Chapter 34: Truly, Madly, Deeply

601 23 37
                                    

***

Pagkalabas ko ng gate, agad kong nakita ang Van nila. Napangiti ako at lumapit dito. Nagbukas ito at bumungad sa akin ang nakangiting si Unique. Rinig ko naman ang pagngisi ng lalaking nasa driver's seat. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.

"Hello!" Masigla nitong bati sa akin sabay hila para makaupo ako sa tabi niya. Napasinghap ako dahil hindi pa ako sanay. Tinawanan niya ako at ginulo ang aking buhok. "Ang cute mo po." Pinisil niya ang pisngi ko dahilan para sumimangot ako. Ang sakit kaya!

"Saan tayo pupunta ngayon?" Kumindat lang siya at nagdekwatro ng upo. (I'm not sure sa tawag haha.)

Sasandal sana ako kaso nakapatong ang braso ni Unique sa inuupuan ko. Sumulyap siya sa akin at umangat ang gilid ng labi niya. Napaiwas ako ng tingin at hindi na lang sumandal. Argh! Nakakangawit.

"Sumandal ka na." Namamaos nitong sabi. Nanlaki ang aking mata dahil bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi kaya, may sakit na ako sa puso?

Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang balikat ko at isinandal sa upuan. Humilig rin siya sa aking balikat ko na siyang dahilan kaya parang nanigas ako sa kinauupuan ko. Naramdaman ko ang paghalakhak niya na parang natutuwa sa nangyayari. Napakagat ako ng labi at napahawak ng mahigpit sa aking palda.

"Masyado kang stiff. Relax." Tumawa pa ito. Nakasimangot ko siyang sinulyapan at laking-gulat ko nang mapatingin din ito sa akin. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.

Sinubukan kong magrelax. Ipinikit ko ang aking mata at bigla na lang nagdilim ang lahat.


Naramdaman ko ang pagtapik sa pisngi ko. I groaned at akmang hahawiin ang kamay ng istorbo nang maalala na nasa Van pala ako nina Unique. Agad akong umayos ng upo at tumingin kay Unique na nakatitig sa akin. May maliit na ngiti sa labi niya.

"Buti at gising ka na." Tumingin siya sa labas bago muling ibinaling ang tingin sa akin. Kumunot ang noo niya at may kinalkal sa kaniyang bag.

May inilabas siyang towel. Magsasalita pa sana ako kaso mabilis niya akong pinatalikod. Naramdaman ko ang paglagay niya ng towel sa likod ko. Ingat na ingat siya. Parang ayaw dumampi ng balat niya sa balat ko. Napatawa ako at nagpasalamat nang mailagay niya ito sa basa kong likod. Pawisin kasi ako sa likod. Kaya nakakapagtaka na nalaman 'yon ni Unique, ang unti lang nang nakakaalam nang sikreto kong 'yon.

Lumabas na kami. Nasa harap namin ay isang building. Third floor lang ito at parang walang tao. Hinawakan ni Unique ang kamay ko at hinila ako.

Napatingin ako sa aming kamay. I bit my lip to prevent myself from smiling. Kainis, kinikilig ako. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa rooftop.

Ibinaba niya na ang dala niyang gamit. Hindi niya pa rin ako binibitawan kaya bahagya akong napanguso. Tiningnan ko ang orasan. Malapit nang magseven.

Binitawan niya ako upang ayusin ang tela na uupuan siguro namin. Mahaba ang tela. Pwede nga kaming humiga dito. Inilabas niya din ang mga Tupperware. Tumingin siya sa akin at tumango.

"Halika." Umupo ako sa tabi niya.

"Wow. Picnic? Night version?" Natatawa kong tanong. Ngumisi lang siya at tinuloy na ang ginagawa. Busy siya sa pagprepare ng pagkain namin.

Ibinigay niya sa akin ang pinggan na may laman ng mga paborito kong pagkain.

"Ikaw ang nagluto?" Tumingin siya sa akin at ngumuso. Umiling ito at lumungkot ang mukha.

"Hindi e." Napakamot siya sa batok at napangiwi. "Pero 'yong juice, ako ang nagtimpla." Napatawa ako at nagsimula nang kumain.

Tahimik lang kami na nakain. Ang comfortable ng pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam ko nasasanay na ako sa presensya niya at yon ang kinatatakot ko. Baka kasi hanap-hanapin ko ito at sa huli masaktan ako.

Napailing ako at nagtuloy na sa pagkain. Nang matapos ay uminom ako ng juice. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Humarap ako kay Unique na seryosong nakatitig sa akin. He smiled at hinawakan ang kamay ko. Napalunok ako at pinakalma ang sarili.

"Hindi pa rin ako makapaniwala." Mahina nitong sabi. Nakatingin na siya sa kamay namin. "Sabi ko na nga ba at gusto mo rin ako e." Sinundot niya pa ang pisngi ko kaya inismidan ko siya.

"Ang hangin mo!" Tumawa lang ito at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Nanatili kaming ganoon. Nilalaro niya ang aking kamay habang ako nakatingin sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin sa akin ay biglang nag-smirk. Kumindat pa ang loko.

"Gwapo no?" Napairap ako at hindi makapaniwalang tiningnan siya.

"Hangin mo talaga!"

"'Sus! Gusto mo naman, ayiee~ kinilig siya oh." Bumitaw ako sa kaniya at kinurot ang kaniyang pisngi. Diniinan ko talaga.

"Tigilan mo nga ako, Kakaiba!" Tumango-tango ito pero nakangisi pa rin.

"Kakantahan na lang kita," Hinigit niya ako palapit sa kaniya at inakbayan. Huminga ako ng malalim bago isinandal ang ulo sa kaniyang balikat.

"I heard One Direction's your faborite boy group?" Tumango ako at narinig ko ang mabibigat niyang paghinga. Tumikhim ito bago mag-umpisang kumanta.

"Am I asleep, am I awake, or somewhere in between?
I can’t believe that you are here and lying next to me
Or did I dream that we were perfectly entwined?
Like branches on a tree, or twigs caught on a vine?"

Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko habang kumakanta siya. Ang lalim kasi ng boses niya. Ang lamig, ang sarap pakinggan.

"Like all those days and weeks and months I tried to steal a kiss
And all those sleepless nights and daydreams where I pictured this,
I’m just the underdog who finally got the girl
And I am not ashamed to tell it to the world"

Ipinikit ko ang aking mata at inisip kung anong maaaring mangyari. For sure, malalaman ito ng mga fans niya at siguro may ibang magagalit sa akin. Siya na nga lang ang single, kinuha ko pa? Napatawa ako sa aking iniisip kaya napatingin siya sa akin. Pinisil niya ang aking ilong bago nagpatuloy sa pagkanta.

"Truly, madly, deeply, I am
Foolishly, completely falling
And somehow you kicked all my walls in
So baby, say you’ll always keep me"

"Truly, madly, crazy, deeply in love with you
In love with you."

Nagbaba siya ng tingin sa akin at dinampian ako ng halik sa noo. Napapikit ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. What are you doing to me, Unique?

***

A/n:

Hi Guys! So walang edit-edit 'to kaya pagpasensiyahan niyo na po kung may mga wrong grammars and typo. Btw, how's the chapter? Kinikilig ako sa lyrics ng kanta lol. Enjoy reading! Hulaan niyo si Mystery sender ha. I would like to know your guess!

#LoveMeNot
@sheiaaa_

Love Me Not (A Unique Salonga FF)Where stories live. Discover now