Chapter 12: A Fan

0 0 0
                                    

Joe's Pov

Naglalakad ako sa hallway nang may humatak sa likod ko. Nakita kong si Tyler ito.

"Ano ba pre?" Tanong ko kahit ang lakas na ng tibok ng puso ko. "Bakit mo ako hinatak? Busy ako."

"Kilala mo ba si Taylor Swift?"

Nagliwanag ang mukha ko. E, favorite singer ko 'yun.

"Oo. Bakit?" Maangas kong tanong.

"Alam mo ba ang title ng kantang ito?" Nakinig naman ako. "Dear John, don't you think I was two young to be messed with?"

"Ah. Dear John ang title nun." Bakit niya kaya tinatanong?

"Ano ang meaning ng kantang 'yun?"

"Isinulat ni Taylor Swift ang kantang 'yun para sa ex niyang si John Mayer. Di'ba obvious sa kanta ang mga ibang meaning? Isip isip din dre."

"Tell me more about Taylor Swift."

"Ano ba? Quotang quota na ako sayo a. May Google pre," naiinis na ako sa kanya. Baka masakal ko lang siya at mahalika- este masapak. "Si Taylor Swift ay isang country music singer. She's already 28. She's born on December 13, 1989. Her parents are Andrea Swift and Scott Swift. Mayroon siyang six albums. Taylor Swift. Speak Now. Red. Fearless. Reputation. Mayroon rin siyang dalawang pusa. Sina Meredith at Olivia. Bgayon hindi na siya country music singer. She switch into pop. And I hate it. Pero susuportahan ko nalang siya. Nag-pop music siya para ipamukha sa bashers na kaya niyang kumanta ng ibang genre. She has many bashers because she has many exes like Harry Styles, Drew Dunlap, Taylor Lautner and more. She also had a feud with Katy Perry, Kim Kardashian, and Kanye West."

"So what's your favorite song of hers?"

"White Horse." May nabuo naman sa isip ko. "Bakit mo tinatanong ang mga ito? Huwag mong sasabihing magfa-fanboy ka rin?"

"Hindi no. May tomboy palang fan si Taylor Swift," aba'y ginagago ako nito a. "By the way, nice eyebrows. Nag-aahit ka na pala."

"GAGO KANG TAO KA!" Tumakbo na siya. May nagbago na talaga sa kanya. Hindi na siya ang dating Tyler na humble. He learned to comunicate to others. Napangiti ako.

"Hays. Napapangiting mag-isa. Siya ang iniisip," parang kabute lang Abi. "That's some sign of an inlove girl."

"Hindi ako girl. Boy ako. Don't push me into him."

"Indenial ka pa. E andiyan na sa noo mo nakatatak. Love ko po si Tyler." Baliw talaga 'tong babaeng 'to. "Pero mag-ingat ka. May gusto na siyang iba."

"E di wow kung may gusto siyang iba. 'Di ko naman siya type, e."

"Magno-November na pala. Anong plano mo sa undas?"

"Pupuntahan ang lamay ng lolo at lola ko."

"Sama mo ako," tumango ako. "Samahan mo rin ako. Pupuntahan ko lamay nv tiyahin ko."

"Bakit. Wala kang kasama?" Umiling siya. "Sige ba. Ay hindi ko pala madadalaw ang aking lolo at lola. Nasa Manila kasi sila. Sasama nalang ako sa'yo."

"Haha. Sige salamat." Sa susunod na linggo na ang November. Ano kaya kung papatayin ko sina Tyler at Hannah. Gagawan ko sila ng lamay. Para my forever na sa kanila sa afterlife. Natawa naman ako sa naisip ko. Hinding hindi ko yon magagawa. Basagulero nga ako ngunig hindi ako mamamatay tao. "Ayusan kita girl?"

"Ayaw ko. Pustahan nalang tayo. Kung makapasa ako sa lahat ng test, aayusan mo ako. Kapag hindi, bigti ka."

"Ang harsh mo naman girl. Isusurrender ko nalang ang kotse ko."

"Sige," sus. Ako ang mananalo no. Maniniwalaka namang maipapasa ko ang mga tests.

Nang matapos ang klase, deretso na ako sa condo ko. May nakita akong dalawang tao sa nagtitinda ng fiahball. Sina Tyler at Hannah. Sige pakasaya kayo. Maghihiwalay rin kayo. Walang forever dre. Itatak niyo iyan. Iyong mga mukha nila. Masaya sila.

My Strings of LoveWhere stories live. Discover now