Chapter 9: Change

0 0 0
                                    

Joe's Pov

Lunes na. Ang bilis nga ng panahon eh. Third week ko na sa bago kong school. Kaya habang naglalakad ako sa corridor, may nakabangga along babae. Maganda siya. Maputi. Sexy. Blonde ang buhok.

"Ay, sorry miss," litanya ko. Nakaka-inlove 'yung ganda niya.

"Okay lang. Ako nga pala si Abigail," she extended her hand as if asking for a handshake. "Ikaw anong pangalan mo?"

"Ako si Joe," siyempre nakipag-handshake ako. Chix 'to brad. Mukhang chance ko na'to.

"What a weird name. Pero gusto ko," mabait din siya. Palangiti. Hays. "Friends na tayo ha?"

"Sige."

Haha. Iku-kuwento ko 'to kay Tyler.

"Friend nakita mo ba 'yung bagong lalaki dito sa school?"

"Oo friend. Ang guwapo niya kyaah!"

Ilang sandali nakita ko si Tyler papalapit. Bigla namang tumili ang mga nasa paligid. Mukhang alam ko na ang pinag-uusapan ng dalawa malapit sa kinatatayuan ko. Hays. Punta na nga ako sa room mga pre.

"Class we have a new kid here. Please introduce yourself Mr." - Teacher.

"There's nothing to say sir. I'm not new here. Ako lang naman si Tyler Smith," masasabi kong may confidence na sa sarili ang mokong. Hmmm. Ang galing ko talaga.

"Ha? Siya 'yung nerd?"

"Pero unfairness pogi siya."

"Gahhd. Nagsisisi akong nilait si Tyler."

Napangiti ako sa aking kaloob-looban.

---

Para naman may magawa ako dahil vacant namin, gagawa ako ng '30 facts about me.' Sana huwag kayong aangal dre.

1. Only child ako.
2. Member ako ng choir.
3. Alam kong mag-banduria.
4. Noong ako'y girly, mahilig akong mag-ponytail.
5. May phobia ako sa gagamba noon.
6. Favorite singer ko si Taylor Swift.
7. Favorite song ko ang A Place in This World ni T.S.
8. Naging fan ako ng isang Japanese group noong Grade 7 ako.
9. I can sketch.
10. I have a cat.
11. May tropa ako sa Tondo. Palagi kaming rumaraket sa pagkanta kapag may time ako.
12. My favorite book is Charlotte's Web. Wala lang ang ganda kasi.
13. Gusto 'yong mga palabas na patayan o horror.
14. Tulog mantika ako.
15. Ang pinaka masamang panaginip ko ay isang araw nagibg babae ulit ako at pinakasalan ang isang guwapong lalake.
16. I like to be a doctor.
17. K-drama and K-pop addict din ako. Noon.
18. I don't have a social media account.
19. I hate boring people.
20. When I was a kid, my favorite show was Teen Titans Go.
21. I hate 50 shades. Kahit hindi ko pa napapanood.
22. Mahilig akong kumain ng pizza.
23. Si Jisoo ang favorite ko noon sa Blackpink.
24. Kung sa BTS naman, si Jeo Jungkook. Pero ngayon hindi na.
25. I love anime.
26. Gusto kong magliwaliw.
27. Gusto kong mag-bakasyon sa Tagaytay.
28. I hate being a girl.
29. Naguguluhan ako.
30. If one day, I will fall inlove to a guy, I will treat all of you who is reading this an iPhone.

Totoo 'yong number 30 mga dre. Pero alam kong mananalo ako dito.

"Uhm hi again Joe," nagulat naman ako sa nagsalita. Her voice is very nice. "Remember me?"

"Oo naman! Ikaw si Abigail. So what's up?"

"Wala kasi akong maka-usap. Lahat ng kaibigan ko iniwan ako," ang sama naman nila. "May rumor kasi na kumakalat na inagaw ko ang bf ni Hannah. Pero hindi totoo iyon. Alam kong plastic lang iyong mga kaibigan ko. Ginagamit lang nila ako dahil mayaman kami. Pero kahit ganun okay lang sa akin basta may kasama ako. Kaya ngayon na umalis na sila, sana huwag na silang bumalik. Atsaka nakahanap naman ako ng kaibigan ko."

"Sino naman?"

"Ikaw."

Naks. Mukhang friend zone ako nito

"Sana ituring mo akong kaibigan mo. Iyong totoo. Best friends?" - Abigail

"Oo naman."

Ouch ang sakit.

Ngumiti siya sa akin. Niyakap pa niya ako. Napabuntong-hininga si ako. Ano ba iyan? Palpak. Baka nga friends lang kami.

---
"O ano namang plano mo para makuha si Hannah mo?" Tanong ko kay Tyler.

"Ano pa ba edi ligawan."

"Oo nga ano. Mukhang papasa ka naman sa standards niya."

"Wow ako pa talaga ang minaliit mo. Ang guwapo ko kaya. At matalino pa. Mayaman rin ako. Saan ka pa?"

"Ang hangin mo rin no. Gumuwapo ka lang ng konti ganyan ka na. Eh wala ka namang binabat sa akin e."

"Sino kaya ang na friend zone?"

"Hoy hoy. Tigilan mo akong ugok ka. Mapapatay kita."

"Haha. Biro lang. Ito namang si Joe. Di'ba bro tayo? Naks bumu-bromance. Hahaha."

Naku naging baliw na 'yata siya.

My Strings of LoveWhere stories live. Discover now