Gusto ko na kasing umuwi. Diba, hindi talaga ako mahilig sa ganito.
"Pwede na kayang umalis?" Mahina kong tanong. Napaisip si Unique at biglang ngumisi. Agad naman akong kinabahan dahil doon.
"Alam ko na!" Mahina niyang sigaw at ngumiti sa akin. Hinila niya ang aking kamay at mahigpit itong hinawakan. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi at pagtalon ng aking puso. Ghad! Ang corny ko na!
"I want to show you something." He said and stopped. Nandito na kami sa labas ng bahay.
"And I also want to confess something."
***
A/n:
Keep up for the next chapter! Confession on the way! What do you think is likely to happen? Btw, thank you for my active readers! I'm really entertained in your comments. Fighting guyseu~!
#LoveMeNot
@sheiaaa_
YOU ARE READING
Love Me Not (A Unique Salonga FF)
Fanfiction"Being a fangirl, you should know your limitations." Adrienne Mendoza is a shy but loud type of girl. She's a fangirl of many groups but this band caught her attention. Akala niya ay simpleng paghanga lang ang kaniyang nararamdaman but what if it's...