***
Ang unang pumasok sa utak ko ay ang tawagan si Jesse. I know na siguro galit siya sa akin pero kailangan ko nang makakausap.
"Jesse..." Walang sumagot pero alam ko na nakikinig siya. Napahikbi na ako ng tuluyan. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko kayang hiwalayan si Unique pero hindi ko rin kayang suwayin si papa."
Nakarinig ako ng pagbuntong hininga. Jesse please, I'm so sorry.
"Pupuntahan kita sa unit mo. Stay there." Naputol na ang tawag pero nanatili ako sa kinauupuan ko.
Umalis na sina mama kaninang umaga. Pagkatapos ng nangyari kagabi, wala pa rin akong tawag na natatanggap kay Unique and I think that's a good thing kasi hindi ko alam ang sasabihin ko kung sakali.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Jesse at Ari. Lalo akong napaiyak nang ngumiti si Ari sa akin at marahan niyang hinaplos ang likod ko.
"Sorry. Sorry." Patuloy kong sambit. Naninikip ang dibdib ko. Bakit ba ang bait niya? Napagbintangan ko na siya pero heto at nakakaya niya pa ring ngumiti sa akin.
Ikunwento ko sa dalawa ang nangyari. Tahimik lang silang nakikinig perk ramdam ko ang lungkot ma bumabalot sa aming tatlo. Patuloy si Ari sa pagpapatahan sa akin habang si Jesse naman ay seryosong nakatulala lang.
"I'm sorry Ari. Akala ko talaga ikaw 'yon. I'm really sorry for accusing you."
"Ayos lang. Naiintindihan ko pero sa totoo lang, nasaktan ako pero huwag mo na muna akong intindihin. Let's focus on you first, alright?" Napatango ako at nginitian siya.
"I think you should break up with Unique." Napalingon kami kay Jesse sa sinabi nito. Tumingin siya sa akin at bumuntong hininga. "Tama ang sinabi ng magulang mo. Masyado ka pang bata kung naiisip mong ipaglaban si Unique. I mean-- kung 25 years ka na siguro ngayon baka walang problema para sa kanila but look, you're just 19 years old. Relationship can either distract or inspire you. You can't break up with Unique pero ayaw mo ding suwayin ang magulang mo hindi ba?"
Tumango ako. I think alam ko na kung ano ang patutunguhan nito. I need to break up with him kahit ayoko. Kahit labag man sa kalooban ko.
"Ano ang gusto mong piliin? You know hindi mo pwedeng sabihin na hindi mo kailangan pumili when in fact, kailangan mo talaga. Choose and we're here to support you." Naramdaman ko ang pagtulo muli ng luha ko. Napahikbi na ako at mabilis na niyakap si Jesse.
Naramdaman ko ang pagyakap niya din sa akin kasunod ng paghagod nito sa likod ko.
"Mahal ko ang magulang ko. Mahal ko sila at hindi ko sila kayang biguin."
Biglang nagring ang cellphone ko. Napatingin kami dito at nakita ang pangalan ni Unique. Hinawakan ni Jesse ang kamay ko at pinisil ito. Huminga ako ng malalim at nanginginig ang kamay na sinagot ang tawag.
"Adrienne? I'm sorry. Ngayon lang kita natawagan, baka kasi nag-usap pa kayo kagabi ng magulang mo. Kamusta ka na? Hindi ka naman sinaktan ng papa mo, diba? Kumain ka na ba?"
Napatikom ang bibig ko para pigilan ang paglabas ng hikbi. Hinaplos ni Ari ang likod ko. Umiling ako dahil hindi ko kayang sabihin ang mga salitang iyon kay Unique.
"Adrienne magsalita ka naman oh. Kinakabahan ako sa---"
"Let's break up."
Nakarinig ako ng pagkalampag sa kabilang linya kasunod ng pagtahimik. Nanginginig man ang boses ko pero nagawa ko itong sabihin ng malinaw. Pasensya Unique. Sinaktan na naman kita.
"Adrienne, tapos na ang April Fools kaya hindi mo na ako madadaan sa ganiyan."
"No Unique-- I'm really sorry pero ayoko na." Huminga ako ng malalim at isinubsob ang mukha sa unan para pigilan ang paghikbi.
"Adrienne.. Huwag mo naman 'tong gawin sa akin." Rinig ko ang panginginig sa boses niya na parang nasasaktan. Napahawak ako sa dibdib ko nang sumikip ito.
"Stop it, Unique. Ayoko na.." Mabilis kong in-end ang call dahil hindi ko na kayang marinig pa ang boses niya.
Napayuko na lang ako at hinayaan ang mga luha na pumatak. Tahimik lang ang dalawa na pinapatahan ako at nagsasabi na ayos lang 'yan. How I hope na sana maging ayos nga lang ako.
I'm really sorry, Unique. Mahalaga ka sa akin pero hindi ko kayang sawayin ang utos ni papa. Sana mabigyan tayo ng pagkakataon kapag kaya na nila akong suportahan and I hope, you're still my Unique.
I love you and I know it's not the last.
***
YOU ARE READING
Love Me Not (A Unique Salonga FF)
Fanfiction"Being a fangirl, you should know your limitations." Adrienne Mendoza is a shy but loud type of girl. She's a fangirl of many groups but this band caught her attention. Akala niya ay simpleng paghanga lang ang kaniyang nararamdaman but what if it's...