***
Time flies so fast, it's already Sunday in the evening and Jesse is already waiting for me in the lounge. I wore a white short and a black halter top. I partnered it with a pumps and checked myself in the mirror. I look pale and... boring.
Nang makita ako ni Jesse ay agad sumimangot ang mukha niya. She then shook his head at hinila ako papasok sa kaniyang sasakyan.
"Gosh! I already saw this coming." Rinig kong bulong niya at may kinuha sa backseat. She handed me the paper bag at binuksan ang pinto. "Wear that."
Tiningnan ko kung anong laman at napabuga ng hangin. A fitted red cocktail dress that perfectly fits my body. Meron din ditong black high sandals na sa tingin ko ay three inches lang ang heels. Napailing ako pero sinukat ko na din.
Nang matapos ko itong isuot ay lumabas na ako at ipinakita kay Jesse. She clapped her hands and grinned. Lumapit pa ito at pinagmasdan ang mukha ko. By her looks, she looks unsatisfied. Parang may hinahanap pa.
"Sexy ka nga pero ang putla mo!" She shrieked kasabay ng pagkuha ng something sa kaniyang bag. Napalaki na lang ang mata ko ng makita ito.
"Oh no! Hindi 'yan pwede! I already satisfy you with this dress at hindi ko na 'yan isusuot."
Tumawa lang si Jesse habang nalapit dito. Pinanlakihan ko siya ng mata pero wala pa ring epekto.
"Jesse!" Sigaw ko dahil ang lapit niya na sa akin. Lalo itong tumawa at huminto.
"C'mon! Don't be a baby, Ad. Lipstick lang 'to."
"I'm just 18-- 19!" Tumaas ang kilay nito at umiling.
"Na-uh. C'mon. Dalaga ka na and you're in your legal age! At duh? Minors are also using this. Hindi naman masamang maglagay."
Pinilit niya ako ng pinilit hanggang sa wala na akong magawa nang i-blackmail niya ako. See? What a sweet friend.
Napairap ako ng makita ang tuwang-tuwa niyang mata. Seriously, I look like a slut here. Hindi pa naman din ako sanay sa ganito. Humarap ako sa salamin ng kotse na tinted at nakita ang kabuuan ng mukha ko.
I glared at Jesse who's now smirking.
"Ang sexy ng kaibigan ko oh." She commented and I just rolled my eyes.
Pumasok na kami sa bar. The bar looks classy at halatang puro mayayaman ang nandito. Napakapit ako kay Jesse nang makita ang babae at lalaki na naghahalikan sa sofa na nasa tabi.
Jesse glanced at me at marahil nakita niya ang nakita ko. She just gave me a knowing smile before dragging me in the counter.
"I need to get wasted." Sabi niya. Hindi ko pa masyadong narinig dahil sa ingay.
I want to ask her why but I remained silent. I want her to open up on me without me forcing her. As far as I know, Jesse has this issue on her family.
"My parents want to get annulled. They want to separate and I don't know what to do. I feel hopeless everytime na naririnig ko ang pag-aaway nila. I cannot do something para pagbatiin sila."
Umiyak siya sa harap ko at nag-order ng hindi ko alam kung anong tawag doon. May inabot naman sa kaniya 'yung lalaki at mabilis niya itong ininom. Napangiwi pa siya at um-order pa ng isa. I sighed and decided na kapag nakarami na siya ay aawatin ko na. Hindi na rin ako nag-inom dahil bukod sa hindi ako sanay ay dahil na rin kay Jesse.
Pinapanood ko lang ang mga tao na nandito when a familiar back caught my attention. W-wait-- anong ginagawa niya dito? I thought he's alone but then another figure came into my view.
Napahawak ako ng mahigpit sa aking dress at napaiwas ng tingin. Akala ko ba hindi siya napunta sa ganitong lugar pero bakit nandito siya ngayon and worse, bakit kasama niya si Kara?
Lumingon ulit ako sa kanilang direksyon at nakita na meron pa silang kasama. Hindi rin pamilyar ang mga ito. Nakatitig lang ako sa kaniya at nang maramdaman na titingin siya sa aking direksyon ay yumuko ako at pinilit na itinago ang aking sarili.
Pansin ko na tipsy na si Jesse. She's laughing and mumbling something. Bumuntong-hininga ako at hinawakan na ang kamay niya. Napatingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Let's go home?" Sumimangot ito pero tumango pa rin. Kinapkap ko ang bulsa niya at nakita doon ang susi ng kaniyang kotse.
Mabuti na lang dahil nakakalakad pa siya ng ayos kaya hindi ako nahirapan na akayin siya. Pinatunog ko na ang alarm ng kotse at isinakay si Jesse sa backseat. Thanks to my papa dahil naturuan niya akong mag-drive noon.
Nang mailagay ko siya sa backseat ay isinarado ko na ang pinto. Inayos ko ang aking dress bago itinagilid ang katawan para pumunta sa driver's seat pero laking gulat ko nang makita ang isang taong hindi ko inaasahan na nakasandal sa isang kotse habang ang parehong kamay ay nakalagay sa bulsa.
Napalunok ako nang magtama ang aming paningin. He still got his signature hairstyle, nag-iba lang ang damit niya ngayon. Nakawhite-polo and black pants. Naka-leather shoes din siya at napansin ko na medyo tumangkad siya.
Kung hindi pa siya tumikhim ay hindi pa ako mapapatigil sa pagmamasid sa kaniya. He has this smirk na bumagay sa kaniya. Napalunok ulit ako at piniksi ang nasa isip.
"Hmm... nice meeting you again, Adrienne."
***
YOU ARE READING
Love Me Not (A Unique Salonga FF)
Hayran Kurgu"Being a fangirl, you should know your limitations." Adrienne Mendoza is a shy but loud type of girl. She's a fangirl of many groups but this band caught her attention. Akala niya ay simpleng paghanga lang ang kaniyang nararamdaman but what if it's...