Shout-out misskuneho
😂😂😂"Ronielyn, kunin kitang Vice-President, ha? Siyempre ako ang President. Nakikita kong matalino kang talaga kaya kailangan tayo ang tandem sa gaganaping School organization. Eto o, kailangan fill-up-pan mo 'to." Bigla na lang umupo sa tapat namin ni Sheila si Walter at iniabot na lang basta ang puting papel.
Botohan para sa gaganaping School Organization. Kailangan Grade 10 ang maglalaban-laban sa buong high school. Dalawang partido lang naman ang magkalaban.
Probinsya ang eskuwelahan namin kaya apat na section lang ang mayroon. At kung sa Maynila, half day lang ang pasok, dito whole day. From 8am to 5pm.
Natigil tuloy ang pagsubo ko sa aking lunch. At dahil whole day ang pasok, nagbabaon na lang ako, halos lahat naman. Para na rin makatipid siyempre.
Nakataas ang kilay na ibinaba ko ang kutsara at tiningnan lang ang papel na iniaabot nito at pagkatapos ay hinarap si Walter.
"Can't you see, I'm eating my lunch?"
"Pasensiya na kasi kailangan nang maipasa ito bago mag-one, e." Kumakamot pa sa batok na sabi nito, nakangiwi.
"Wala akong balak sumali sa mga ganiyan. Ibigay mo na lang sa iba." At dinampot ko na ulit ang kutsara at nagsimula muling kumain. Nakatingin lang si Antonite sa amin at buti na lang at walang balak sumabad.
"Pero Ronielyn, makakatulong ito sa 'yo. At isa pa..."
"Puwede ba, ayoko nga, e. Bakit ba ang kulit mo? Pinanganak ka ba para buwisitin ang bawat araw ko?" Medyo napalakas ang pagkakasalita ko kaya ang ibang kumakain doon ay napapalingon sa amin. Sumabay pang mayroon ako kaya mainit na talaga ang ulo ko kanina pa.
Tapos ganito? Naman, Walter!
"Ronielyn, ano ba? Bakit ka ba sumisigaw, para 'yun lang," mahinang saway na ni Antonite. Tumayo na rin si Walter at nang humingi ng paumanhin si Antonite, mahinang tango at sige ay umalis na ito.
Nakaismid namang uminom ako ng tubig at iniligpit ko na ang baunan ko.
Nawalan na ako ng gana.
"Tapos ka na?" tanong ni Antonite.
Tumango lang ako. Patayo na sana ako nang mabigla dahil isang puting papel na naman ang inilapag malapit sa akin.
Registration form. Ang kulit talaga!
"Sinabi ng.." natigil ang paglilintanya ko sana ng hindi naman si Walter ang nalingunan kong naglagay ng papel, kung hindi ang nakangiting si Kit.
"Ahm, can you be our muse?" Pati ata mga mata nito nakikiusap sa akin. Hay... at pantay-pantay pa ang mga ngipin niya sa pagkakangiti.
Sinong hihindi?
"Ha? Kandidato ka rin pala?" Nakangiting sabi ko sabay dampot sa papel.
"Oo, escort. Sige na, ikaw na lang ang muse. Si Ryan Poblete ang presidente." Tuluyan na itong umupo sa katabi kong upuan. Tahimik akong napangiwi.
Classmate namin si Ryan Poblete. Sobrang yabang nito porke pamangkin ng prinsipal. May itsura rin naman kahit paano. No'ng unang araw ko nga, niligawan ako kaagad nito. Pero sinopla ko dahil sobrang yabang. As in, super, duper, mega yabang! To the highest level achieve niya bes.
"Bakit siya? Wala na bang iba?" pilit na ngiti ang ibinaling ko kay Kit.
"Oo nga, ang yabang no'n, a?" Sabad naman ni Antonite na nagliligpit na ng baunan.
"Shhh, 'wag kayong maingay baka may makarinig sa inyo, umabot pa sa kaniya. E, siya ang presidente. Malakas nga ang laban natin dahil pamangkin siya ng prinsipal," mahinang sabi nito at palingon-lingon pa sa paligid. Nagbabakasaling baka may nakarinig sa amin.
"Ano? Payag ka na, ha? Fill-up-pan mo na ito para maipasa ko na."
Tinitigan ko naman ang papel at medyo nag-isip.
"Sige na nga mapilit ka, e," mayamaya ay saad ko.
Napalingon ako nang biglang umubo si Antonite. Tumayo naman ang nasisiyahang si Kit.
"Sige, abot mo na lang sa akin bago mag-one para maibigay ko kay Ryan." Inabutan pa niya ako ng ballpen bago tuluyang umalis.
Nakangiti namang sinimulan ko na ang pagsagot sa form.
"Halatang-halata ka. May gusto ka kay Kit, ano?"
"Wala, no," saad ko at hindi man lang sinulyapan si Antonite. Pero, nanatili ang ngiti sa aking mga labi.
Hay...
"Wala raw. E, pati pilik-mata mo kinikilig. Akala ko ba wala kang balak sumali sa mga ganiyan. Halos ipahiya mo si Walter no'ng yayain ka niya. Vice-President ang inaalok sayo 'te, tapos muse lang napa-oo ka. Dahil kay Kit, 'di ba?"
Medyo na-guilty ako ng slight doon. Wala naman talaga akong balak sumali sa mga ganitong activities. E, kasi naman si Kit, e. Parang may kapangyarihan siyang hindi ko kayang hindian.
"Naku Ronielyn Amber Perez, 'yang mga tulalang ganiyan, pumapag-ibig na 'yan. Kawawa naman si Walter, pinahiya mo na, sinasaktan mo pa nang paulit-ulit." Napapailing-iling pa ito.
Napaismid ako. Wala akong pakialam sa labas ang gilagid na si Walter. Basta ako masaya at napapansin na ni Kit sa wakas.
***
"O, Walter, dumating ka na pala. Kamusta ang school?" Mula sa pagta-type sa laptop, lumingon sa akin si Rey. Naudlot tuloy ang pag-akyat ko sana ng hagdan papunta sa kuwarto ko.
Nilingon ko siya sa may kusina, hindi ko napansing naroon pala siya. Dumiretso na lang ako ng kinaroroonan niya, ibinaba ko na muna ang mga gamit sa ibabaw ng lamesa at binuksan ang ref. May graham ball akong nakita, inilabas ko iyon para magmeryenda na muna. Inilapag ko iyon sa mesa kasama ng orange juice bago ako naupo sa tabi ni Rey.
"Okay naman. School Organization namin, tumakbo akong Presidente," nakangiting sabi ko, habang ngumunguya ng graham ball.
Ngumiwi naman ito bago ibinalik ang atensiyon sa laptop. College na ito at sa bayan nag-aaral.
"Manalo ka naman kaya kung ganyan ang... alam mo na? Ewan ko sa 'yo kung bakit mo pinahihirapan 'yang sarili mo." Umiiling-iling pa ito.
Natawa na lang ako at pagkatapos uminom ng juice, binalingan ko siya.
"Hindi puro itsura lang ang labanan, kailangan din ng utak at diskarte."
"Kailangan din maging presentable, ano ka ba?" Hindi pa rin lumilingon sa akin si Rey, nanatiling nakatingin sa laptop at nagta-type.
Nakangiting ibinalik ko ang natirang graham ball sa ref at juice. Matapos hugasan ang pinaggamitan ay tinapik ko sa balikat si Rey.
"Presentable naman ako, a. Makikita mo rin may mapapala ako rito."
"Ano naman kaya 'yun?" Narinig ko pang sabi nito habang kinukuha ko ang mga gamit sa ibabaw ng lamesa. Napailing na lang ako habang umaakyat ng hagdan.
Matapos ibaba ang bag at gamit sa study table, humilata muna ako sa kama, habang nakatingin sa kisame at malungkot na tinanggal ang salamin sa mata.
"Walter Perrero, may mapapala ka nga ba?"
Hindi Pangarap na Love Story
jhavril
2018