Chapter 10: Love Guru

0 0 0
                                    

Joe's Pov

"So anong plano mo?" Tanong ko kay Tyler.

"Liligawan ko siya malamang," sagot niya.

---
"Sinong may gawa niyan?"

"Gosh. Sana ako na lang."

Sumiksik ako sa mga taong nagkukumpulan. Out of my way! Konti nalang masasapak ko na ang mga 'to.

May tarpulin sa senior high building. It says:

Please let me court you Hannah Lee. I like you very much.

Nagulat ako nang tumapak sa taas ng building si Tyler. Anong kagaguhan ito? May mic pa siyang dala.

"Hannah sagutin mo ang tanong ko. May I court you?"

Nagkantiyawan ang mga tao. Sinasabi pa nilang sige na Hannah. E kung sasapakin ko kaya sila?

Nakita kong nagstep forward ang bruha. Natahimik ang lahat. Hindi mahina ang pandinig ko. Malinaw na malinaw sa akin ang sagot niya.

"Sige Tyler. Ligawan mo ako."

Nakaramdam ako ng paninikip ng aking dibdib. Tumalikod ako. Gumawa ng ten steps papalayo. Nag-iinit ang sulok ng mata. Hindi. Hindi ka iiyak Joe. Pero traydor kang luha ka. May mainit na likidong tumulo sa mata ko. Nanghina. Napakuyom ng kamao. Ang sakit. Ang sakit ng dibdib ko.

"Joe!" May tumawag sa akin. Hindi ako lumingon. Boses pa lang alam ko na. Please lumayo ka. Huwag mong iparamdam sa akin na talo na ako. Na may gusto ako sa 'yo.

"Joe!" Lumayo ka sa akin. Nanghihina ako. Pinagpapawisan. Huminto sa paglalakad. Hinarap siya.

"Joe! Tulungan mo naman ako sa date namin mamaya!"

"Ano bang isusuot ko?"

"Gusto niya kaya ng tsokolate at mga bulaklak?"

"Saang resto ko siya dadalhin?"

"Please puwede ba tumigil ka. Kung gusti mo siyang i-date, kahit ano nalang ang isuot mo. Bagay naman lahat sayo ng pinamili mo. Bigyan mo nalang ng regalo. May Italian restaurant diyan. Huwag mo muna akong guluhin."

"Salamat sige una na ako."

Napapayag mo lang siya nakalimutan mo na ako. Nagpatuloy ang agos ng luha ko. Kahit gaano katigas ng pinalibot kong pader, may makakatibag pa rin. Kaya nga ako nagbago. Dahil ayoko nang masaktan. Pero sadyang maloko ang tadhana. Pinaglalaruan ako.

"Hoy tomboy. Kung nasasaktan ka na, bakit mo hinahayaang saktan ka niya? May dalawa lang na sagot diyan. Una, dahil gusto mo siyang maging masaya. Kaya kahit nasasaktan ka na, ginagawa mo pa rin ang mga gusto niya. Pangalawa, dahil mahal mo siya. Sa pagmamahal mong 'yan, hindi mo alam na nasasaktan ka na pala. Kaya may dalawa kang pagpipilihan. Kung maglelet go ka, kailangan mo siyang alisin sa sistema mo. Alisin mo siya sa buhay mo. Layuan mo siya. Kung ipagpapatuloy mo ang nararamdaman mo, baka mas masasaktan ka lang. Kaya choose wisely."

Napatingin ako sa taong kanina pang nagsasalita. Si  Abigail pala. Kailan pa kaya 'tong naging love guru?

Pero napaisip ako sa sinabi niya. Mahal ko ba si Tyler? Naguguluhan ako.

"Paano mo malalaman kung mahal mo ang isang tao?"

"Kung palagi na lang siya ang iniisip mo. Kung may parang paru-paro ang naglalaro sa tiyan mo. Puwede rin yung tumitibok iyong puso mo. Nararamdan mo sa sarili mo na gusto mo siyang palaging nasa tabi mo. Ayaw mo siyamg nasasaktan o kaya nalulungkot. Gusto mong palagi siyang masaya. Na kahit nasasaktan ka na pinipilit mo pa ring pasayahin siya. Napapangiti ka na lang sa mga katangahan niya. Na wala kang maipintas na kahit ano. Para sa yo perpekto siya. Proprotektahan mo palagi. Sasamahan sa mga problema niya. Magiging sandalan kapag umiiyak. Gagawin ang lahat. Nagseselos kapag may kasamang iba. Gusto mong patayin yung kasama niya. Handa kang makapatay para sa pagmamahal..."

"Okay tama na." 'Yung way ng pagkakasabi niya damang dama, e. "Naranasan mo na ba lahat ng 'yan?"

"Aba'y oo. Let me tell you about my love story..."

"Wala akong oras para sa kaartehan mo," basag ko sa trip niya.

"Uy vacant time ngayon no. Pinagloloko mo ba ako?"

"Pansin ko nag-iba iyang ugali mo," umupo siya sa kahoy na puwedeng maupuan.

"Ganyan talaga ako kapag komportable ako sa isang tao," umupo ako sa tabi niya. "So back to story. Once upon a time, may nakilala akong napakaguwapong nilalang. Una ko palang siyang nakita, na love at first sight na ako..."

"Love at first sight?" Putol ko sa kuwento niya. Hindi kasu ako naniniwala dun e.

"Oo. Baka 'yun rin ang nangyari sa 'yo," sus. Maniwala ka naman. "At sa tingin ko siya na ang magigibg prince charming ko. Bata pa ako noon. Grade 7. Hindi hadlang ang edad para sa pagmamahal. Mayroon siyang naging girlfriend. Nasaktan ako nun. Sobra. Pero hinayaan ko na lang.

"Dumating 'yung time na umiiyak siya. Hinalikan niya ako. Ginawa niya talaga iyon para layuan na siya ng girlfriend niya. May sakit kasi siya. Sa paghihiwalay nila. Nasa tabi niya ako palagi. Pero namatay siya makalipas ng isang taon. Masakit para sa akin. Kinaya ko. Naka-survive ako sa mapaglarong pagmamahal. Kaya heto ang maipapayo ko, kung ayaw mo na, huwag mo nang ituloy. Pero kung gusto mong lumaban sige go lang."

Napaisip ako ng malalim sa sinabi niya.

"Sige una na ako Joe."

Alam ko na ang desisyon ko.

My Strings of LoveWhere stories live. Discover now