CHAPTER 18 (updated)

1.5K 20 6
                                    

**CHAPTER 18**


Mabibigat ang hakbang ni Julia at nakatingin siya sa aming mga naka upo.




Patuloy ang pag uusap ng nasa kaliwa kong si Kenneth at sa Kanan kong si Drew.


Nakatinggin pa din ako sa padating na si Julia.


Laking gulat ko sa ginawa niya pagkalapit niya sa amin. Hindi ko talaga napansin ang pinagmumulan ng kinabwibwisit niya.


Tinanggal niya ang kaliwang kamay ni Drew na naka akbay pala sa akin, ang kanang kamay nito sa bewang ko at ang mukha niyang nakasandal din pala sa likuran ko.


Nakayakap bahagya pala si Andrew sa likod ko. Syempre ako di ko napansin yon dahil wala naman yon sakin.

Napansin kong napa ismid si Drew, nahinto din kasi ang pag-uusap nila ni Kenneth.


Dali-dali kumandong si Julia at nilagay ang mga kamay ni Drew sa bewang niya."Drew, kumain ka na ba?"


"oo naman."


Umalis ako sa sofa. Natatawa kasi ako kay Julia.


Nako naman oh! WAHAHAHAHA hindi ko nga napansin yun, tapos tinggin ni Julia sakin may malisya agad yun?



Kung maka dabog naman siya para namang gustong gusto ko ang friendly gesture na iyon ni Drew, eh buti pa kung si Harold iyon hahaha.


Umupo ako sa kabilang sofa at nanood ng TV.


**JULIA'S POV**


Anu ba naman itong si Drew! Dumating na ngang nakadikit kay Khian, hanggang dito ba naman samin, sumusunod siya sa kaibigan ko. Feeling ko tuloy pinopormahan na niya si Khian. Kung makayakap bahagya kay Khian, simpleng chance-ing din ito eh.


"Drew, kumain ka na ba?" tinanong ko siya habang pinagmamasdan si Khian na walang karea-reaksyong lumilipat ng upuan para manuod ng tv.


"oo naman."


Napakalamig naman sumagot nito ni Drew. Siguro tama ang hinala namin ni mama. Mamaya nadedevelop na ito kay Khian, grabe sobrang close na nila eh.


Napakabait naman kasi nitong si Khian bilang kaibigan, pero halata namang di pa sya nakakamove on kay Harold. Birthday pa naman namin bukas.


Kinalas ko ang kamay ni Drew na nasa bewang ko at tumabi ako sa kanya.


"Khian James, kayo na ni Andrew?"

Narinig kong napahinto si Khian habang kumakanta pang nakatutok sa tv. Nagulantang ako kay mama, grabe si mama magtanong, Ako nga hindi nagsasalita eh, baka magalit si Khian nito.


"Kailan pa po kayo nahilig sa showbiz? Haha" bulalas ni Khian, halatang inosente siya. Mukhang mali ang hinala namin.


Tumingin ako kay Drew, namumula siya, nahihiya ata samin?


"Bakit ganyan na lang kayo umasta? Eh para namang hindi anak ko nililigawan ni Andrew, parang ikaw." pagpatuloy ni mama.


Nakatinggin lang sila Kenneth, Alexander at lahat pa ng nanonood ng tv kay Khian. Lahat kami naghihintay ng sagot.


**NORMAL POV**


Mga tsismoso't tsismora din pala ang the rest of the team. Grabe, natatawa talaga ako sa kanila.


"Nako Tita Juliet, hindi lang pala kayo Showbiz, Comedian din pala kayo AHAHAHA" Bulalas ko, hindi ko na mapigilang matawa. Grabe ang team, natatawa talaga ako sa pagiging malisyoso ng ilan.


Napakagaling ko siguro magtago sa ngiti ko, kaya di nila nahalatang, di pa ako nakakamove on kay Harold. Kung alam lang nilang siya pa nga din napapanaginipan ko. Siya pa din ang naiisip ko pagkagising at bago ako matulog.


"Hoy Mokong, tayo daw ba! Wahahaha" tanong ko kay Drew.


Nagtatawanan na din ang ilan.

"Yan tita kasi, malisyosa hahaha" sabat ni Kenneth.


"Aba? Malay ko ba? Nagtatanong lang eh, mabuti na't maliwanag." si Tita Juliet na parang napahiya.


Napansin kong hindi nagsasalita si Drew, namumula siya at parang nagbibingi-bingihan, nanonood siya ng tv, habang lahat nagtatawanan. Pakiramdam ko napipikon na si Andrew.


"Tama na nga yan, magmiryenda na lang tayo, Mama handa na ba?" si Julia na parang nakaramdam na galit na ata katabi niya.


"Oo sige kain na kayo."


Agad-agad nagsitakbuhan ang mga kasama sa feeding program ni Tita, hahaha. Hindi naman ako gutom kaya hinayaan ko silang magkagulo sa dining. Naiwan ako at si Drew sa sala, nanonood ng tv.


Nakikita kong nakitinggin sa akin si Drew sa aking peripheral vision. Hindi ko siya tinitignan, baka kasi galit siya sa akin, napagkakamalan tuloy kami dahil nga sa sobrang close naming dalawa.


Baka layuan na lang ako nito, kaya di ko muna siya kakausapin.


Nagulat na lang ako ng tumabi siya sa akin at nilagay ang kamay niya sa likod ko papuntang bewang ko.


Mokong na ito! Hindi nagsasalita, pinipisil pa bilbil ko sa tagiliran.


"Problema mo? Nababaliw ka na sa gutom. Kumain ka nga don! wag yung baby fats ko pinagtritripan mo." saway ko sa kanya habang concentrate na concentrate ako sa panonood ng spongebob square pants.


Naramdaman kong nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.


"Wag mong pansinin yun ha." bulong niya sa akin.

Here In My Heart (a true to life story) BOOK 1 - Destined (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon