Joe's Pov
Walang pasok ngayon. Kaya nandito ako sa mall. Mag-isa akong kumakain ng ice-cream na cookies and cream. Naka white T-shirt at black pants ako. Nakakangitngit naman at nakakainis ang mga mag-jowang lumakad lakad sa harapan ko. Ang lakas nilang mag-PDA dre. Hindi ako bitter. Ayaw ko lang ng ganoon. Get a room please. Kaya habang kumakain ng ice-cream na gusto kong ibato sa ulo nila, binuksan ko ang newspaper na dala ko. Ang hirap talagang mag-isa. Natapos ko na akong kumain ngunit panay epal pa rin ng mga tao na nagyayakapan. May HHWW ding nalalaman. Nakaka-distract.
Nahuli ng mata ko si Tyler. Ay ang lalake nandito. Pero bakit parang tulala siya. May nakabanggaan pa siya.
"Tyler!" Tinawag ko siya. Nahagip niya ako kaya lumapit siya.
"J-joe. Patulong naman," anong tulong ang hinihingi ng bakulaw? "Paano maging guwapo?"
Natawa ako sa tanong niya. Nahiya siya kay yumuko siya. Iyan ang mali sa kanya e. Masyadong lupaypay. Duwag. Torpe. Hayaan nanga at matulungan si pare.
"Alam mo pare. Ang unang step para maging gwapo ka parang ako ay idaan natin iyan sa looks," naguguguluhan pa rin siya. Ay ang slow naman ni pare. "Iyang hairstyle mo ang panget. Ano ka si Harry Potter? May salamin ka pa. Magpa contact-lens ka kaya. Pang old-school din ang mga style mo dre. Pero dahil nandito ako tutulungan kita."
"T-talaga?" Tumango ako. Ifi-fist bomb ko palang siya nang nadapa na dahil sa pagtulak ko ng chest niya. Ang duwag niya talaga. Parang babae. Mas malala pa 'yata. "Salamat Joe!"
Yah. Yah. Malaki ang utang na loob sa kin ng tukmol na ito.
Ang una naming pinuntahan ay ang salon. Ipapaayos namin itong buhok niya. From Harry Potter hairstyle to Jack ng Jack the Giant Slayer. Madyo nag-iba 'yung mukha niya. Parang biglang gumuwapo?
Ano ba 'tong pinagsasabi ko. Dapat itatatak mo sa kokote mo Joe na isa kang tomboy.
Dumaan rin kami sa EO. Kaya nag-contacts ang damuho. Pinilit ko kasi e. Atsaka tinutulungan ko lang naman siya sa kanyang kalokohan.
Last ay ang department store. Nag-try siya ng mga damit. 'Yung saleslady grabe makatingin. Ito namang si Tyler napakababa ng self confidence ayan nahiya. Hays.
"Tapos na ang looks mo," panimula ko habang kinakain ang burger Mcdo. Tumango naman siya at kinain ang fries niya. Ang takaw ng mokong na'to. Um-order siya ng 1 pc chicken with rice, spaghetti, mcfoat, sundae, fries, at burger. Buti na lang marami siyang pera. "Ang problema mo lang ay ang pagiging duwag mo. So you'll come at my condo later."
"Ha? A-anong gagawin natin doon?" Kung makapagtanong naman si Tyler ay may gagawin akong masama. Kaya sinamaan ko siya ng tingin at binatukan.
"Edi tutulungan kitang maging pogi gaya ko. Iyong hindi duwag." Litanya ko.
---
"Makinig kang mabuti pre," panimula ko. Tinapik ko pa ang kanyang balikat. At umakbay. "Gayahin mo 'tong lakad ko."
'Tas lumakad ako. 'Yung pa-cool na style. May pa-pogi sign pa akong nalalaman. Ginaya naman ako ng mokong. Okay naman siya. Pero madalas yumuyuko e.
"Huwag kang yumuko. Keep yourself with confidence. Dapat hindi ka magpapa-api. You have to learn to fight for yourself. Kung puwede lang na basagin mo ang mga bungo ng mga noon ay gagawin mo, e. Kaya itatak mo ito sa kukute mo."
"O-okay."
"And don't stammer! Bawar salita na sasabihin mo ay may kasiguraduhan at kaaya-aya. Now answer this. Why all of a sudden you like to change yourself?"
"Dahil kay Hannah. Tulungan mo naman ako na manligaw sa kanya," alright. Bigla namang kumislot ang puso ko. "Gusto ko siya. Kaya ngayon para naman may mapatunayan ako, binago ko ang sarili ko."
Hindi ko alam kong tama ba itong ginagawa ko. Kung itutuloy ko ba o hindi. Dahil pakiramdam ko may mababago na nag-aabang. Masam ang pakiramdam ko dito. Pati naring ang pagkirot ng puso ko. May mali ba sa akin?
"Oh. Really," nasabi ko na lang. Bakit ba ako nasasaktan? Hindi ko na rin alam kong sarili ko na itong nagsasalita. Parang panandaliang dumating ang dating Joe. Ang Joe na mahina. Na palaging nasasaktan. "Sige. Tutulungan kita."
"At salamat nga pala sa first date natin."
"First Date?!"
YOU ARE READING
My Strings of Love
RomanceThere are things that are making us mad or triggering us to do bad things. There are also things that makes us happy. These points are a vital role on our life and it's somewhat attached to us. Joe didn't act as a girl. She likes to be a boy than c...