Joe's Pov
Nagising ako nang maramdamang tumatama ang sinag ng araw sa aking mata. Nanghihina parin ako. Pinilit kong bumangon.
"Okay ka lang ba?" Napatingin ako sa kanya. "Ang init mo. May lagnat ka."
Umalis siya saglit. Bakit nag-iba 'tong suot kong damit?! Nakita kong inilapag niya ang malaking basin na may tubig. May basang bimpo siyang hawak.
"Sinong nagbihis sa akin?!" Galit kong tanong.
"Bakit? Mag-bro naman tayo, a. Kaya okay lang kahit palitan ko iyang damit mo."
"Hindi ka pa nag-iisip?! Kahit tomboy ako may pempem parin ako no?!"
Tumawa siya. Naku naiinis na ako sa lalaking 'to. Kinuha niya ang kamay ko. Dumampi ang malamig na bimpo. Pinunasan niya ang mga braso ko. Pati ang leeg at mga paa. Nagkakaroon na yata ako ng utang na loob dito sa lalakeng ito.
"O, kain na." Iginaya niya ang mainit na bowl ng sopas. "Gusto mo subuhan kita?" Inalalayan niya akong bumangon.
Unuling ako. Pero sumandok siya sa bowl at itinapat ang kutsara sa aking bibig.
"Kain na," ibinuka ko ang aking bibig. Isinubo niya ang sopas. Caring pala ang loko. Ngumiti pa siya sa akin. Naku tigilan mo yan kung ayaw mong mayaka- este makaltukan kita. "Ayan. Kain ka ng marami para gumaling ka."
May klase ba ngayon? Mayroon yata. Anong date ngayon?
"May klase ngayon?" Tanong ko.
"Wala. November 1 na, e." Yung pupuntahan namin ni Abi!
"Pakikuha nga yung cellphone ko!"
"Hindi maaari. May sakit ka."
"Ite-text ko lang kay Abi na hindi ako makakapunta sa sementeryo para sa mahan siya dahil may lagnat ako. Kung ayaw mo, tatakas na lang ako."
"Sige na nga," inilahad niya ang cellphone ko. Nagtipa agad ako ng message kay Abi.
Abi. Sorry di ako makakapunta. May lagnat kasi ako. :(
Ibinalik ko kay Tyler ang cellphone. Nakatingin siya sa akin. Ano ba?
"Teka? Kaninong bahay ito?" Tanong ko sa kanya. Binuksan niya ang TV at hinarap ako.
"Sa akin," nanlaki ang mata ko. Mayroon siyang sariling bahay?
"Bahay mo?"
"Oo. Pera ko mismo ang nagastos sa pagpapatayo nito," HBO ang pinapanood namin. Ayaw ko niyan.
"Ilipat mo nga sa Disney Channel," utos ko. Magaling na ako. Kaya ko nang umupo.
"Ayaw ko nga. Di ba tomboy ka? E bakit gusto mo ng Disney?" Tanga rin e no. Siyempre mga panglalaki ang papanoorin ko.
"Sige na," pinalakihan ko siya ng mata. Matakot ka. Matakot ka.
Hinablot ko ang remote. Atsaka inilipat sa Disney. Pokémon.
"Ano ba 'yan? Ang pangit ng palabas!" Parinig ni Tyler. "Pabebe pa iyang si Pikachu."
"Anong karapatan mo para sabihin iyan?" Bastos rin eto, no.
"Hays. Naghihirap ako dito sa pambatang palabas na pinapanood ng isang tomboy na hindi ko maintindihan."
---
Ilang araw ang makalipas nang araw na 'yun. Hindi na siya nagparamdam. Palagi niyang kasama si Hannah. Nakakabanas na."Hindi porket November ngayon ay palaging biernes santo ang mukha mo," kaya palagi kong kasama si Abi.
Nasa cafeteria kami ngayon. Tiningnan ko ang table nina Tyler.
As usual napaka-sweet na naman nila. Isinubo ni Hannah ang kutsara na may laman ng macaroni sa bibig ni Tyler. Ngiting-ngiti ang mokong. May natira sa labi nito. Pinunasan ni Hannah gamit ang hinlalaki niya. Sinipsip ito.
"Uy baka matunaw sila," tigilan mo ako Abi kung ayaw mong masapak.
"Hey, can I sit beside you," napatingin ako sa nagsalita. Mukhang half pinoy half american. Gosh ang guwapo. Pero mas pogi si Ty- este ako.
"Oh sure! Sure!" Nakangiting wika ni Abi. Mapupunit na yata ang bunganga niya sa laki ng ngiti niya.
"I was watching you from afar earlier. Mukhang inggit na inggit ka sa dalawang magkasintahan doon," alam niya palang magtagalog.
"Ako inggit? Hindi, a." Defensive.
"Let me help you," sumandok siya sa kinakain kong pansit at itinapat sa akinv bibig. Parang yung scene noong nagkalagnat ako? Gosh. "Open your mouth."
Go with the flow na nga lang. Sumubo ako. Nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sa aking gawi ang mga ilang studyante. Nakakahiya.
"Dapat ako rin," napa-huh ako. Ginawa ko na lang ang sinasabi niya bahala na nga.
Kaya ang kalabasan, tumayo si Tyler sa pagkaka-upo niya at nilapitan kami. Anong gagawin niya?
YOU ARE READING
My Strings of Love
RomanceThere are things that are making us mad or triggering us to do bad things. There are also things that makes us happy. These points are a vital role on our life and it's somewhat attached to us. Joe didn't act as a girl. She likes to be a boy than c...