CHAPTER 17 (updated)

1.5K 25 8
                                    

**CHAPTER 17**


**1 WEEK LATER**


It's saturday. As usual, break namin sa rehearsal ng cheering.


Drew: "Ui Khian, anung plano mo bukas?" siniko ako ni Drew.


Khian: "Bakit anung meron?" tinaasan ko siya ng kilay, takang taka ako.


Drew: "Birthday nyo ni Julia! Anu ka ba!"


Tumingin ako sa calendar ng cellphone ko.


Khian: "Hala! Oo nga noh?"


Grabe! Sobra na ang pagdadalamhati ko. Ang dami ng naaapektuhan sa nangyari, pati birthday ko nakalimutan ko na.


Drew: "Yan, puro ka kasi Harold. Harold, Harold, Harold!"


Harold: "Oh bakit ko naririnig pangalan ko diyan Drew?" sabat ni Harold na nasa kalapitan lang pala ang pagkakaupo.


Julia: "Wala, invited ka daw bukas sa birthday namin."


Harold: "Totoo ba iyon Khian?"


Khian: "Ah, buong team naman invited."


Drew: "Uyyyy.. Bati na sila" pang-aasar ni Drew.


Harold: "Bakit? Hindi naman kami magka away ni Khian ah."


Julia: "Khian okay ka lang?"


Khian: "Excuse me."


Nakakainis naman ngayon si Drew. Bakit ganyan siya? Kailangan nya pang iinsist ang sa amin ni Harold noon?


Hindi ko na nakayanan, nagwalk out na ako.


Hindi ko kasi kayang marinig pa ang mga susunod pang pang aalaska ni Drew at pag mamalinis ni Harold.


Baka maiyak lang nanaman ako. Bakit ganun ang sinagot ni Harold? Parang wala lang nangyari? Hindi ba niya alam kung ilang timba ang iniyak ko sa pag-iwan niya sa akin? Nakakainis siya! Wala akong magawa. Hay.


"Khian, saglit lang!" habol sa akin ni Drew.


Ang bilis kong maglakad. Tipong patakbo na ako papuntang canteen. Ikakain ko na lang ito. Hindi ko nililingon si Drew.


Naramdaman ko na lang ang kamay ni Drew sa akin, hinablot niya ang braso ko. Hindi pa din ako lumilingon.


"Khian? Anu ba? Binibiro ka lang."


"..."


"Khian!? Anu ba? Humarap ka nga sa akin."


Nasa kalagitnaan kami ng corridor papuntang canteen. Wala namang estudyante dahil sabado, pero bukas ang canteen para sa mga kakaing teacher.


"Bitawan mo ako Andrew."


"No."


"Let me go!"


Hinigpitan pa lalo ni Drew ang pagkakahawak niya sa braso ko.


"Khian, I wont."


Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Drew. Bakit ba kasi hahabol habol siya ngayon? Pagkatapos niya ako asarin sa harapan ni Harold?


"Khian, stop it."


**DREW'S POV**


"Sh*t." napamura ako habang hinahabol si Khian. Bakit ko ba siya inasar kay Harold? Eh ayaw ko na nga siyang nakikitang nasasaktan siya ng dahil sa g*go na iyon eh.


"Khian, saglit lang!" sigaw ko.


Inabutan ko siya. Pero hindi niya ako hinaharap. Alam kong nabigla lang ako sa mga sinabi ko. Kaya hihingi ako ng sorry.


"Khian? Anu ba? Binibiro ka lang."


"..."

Bakit hindi siya sumasagot? Hala! Anu bang ginawa ko! Ang t*nga ko talaga!


"Khian!? Anu ba? Humarap ka nga sa akin." pilit ko sa kanya, pero talagang nasaktan siya sa ginawa ko. Hindi talaga siya humaharap.


"Bitawan mo ako Andrew."


"No." pagmamatigas ko.


"Let me go!"


"Khian, I wont." anu ba itong sinasabi ko! Hindi ko na alam ang gagawin ko.


"Khian, stop it." Hindi na tama ito. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ako naaawa sa kanya, kung hindi, nasasaktan akong nakikita siyang ganito.


Gusto ko siyang icomfort pero my body is starting to freeze.


**JULIA'S POV**


Bakit ganoon na lang kung mag-alala itong si Drew kay Khian? Hhhhm sa bagay, all through out ng pangliligaw sa akin ni Drew, si Khian ang kasama niya. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit close na silang sobra.


"Ah Harold punta ka bukas ha." sambit ko sa kaharap ko.


"Sige Julia."


Bakit ganun si Harold? Wala lang man siyang pakielam na nagwalk out si Khian. Manhid na ba talaga itong lalaking ito? Bakit ganun? Parang wala silang pinagsamahan.


Birthday ko na bukas, at mukhang babaha ng alak. Magpapainom ako bukas sa bahay namin, kakausapin ko nga si Khian na sa amin na lang dalhin ang handa niya, para double celebration ang eksena.


"Makakain na nga, Kenneth! Pakain! Pahingi!" sigaw ko sa unggoy na kumakain sa gilid.


"Sige kuha ka lang. Julia, anung nangyari kay Khian?"


"Ah, ewan? Hhhm ang sarap naman! Luto mo?" change topic ko. Ayaw ko naman kasing may nangingielam sa buhay ng kaibigan kong si Khian. Besides ito na lang ang magagawa ko since sumunod na si Drew para icomfort siya for sure.


Napakabait talaga nitong si Drew, hay, nagkakagusto na ata ako sa kanya.


Since nangligaw siya, pinaramdam niya sa akin na espesyal ako. Yun nga lang, alam naman niyang may boyfriend pa ako. Si Khian naman din itong makulit eh. Palibhasa boto siya kay Drew para sa akin.


Sana lang maging okay na si Khian bukas. Masyado na siyang naaapektuhan sa nangyari. Pati grades niya bumaba dahil sa pagiging emotional niya. Minsan naiiyak siya sa klase, pero tinatago pa niya sa amin ito ni Khate. Mabilis siyang nakakapag punas ng luha at nakakangiti.



Lately nga medyo nabawasan ang pagbisita sa bahay namin si Drew, sa tinggin ko, inaalagaan niyang mabuti ang kaibigan ko. Iyan ang gusto ko kay Drew, hindi lang ako ang minamahal, pati ang mga kaibigan ko.


Minsan nga feeling ko sila na ang magbestfriend. Pero hindi kasi tama ang biro ngayon ni Drew. Anu bang nakain nun! At wala sa hulog ang jokes niya.


Nasaktan lang lalo ang kaibigan ko sa mga narinig niyang sagot mula kay Harold.


**NORMAL POV**


"Alam mong hindi mo dapat ginawa iyon."


"Kaya nga kita hinabol eh, para humingi ng sorry."


"Tapos na. Wala na akong magagawa. Hayy"


Humarap ako sa kanya. Namumugto na ang mga mata ko. Tumingin ako sa mata niya. I can't seem to understand those look coming from his eyes.


It seems that his worried, and at the same time, angry.


Napaka expressive talaga ng mga mata ni Drew.


"Drew? Okay ka lang" hindi ko na kaya, tinanong ko na siya kahit mahigpit pa din ang pagkakahawak niya sa braso ko.


"Khian."


"Drew kalimutan na natin. Okay na ako." nakatingin ako sa mga paa ko. yumuko ako.


"Khian"


Inangat ko ang mukha ko, nagkatinginan kami. Iba talaga ang tingging binibigay ni Drew. Hindi siya gumagalaw.


"I'm so sorry."


"Okay na nga Drew."


"I promise, hindi ko na uulitin yon sa iyo."


"Tara na, bumalik na tayo Drew. Okay na. Wag na nating sirain ang magandang araw na ito."


"Punta tayo mamaya kayla Julia ha?"


"Opo."


"Tara na."


Bumalik na nga kami ni Drew. Okay na din ang paglalakad sa hallway. Mahangin. Nakakarelief ng stress. Mabait sa akin si Andrew, twice na niya ako sinalo, nilaglag man niya ako kanina, hindi ko pagpapalit ang pinagsamahan naming dalawa para lang sa mga sinabi ni Harold o sa mga iisipin niya.


Mas mahalaga ang kaibigan, bago ang ego.


**FAST FORWARD**


Halos lahat ng cheer members andon na kayla Julia. Naghahappy happy, nagplaplano para bukas at kung anu-ano pa.


Hinintay ako ni Drew sa kanto, sabay kaming pumasok sa subdivision kung san nakatira sila Julia.


"Akin na yang bag mo Khian."


"Oh."


"Galit ka pa ba? Bumabawi na nga eh"


"Hindi ah, kaw talaga, wala naman akong sasabihin eh."


"Sana mag-enjoy ka bukas sa birthday mo."


Ngumiti lang ako kay Drew, after 5 minutes nakarating na kami, nasa pintuan si Tita Juliet, mama ni Julia, Tumatayong mother ng buong cheering squad.


Tita: "Oh eto na pala Julia ang isa pang may birthday eh, Khian James, pasok ka na."


Khian: "Salamat po Tita"


"Hi Tita!" singit ni Drew.


Tita: "Oh? Drew? Ikaw nanaman?"


Drew: "Grabe si Tita parang hindi na ako welcome sa bahay nyo."


Tita: "Hindi, ibig kong sabihin, nakabuntot ka nanaman kay Khian James?"


Drew: "Eh wala naman pong masama don Tita, magkaibigan naman kami."


Khian: "Aso eh, sunod ng sunod hahaha."


Tita: "Bakit ikaw pa may dala ng bag ni Khian James? Mamaya siya na nililigawan mo ha, hindi na anak ko."


Nagkatingginan kami ni Drew, bigla akong natawa, namula naman si Drew.


Khian: "Tita talaga, Sige na! Pasok na kami."


Tita: "Sige, Sige."


Hindi nagsasalita si Drew. Baliw eh, napikon ata sa joke ni tita. Wahaha, pero ako? Natawa talaga ako. Grabe si Tita, showbiz.


Inabutan nga namin ang kay gugulo naming teamates.


Hala! Harot dito, Harot doon, lalo na yung mga third year at second year. Puro isip bata pa.


Halos lahat sila nasa sala. Nanunood ng TV, Nakakatuwa lang dahil ang karamihan, nakaupo sa sahig. Tanging si Julia lamang at Kris ang nakaupo sa kaliwang sofa. Naggigirl talk. Si Kenneth at Alexander naman ang nasa kanang sofa. Si Drew, uminom sa kitchen.



My eyes automatically scanned the whole house. I find myself looking for Harold if he's around. Buti na lang wala siya ngayon, magiging komportable ang disperas ng birthday ko dahil wala siya.


Tumabi ako kay Kenneth, si Alexander nasa dulo, nakanganga pang nanonood ng TV, Mokong din talaga, magbestfriend nga sila ni Drew.


"Khian, sabay na tayo magcelebrate bukas ha? Dito mo na dalhin ang handa mo para isang venue na lang."


"Oo, sige."


"Oh musta pare?" si Drew dumating na kausap si Kenneth.


"Okay lang tol." sagot niya.


"Hi Andrew!?" sigaw ni Julia. Parang sabik na sabik naman ito si Julia kung makatawag.


"Hello." malamig na sagot ni Drew.


Isiniksik ni Drew ang sarili niya para makaupo sa tabi ko. Nagsisiksikan kaming apat sa iisang sofa.


"Sumiksik ka pa ditong kumag ka, ang laki-laki mo."


"Ayaw mo na akong makatabi Khian?"


Nagulat na lang ako kay Julia, masama ang tinggin sa akin at tumayo mula sa pagkaka-upo niya mula sa kabilang sofa. Padabog siyang lumapit sa amin.



Ano kaya ang problema nito?


===============================================================================

Here In My Heart (a true to life story) BOOK 1 - Destined (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon