Chapter 14: Detention

0 0 0
                                    

Joe's Pov

Bad trip. Dahil sa bad trip ako, naglakbay ang aking isipan sa kalalim-laliman ng aking thoughts.

Bakit ganoon na lagi ang eksena? Bakit sa tuwing pumapasok ako ay nakikita ko ang dalawa na napaka sweet. Magkatabi pa sila ngayon. Ano 'yung endearment nila? Babylove ba 'yun? Ang corny. Putspa.

"Tae. Babylove?" Bulong ko sa aking sarili.

"Ms. Gomez? Are you listening?"

"Tangina.. Gago."

"Ms. Gomez?!" Napa-angat naman ako ng tingin. "Ano ka ba? Nailipat ka na ng school, hindi ka parin nagbabago. Kaya itinapon ka ng mga magulang mo dito, e. Wala kang kuwenta! Alam mo bang naghihirap ang mga magulang mo na maghanap ng pera para sa pag-aaral mo? Hindi ka pa nakikinig sa mga klase. You have no future!"

Giit ng matandang gurang na titser. Napangisi naman ako.

"Wala kang alam. Hindi mo ako kilala," I slammed my fist on the table.

"Detention! NOW!" E di wow gurang.

---

Naka-upo ako sa sulok buong maghapon. Okay na ito. Atleast hindi ko sila makikita.

"May praktis tayo mamaya ng volleyball," I looked at her. Member pala ng volleyball na sinalihan ko.

"Sige. Salamat,"

"Been sitting eyes wide behind these four walls hoping you'd call
It's just a cruel existence like there's no point hoping at all"

"You can go now Ms. Gomez," tiningnan ko ang nagbabantay. I spit a bubble gum on the floor. "By the way you have a nice voice."

"Thanks,"

---

"Uy, anong nangyari sa yo? Bakit nadetention ka?" Oh please get away from me Tyler. Nakakabanas na 'to a. Umakbay pa siya sa akin. "Alam mo ba, unting-unti nang napapalapit si Hannah sa akin. Sa December ko siya tatanungin na maging girlfriend ko siya. Tulungan mo ako ha?"

Napangiwi ako. Hinawi ko ang pagkaka-akbay niya sa akin. Kinunutan ko siya ng noo.

"Iyan ang mali sa'yo, e. Hindi mo alam ang nararamdaman ng tao pre," tumalikod ako at naglakad papalayo. Nagsimulang tumulo ang luha ko kasabay ng pagtulo ng ulan. Nakikisabay yata sa moment ko. Napatigil ako nang may yumakap sa aking bewang. Nanindig ang balahibo. Amoy palang alam ko na. "Bitawan mo ako."

Basang basa kami. Iniharap niya ako. Tiningnan sa mata. Nag-aalala. Hindi niya yata napapansin ang aking luha dahil nababasa ito ng ulan.

"Anong problema mo?" Niyakap niya ako. Hindi kami sumilong. Nanatiling nakatayo sa ilalim ng ulan. "Bakit ka nagkakaganyan."

Kahit namang sabihin ko sayo kung anong dahilan ay hindi mo mababago ang nararamdaman kong sakit. Alam kong hindi mo masusuklihan ang pagmamahal ko sayo. Masyadong mabilis ang pagkakahulog ko. Parang sa mga disney movies. Tulad ni Cinderella. Pero hindi fairytale ang buhay ko, e. Nasa reality. Hindi ko inaakalang ang tomboy na tulad ko, ay mafa-fall sa iyo.

Bakit ba ako nahulog sayo? Hindi ka naman kaguwapuhan, a. In fact mas guwapo pa ako sayo. Wala ka namang abs. De joke. Hindi ko alam kung may abs ka o wala. Hindi ko pa kasi nakikita. Oo nga at mabait ka, gentleman. Hindi ko naman alam kung manloloko ka. Baka nagbabait-baitan ka lang. Alam mo kasi, ang mga lalaki, sa una lang iyan marunong magmahal. Kapag tumatagal na, magsasawa na 'yan. Hahanap ng ibang babae.

Ang hirap kasi ng napasok ko. Sana hindi na lang ikaw. Hindi ko sana mararanasan itong one sided love na tinatawag nila. Ang tanong. May makikita ba akong iba? E, ang tingin ng lahat kalaban ako. Pansin mo hindi na ako masyadong nagi-Ingles. Ganyan kasi ako kapag emotional.

May mga panahon na gusto napapangiti na lang ako sa mga kalokohan mo. Masaya ako kapag masaya ka. Ayaw ko na malungkot ka. Gusto kong protektahan ka. Nag-aalburuto ang puso ko kapag malapit ka. Na parang ikaw lang ang 'love of my life' ko. Ang corny pre. Babae na ba ako?

Alam mo kung bakit ako na-fall? Nagsimula ito noong una nating pagkikita. Parang na-bewitched ako sa pagyuko yuko mo. Na parang nalaman ko na ang cute cute mo pag ganun. Kahit tanga ka at lampa. Kahit opposite tayo. Tama nga iyong opposite attracts. Noong nagbago ka, mas lumalim pa ang pagkahulog ko. Na hindi ko namamalayan. Na naging defensive ako.

Kaya ngayon nasasaktan ako dahil iba ang gusto mo. Mahal mo. Ang unfair mo pre. Ang sakit sakit na. Alam mo ba yun?

Sana masabi ko ito ng harap harapan sayo. Baka hindi mo lang ako pakinggan. Or worst baka ma-reject ako.

Tiningnan ko siya habang nasa ilalim kami ng ulan. Nanghihina ako. Nanginginig. Baglang nagdilim ang paningin ko.

"JOE!"

My Strings of LoveWhere stories live. Discover now