**CHAPTER 43**
**NORMAL POV**
Hindi ko alam kung talagang sinasadya ng tadhana na magkadikit ang bad news sa mga good news na natatanggap ko eh.
Yan na eh, umamin na ng nararamdaman si Andrew sa akin, kaso yan nanaman, may "pero" nanamang kaakibat.
"Ano iyong pagtatapat mo Andrew?"
"Uhm kasi may naghihintay pa ata sa akin sa Laguna."
Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi sa akin ni Andrew, anong ibig niyang sabihin? Naglihim siya sa aking may girlfriend siya sa Laguna?
Bigla akong nakadama ng matinding selos kaya kumalas ako sa pagkakayakap subalit pinigilan niya ako, hinigpitan lang niya ang pagkakayakap kahit na pilit ko siyang inilalayo mula sa akin.
"Yan ka nanaman, nag-hi-hysterical ka nanaman, wala pa nga eh, napaka-seloso naman nito."
"Bahala ka nga! Kita mo may babae ka naman pala talaga eh. Let go of me!"
"Wala akong girlfriend okay?"
"Eh bakit ka hinihintay?"
"Sabi ko diba may naghihintay ATA diba? Kasi nga nililigawan ko siya noon, eh hindi nanaman na kami nagkikita dahil bihira na ako umuwi ng Laguna, hindi gaya noon, every weekends. Tsaka hindi naman niya ako sinasagot, kasi mukhang malabo na din, ayaw ko na sa kanya."
"Bakit ayaw mo na sa kanya?" baby talk ko sabay balik sa pagkakayakap sa kanya.
"Eh kasi nandiyan ka na." paglalambing niya.
Sinandal ko ang mukha ko sa balikat niya, napagod ako kakaiyak. Grabe, parang hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari.
"So anong balak mo?" tanong ko sa kanya.
"Haharapin ko siya, sasabihin ko hihinto na ako sa pangliligaw, yun naman kasi gusto mo diba? Yung maging tapat ako sa mga bagay-bagay, tsaka mamaya bigla niya akong sagutin eh."
"Kailan mo pa siya haharapin?"
"Pag-uwi ko na po, ilang tulog nanaman na eh Christmas vacation na."
"Pina-alala mo pa, nalungkot tuloy ako."
"Oh bakit naman?"
"Eh kasi wala akong kasamang mag celebrate."
"Alam mo, it doesn't matter if I'm right beside you during that special season, isipin mo na lang, na wherever I am, my love covers you."
"Forevermore? Hahaha. Eh lyrics yan nung kinanta mo sa karaoke noon eh. Yung here in my heart."
"Yung kinanta ko para sa iyo."
Inalis ko ang mukha ko sa pagkakahiga at humarap sa kanya.
"Ikaw ha! Para sa akin pala iyon eh!" sabay kurot ko sa ilong niya.
"Sus! Bakit, ikaw din naman ah? Alam ko namang para sa akin yung kanta mo eh."
"Oh eh ano?" Then I smiled.
"Wala, magaling, maganda ang message." Then he smiled.
Hinaplos ko ang buhok niya, he just stared at my face.
"Alam mo, I never thought that this thing would happen."
"What this thing?"
"You, me, falling in love, eh alam mo namang ano lang ako, isang --" [Stopped]
Hindi ko natapos ang sinasabi ko ng takpan ni Andrew ang mga bibig ko.
"Don't you ever say that again! Magagalit ako. Wag kang mag-alala, hindi ka kakumpara-kumpara dahil you're unique. I don't believe in gender anymore, tanggap ko kung ano ka Khian, mahal kita bilang ikaw, kaya don't you talk about sexes again, na kesyo ganyan ka lang. Tsaka wag na wag kang mahihiya, lalo na kung kasama mo ako kasi what's important is you and me, don't mind them, okay?"
BINABASA MO ANG
Here In My Heart (a true to life story) BOOK 1 - Destined (COMPLETE)
RomanceKhian James Perez, a simple but out-of-this-world boy is transferred back to his old school where he is set to face new challenges and adversities that will change his life forever. His new adventures alongside with his newly found friends are about...