**CHAPTER 19**
**LUNCH BREAK**
Justine: okay guys, lunch break muna tayo, it's 12 noon, be back at exactly 2pm. Okay?
Lutang pa din ang isip ko. Iniisip ko kung ano kaya ang sasabihin pa ni Harold sa akin kung hindi ako nag walk out.
Paano kung good news?!
Wala pa din ako sa hulog.
Naghiwa-hiwalay na kami paglabas ng gate, nakita kong nasa harapan ko si Andrew, at naririnig kong nasa likuran ko si Harold, kausap ang isa pa naming teammate.
Tulala itong si Drew, tulala na ata sa gutom, hahaha.
"Andrew!" sigaw ko at nag wait sign pa ako.
"San ka?" tanong ko.
"Uuwi."
"Tara!"
"San?"
"Sa bahay! Dun na tayo lunch mokong!"
"Wag na! Nakakahiya naman."
"Inarte ka noh? Ikaw nga lang niyaya ko maglunch sa amin ee."
"Sige na nga, ah eh ako na magpapayong satin. Kawawa ka naman."
"Ako na mas maikli braso! Tangkad kasi eh!"
"Hahaha! Kasalanan ko?"
"Oo na! Dalian mong maglakad, nasa likod ang dyablo."
"Bitter ka. Hayaan mo na nga sya! lika nga rito."
dug dug [heartbeat]
dug dug
HALAAAAAAA ! Bakit ganun !
dug dug
dug dug
Bakit ako kinakabahan! Eh umakbay lang naman si Drew sa akin! Eh normal na samin ito eh.
dug dug
dug dug
"Khian?"
"po?"
"Do I look good today?"
"Bakit mo tinatanong?"
"Para pag humarap naman ako sa family mo, presentable ako."
WAAAAH! Anu ba itong sinasabi ni Drew? Parang may laman!
"Oo naman."
"Pogi ba?"
"Pogita. Wahahaha"
"Sus, Pogita pero habulin?"
"Parang humangin noh Mac Andrew?"
"Hindi ah, ang init nga eh, kasing Hot ko." sabay dikit ng mukha sa akin.
Oh my! Grabe si Drew! Anu nanaman ba pinapalabas nito? Sinasadya ba niyang magpaka sweet dahil nasa likuran namin si Harold, o sadyang mahangin lang siya? He's starting to act weird.
Pero d*mn it! I must admit, sh*t! Ang pogi nga niya! Wahahaha, namumula ako.
"See? You're turning red Khian. Ang hot ko kasi talaga." sabay ngiti.
"Baliw."
"Sinong nababaliw sa akin?"
"Adik."
"Sinong na-aadik sa akin?"
"Tigilan mo nga Drew! Lumiko na sila Harold sa street nila! Wag ka nang mag inaso mokong ka!"
Napansin kong natigilan si Drew, napahiya ata siya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Here In My Heart (a true to life story) BOOK 1 - Destined (COMPLETE)
RomanceKhian James Perez, a simple but out-of-this-world boy is transferred back to his old school where he is set to face new challenges and adversities that will change his life forever. His new adventures alongside with his newly found friends are about...