CHAPTER 30 (updated)

1.1K 13 6
                                    

NOTICE: this chapter contains unusual and sensitive scenes. You have been warned.

**CHAPTER 30**

 **AUTHOR**

Walang malay ang ating bida na si Khian James Perez na may lihim na hindi ibinubunyag sa kanya ang matalik na kaibigan na si Andrew.

Alam naman natin kung ano ang gipit na sitwasyon ni Andrew. Sa pamilya at sa sarili.

At ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.

Kung matatandaan niyo may bali-balita na si Andrew ay na namamakla noon. Nakita siya sa tapat ng salon na kilala sa pagkakaroon ng mga empleyadong mga bading. Bading na nagbabayad ng serbisyo ng kalalakihan. Guro sa pinapasukan nilang paaralan pa mismo ang nakakita sa kanya, kasama ang ilan pang fourth year high school students, na naghihintay siya sa labas ng salon na parang callboy.

Sabado.

Umuwi noon sa Laguna ni Andrew, dinatnan pa din niya ang bahay nila na walang pinag bago.

Bahay na malaki, walang gamit, walang kuryente at walang tatay.

Alas singko na ng hapon ng makarating si Andrew sa Laguna, hindi niya syempre inabutan ang kanyang ina na nagtratrabaho sa maynila. Tuwing linggo lang ito umuuwi.

Sa dalawang daang kita sa araw-araw ng ina ay hindi ito sapat para tustusan ang limang anak, pagkain at mga gastusin sa bahay, at kung uuwi pa siya sa Laguna araw-araw, wala ng matitira sa kanyang sahod.

Inabutan niyang ina atake nanaman ang kanyang kapatid na may sakit sa puso. Kahabag-habag sa paningin niya ang makitang ganito ang sitwasyon nila sa buhay mula noong iwanan sila ng kanyang ama.

Panganay si Andrew, pero wala siyang magawa kung hindi ang magtiis, dahil wala din naman siyang maiaabot at maitutulong pang pinansyal para sa kanyang pamilya.

Nahinto na sa pag-aaral ang apat pa niyang kapatid. Ubos na din ang mga gamit nila dahil sa kakabenta ng mga ito. Tanging bahay na lamang ang meron sila.

Sinubukang puntahan ni Andrew ang kanyang amang may bago nang pamilya upang hingan ng pera para sa kapatid niya, naglakad siya papuntang kabilang purok, malayo, nakakapagod.

Wala siyang inabutan, gabi na ng maka-uwi siya sa kanila. Sa pag dating niya'y laking pasasalamat at umaliwalas na din ang pakiramdam ng kanyang kapatid.

Tanging singkwenta pesos ang budget nila sa gabing iyon, para makabili ng ulam. Bigas lamang ang iniiwan ng kanilang ina na kanilang niluluto sa pamamagitan ng pag-gagatong sa likod bahay nila.

Kandila lang ang tanging ilaw na makikita mo sa loob ng bahay nila, wala ang tunay na ilaw ng tahanan nila tuwing sasapit ang gabi.

Umuwi pa naman si Andrew upang humingi ng baon sa kanyang ina, pero mukhang walang maiaabot sa kanya ang ina, kinakailangan nanaman niyang tiisin ang sermon ng kanyang tita at busuguin ang sarili sa munting banana que na kaya lang bilhin ng barya niyang baon.

Umuwi din kinabukasan si Andrew sa tita niya sa Maynila. Iniwan ang apat na kapatid na sanay nang mabuhay ng sila-sila lamang.

Dumating ng linggo ng hapon si Andrew. Hindi na matiis ni Andrew ang kanyang kalagayan. Ni wala pang laman ang sikmura niya, kailangan na niya gumawa ng paraan upang malampasan ang kalagayang ito.

Naalala niyang mangutang na lang sa kaibigan niyang si Alexander, pero naalala niyang may utang pa siya dito, hindi pa siya nakakabayad sa huling hiniram niya, mapapatungan nanaman. Naalala niya ang biro noon ng kaibigan, na sa kabilang kanto mula sa tinitirahan nila, may salon kung saan may mga bading na nagbabayad ng serbisyo ng mga kalalakihan. Mataas ang bayad ng mga ito.

Here In My Heart (a true to life story) BOOK 1 - Destined (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon