CHAPTER 40 (updated)

915 18 1
                                    

**CHAPTER 40**

**ANDREW'S POV**

Naglalakad ako pauwi ng makasalubong ko ang mga classmates kong patapon na ang buhay. Hahaha! Palibhasa tinuruan ako ni Khian kung gaanong kahalaga ang pag-aaral kaysa magbulakbol kaya naman ganito na kung paano ko sila i-define.

"Oh! Drew pre, kamusta! San ka galing?" bungad sa akin ng isa kong classmate.

"Ayos lang pre! San kayo punta niyan?" tanong ko.

"Pre nomo session kami! Sama ka pre! Inuman tayo dun sa bahay nila Jay-ar!" sagot naman nung isa kong classmate.

"Ah eh, pre, sige pass muna ako, may gagawin pa ako sa bahay eh." palusot ko.

"KJ mo na ngayon pre ha? Estudyanteng-estudyante ka na."

"Hahaha, grabe ka pre! Sige susunod ako kapag pinalabas ako ni tita!"

"Sige pre!" sabi nila.

"Geh pre, ingat sila sa inyo!" sigaw ko sa kanila, nagtawanan naman ang mga loko.

Tuluyan na akong nilubayan nung mga classmate ko, mga baliw eh! Tapos bukas hindi magsisipasok ng school dahil sa hang-over!

Nang makarating ako sa bahay, agad-agad akong nagmano kay tita, naglinis muna ako ng kaunti bago ako kumain. Tinuruan na kasi ako ni Khian na magpakumbaba na lang eh, sa bagay tama naman siya eh, wala naman akong dapat ipagmalaki, kasi nakikitira lang naman talaga ako dito.

Nakatingin lang ang pinsan kong si Emerson sa akin habang kumakain ako, nginitian ko lang siya.

Pagkakapkap ko sa bulsa ko'y naalala ko yung sulat na ibinigay sa akin ni Khian. Nagmadali akong tapusin yung kinakain ko at naghugas na agad ako ng mga pinagkainan.

Nagpaalam lang ako kay tita na magpapahangin muna ako sa labas at tumango lang naman siya.

Bumaba ako at nagtungo sa basketball court, tahimik dito dahil alas syete na din naman ng gabi. At tsaka condominium naman kasi dito.

Hindi ko alam kung bakit ako sinulatan ni Khian, eh nagkikita naman kami araw-araw. Nakaramdam tuloy ako ng matinding kaba.

Inumpisahan kong buksan ang sulat ni Khian.

Drew,

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang letter na ito, panigurado kasing hindi ko magagawang sabihin sa iyo ng harapan ang laman ng liham na ito, kaya isinulat ko na lang po.

Umpisa pa lang, parang nararamdaman ko na kung ano ang laman ng liham na ito.

Natapos kong basahin ang napakahabang sinulat ni Khian, at tama nga ang hinala ko, magtatapat na siya sa akin.

Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Hindi naman ako galit sa kanya, pero parang nakaka-ilang na ewan!

Alam ko namang espesyal ako sa kanya, pero hindi ko akalaing magtatapat pa siya. Akala ko kuntento na din siya sa ganito kami eh, kasi ako kuntento na.

Tsaka isa pa, hindi ko alam kung kaya kong pumasok sa ganitong klaseng relasyon. Hindi ko alam kung handa na ako sa ganitong mga bagay.

Kasi wala din namang mangyayari kung magiging kami eh, ganito lang din, oh eh bakit pa kailangang magkaroon ng opisyal na kami!

Sabi nya, hindi sya humihingi ng kung anong pabalik, eh ano pang purpose kung bakit niya ako sinulatan!

Hindi naman ako manhid eh, alam kong mahal ako ni Khian, na sa akin na ang problema, hindi ko alam kung mahal ko din siya. Pero mali ito eh. Lalaki ako. Lalaki.

Here In My Heart (a true to life story) BOOK 1 - Destined (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon