Joe's Pov
Bakit ganito nalang ang eksena sa school? Palaging may nagkukumpulan? Nakieksena naman ako. Nang makarating sa harap ay nakita ko si Hannah na may hawak na red roses. Si Tyler naman kumakanta.
Pagkatapos nitong kumanta ay nagyakapan sila. Ang sakit pre. Napatalikod ako. Tumulo ang luha. May yumakap sa akin. Inilayo niya ako sa taong nagkukumpulan.
"May lahi ka talagang kabute Abigail," sabi ko nang makita kung sino ang yumakap sa akin.
"Iiyak mo lang iyan Joe," may kinuha siyang panyo. "Eto oh panyo."
Napaka helpless ko. Ayaw ko nito. Puwede bang magpasagasa ako 'tas magkaka-amnesia? Para maklimutan ko na siya.
---
Tapos na ang lahat ng klase ko. May tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako. Si Abi."May pupuntahan tayo Joe," ngumiti siya sa akin. Buti pa siya. Nasa tabi ko. Siya wala na. May Hannah kasi. "Para naman mabawasan ang lungkot mo."
"Hindi ako malungkot. Masaya ako," pilit ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa. Nagpatuloy ako sa paglalakad. "Masayang masaya."
I ran my hands into my short hair. Ngumiti ako ng malaki. Nakita kong sumabay sa paglalakad si Abi.
"Alam mo, kung ang tao ay nagsasabi na masaya siya na may pinagdadaanan, deep inside malungkot siya," puwede na yatang maging psychologist ang babaeng 'to. "Kaya huwag mo akong lolokohin."
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Nakalabs na kami sa school. May driver ako.
"Sa Robinson's," simpleng sagot niya. Napalingon naman ako sakanya.
"ANO?!" baliw ba siya? "E, ang layo nun."
"Oo nga. Travel makes a person forget his problems," giit niya. Pumunta ako sa backseat. Pati rin siya. "Atsaka Ilocos Norte lang naman iyon, a. Ilocos Sur dito. Gosh."
"Three hours ang biyahe doon! Gabi na tayong makakarating!" Napahinto naman siya at nagbilang sa daliri.
"Six pm tayo makakarating. Nine pm sila magco-close. May apat na oras pa tayo," okay tali na ako. Ano bang gagawin namin doon? Wala namang bago e. Tom's World. Supermarket. Department Store. Mga stalls na nagtitinda ng ice cream, siomai, palabok, donut at iba pa. Fast foods. Movie World. Bookstores.
"Deretso tayo sa bookstore ng Robinson's," mabilis kong tugon.
---
Dumeretso agad kami sa National Bookstore. Bumili ako ng mga bagong librong babasahin."Hindi ko alam na may tomboy palang mahilig sa libro,"
"Ano ba? May ginagawa naman akong matino ano?" Binili ko na rin ang mga kailangan sa school para sa project. "Atsaka unique kasi akong tomboy."
"Hangin. Natangay 'yong mga papel o," totoo naman, e.
Pagkatapos naming mamili ay pumunta kami sa Jollibee. Steak lang ang kinain ko at pineapple juice. Si Abi naman ay spaghetti with 1 piece chicken at Coke. Edi siya na matakaw. Sadyang wala akong gana.
"Let's go to movie world!"
"Ano namang papanoorin natin?" Nandito kami sa labas ng Movie World. Ang bilis no? "Da One that Ghost Away?"
"Good idea," hinatak ako ni Abi. "Bili ka ng popcorn Joe. Ako sa tickets."
Tawa kami ng tawa sa movie. Sulit ang pinamili namin. Hindi namin namalayan ang oras. Magna-nine na pala.
---
Nakarating ako sa condo ng 12 pm. Itinulog ko na ito. Napagod ako.Nagulat ako nang may bumato sa akin. Si Ler pala. Maliit lamang ang bato. Peebles.
YOU ARE READING
My Strings of Love
RomantikThere are things that are making us mad or triggering us to do bad things. There are also things that makes us happy. These points are a vital role on our life and it's somewhat attached to us. Joe didn't act as a girl. She likes to be a boy than c...