***
"Bakit mo nagawa ito sa akin, Ari!?" Umiling siya at mariin na pinikit ang mata.
"I just want to help you.."
"HELP!? PINAGULO MO LANG ANG BUHAY KO!" She looked at me puzzled. Pagkatapos ay napaawang ang bibig niya at mabilis akong inilingan.
"No-- nagkakamali ka. Let me explain, first."
Hindi ko na siya pinakinggan. Lumapit lang ako at naging blanko ang mukha.
"Ayoko nang makita ang mukha mo, Ari."
Bumalik ako sa counter. Nakita ko pa si Jesse na magsasalita sana pero hindi ko siya pinatapos. Kumunot ang noo niya at tinawag ako pero hindi ako lumingon. Galit ako ngayon! Bakit si Arianna pa!? Hindi ko naisip na siya si Anonymous! Hindi niya 'yon magagawa sa akin pero b-bakit?
Napaupo na ako. Humagulhol lang ako habang naghihintay ng taxi. May tumigil sa tapat ko at nagbukas ang backseat. Lumabas doon si Unique na seryosong nakatingin sa akin.
Akmang aalalayan niya ako pero tinulak ko siya. Napabuga ito ng hangin at lumapit muli sa akin.
"Damn! Adrienne, bakit ka ba naglasing?"
Hindi ko siya sinagot. Hindi naman ako lasing. Nakadalawang shot pa lang ako. Pumikit ako at pumasok na naman sa isip ko ang narinig ko sa cr at si Ari. Napamulat ako at kumuyom ang kamao. Hindi ko pa rin matanggap na siya ang gumawa noon sa akin.
That night, tinawagan ko si Jesse. I need to tell her that Arianna's a fake! Hindi siya tunay na kaibigan para siraan ako!
"Hey, okay ka lang? Arianna asked me if you--"
"Jesse! Kilala ko na kung sino si Anonymous."
Narinig ko ang pagsinghap nito. Napalunok ako at mariin na ipinikit ang mata bago ito binuksan.
"Really? Sabihin mo at bubugbugin ko!"
"S-si Arianna..."
Biglang natahimik. Napakagat ako ng labi. Please believe me, Jesse.
"You're sick. Adri, kaibigan natin si Ari at hindi niya magagawa 'yon sa'yo."
"Yes! She was my friend. Pero Jesse, nagawa niya! Siya si anonymous at sinisiraan niya ako!"
"Nababaliw ka na." I rolled my eyes and sighed. "Just sleep and relax. Hindi si Ari 'yun. I've known her for years at alam kong hindi niya 'yun kayang gawin---"
"Pero nagawa na niya!" Pagsingit ko. Darn, bakit di siya naniniwala!? "Jesse! My ghad, I'm your best friend ako ang paniwalaan mo at hindi ang pesteng Arianna na 'ya---"
"Just stop will you!? Oo best friend kita but damn! Alam mong mabuting tao si Ari at hindi niya 'yon magagawa! You're damn sick! Magpa-checkup ka, baka may natanggal na turnilyo diyan sa utak mo!"
She ended the call leaving me jaw dropped. B-bakit!? Kumuyom ang kamao ko. That Arianna, siguro matagal na niya 'tong pinlano. She wanted to hurt me! At nagtagumpay siya! Nasasaktan na ako ngayon. Ano ba ang nagawa kong mali sa kaniya?
Nanghihina akong napaupo sa kama at patuloy na umaagos ang luha sa pisngi. I can't. I need someome to talk with my problems.
I dialed Angelo's number. Agad naman niya itong sinagot.
"Hey, bakit ka napatawag?"
Hindi ako nagsalita. Napahikbi na lang ako. Ang sikip ng dibdib ko.
"Adri? Hey! Ba't ka naiyak? Where are you?"
"A-Angelo... Can you meet me?"
Nandito na ako sa coffee shop at iniintay si Angelo. Malapit na daw siya. Napabuntong hininga ako at pumasok na naman sa isip ko ang naging sagutan namin ni Jesse.
That was our first fight. Laging smooth ang pagiging magkaibigan namin. Kung may away man kami, hindi 'yong tipong nagsisigawan na kami. Darn, nasaktan ako sa sinabi niya. Para bang mas pinapanigan niya pa si Ari kaysa sa akin matagal niya ng kaibigan.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon ako at nakita si Angelo kasama ang isang babae. Napakunot ang noo ko. Hindi ko kilala 'yong babae, maybe his girlfriend or a relative?
"Hey." Bati niya bago umupo sa tapat ko. Umupo din 'yong babae sa tabi niya.
Matangkad ito at may bilugan na mata. Hindi siya gano'n kaputi. Hanggang balikat ang buhok at payat.
"Ah... Si--"
Hindi na natapos ni Angelo ang pagsasalita nang pinutol siya ng kaniyang kasama. Ngumiti ito sa akin at inilahad ang kamay na tinanggap ko naman.
"Andrea Alto Umali. Pinsan ko si Angelo." Napatango ako at ngumiti din pabalik. "Adrienne, right?" Ngumiwi ako at tumango ulit.
Napatawa si Angelo na katapat ko. Tumingin ako sa kaniya at tinaas ang kilay.
"Siya 'yong kinukwento ko sa'yo na fan din ng Unique na 'yon." Napatango ako. Sumulyap ako sa babae na ngayon ay nakatulala. Napansin niya siguro ang pagtingin ko kaya tipid siyang ngumiti.
"So bakit ka umiyak?" Napanguso ako nang maitanong 'yon ni Angelo. Huminga muna ako ng malalim at sumipsip sa iced coffee na inorder ko.
Kinuwento ko sa kaniya ang nangyari. Tahimik lang siyang nakikinig pati ang pinsan niya. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko.
Napahinto ako nang hawakan ni Angelo ang kamay kong nasa lamesa. Marahan niya itong pinisil bago tipid na ngumiti sa akin. Napatingin pa ako sa pinsan niya na nakatingin sa cellphone nito.
"You will be fine. Sure ka ba na siya talaga ang nag-upload ng picture na 'yon?" Tumango ako. "Tinanong mo ba siya? Hindi ba siya tumutol?" Hindi ako sumagot at naramdaman ko ang pagkalas niya sa kamay ko.
"Adrienne. Baka naman iba ang sinasabi ng kaibigan mo. I mean-- dapat hindi mo siya hinusgahan muna?" Ngumiwi si Andrea at parang ingat na ingat sa mga sasabihin niya para hindi ako ma-offend. Ibinaba niya na din ang cellphone at malambot ang expression na tumingin sa akin.
Hindi ko na lang pinansin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Bumaling na lang ako kay Angelo na nakakunot ngayon ang noo. Mukhang malalim ang iniisip.
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Don't worry, Adrienne. If you need someone, nandito lang ako. Susuportahan kita sa desisyon mo." Napangiti ako at tumayo na.
Tumayo na ang dalawa. Lumapit sa akin si Angelo at tinapik ang aking balikat. Ngumiti naman si Andrea at nagwave na sila sa akin paalis.
Napahinga ako ng malalim. Sana, sana makinig sa akin si Jesse. Dahil ayokong mangyari din sa kaniya ang ginawa sa akin ni Arianna.
***
YOU ARE READING
Love Me Not (A Unique Salonga FF)
Fanfiction"Being a fangirl, you should know your limitations." Adrienne Mendoza is a shy but loud type of girl. She's a fangirl of many groups but this band caught her attention. Akala niya ay simpleng paghanga lang ang kaniyang nararamdaman but what if it's...